00:00Sa ibang balita, inaasahang mapabibilis pa ang servisyo medikal ng pamahalaan sa mga Pilipinong may chronic kidney disease.
00:08Ito ay sa oras na matapos na ang bagong gusali ng National Kidney Transplant Institute o NKTI.
00:16Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., malaking tulong ito lalo na dumarami ang mga Pilipino na may CKD.
00:23Si Kenneth Pasyentes sa Sentro ng Balita.
00:28Dalawang beses sa isang linggo, nagpapadialisis si Belia dahil sa sakit sa bato.
00:33Aminado siya na bukod sa hamon ng pagpapagamot, hamon din ang pagpunta sa dialysis center.
00:39Dagdag pa riyan ang oras na gugugulin niya sa paghihintay dahil sa limitadong bilang ng dialysis machine sa National Kidney
00:45Transplant Institute o NKTI.
00:472 a.m. gumigising na kami kasi 3.30, andin na yung taxi na binubok nung anak ko para maghat
00:58sa amin dito.
00:59And then, kailangan kasi mga 4 a.m. andin na kami for registration.
01:05Tapos masasalan kami mga 6 a.m. na.
01:08Yan ang tutugunan na ng pamahalaan sa pamamagitan ng itinatayong NKTI Legacy Building.
01:13Personal na ininspeksyon kanina ng Pangulo ang gusali.
01:16Sabi niya, mahalaga ito lalo't tumataas ang bilang ng mga Pilipino na nagkakaroon ng chronic kidney disease.
01:23Ito kasi ay malaking pangangailangan sa ating populasyon dahil over 11% ang kanilang statistic,
01:32over 11% ng mga Pilipino ay may chronic kidney disease.
01:37Kaya kailangan na patibayan natin at palawakin natin ang ating servisyo para sa pag-treat ng CKD.
01:47At ito ay magiging, pagka natapos na ito, ito ang magiging pinakamalaking dialysis center sa Southeast Asia.
01:56Inaasahang magkakaroon ng 13 palapag ang naturang gusali, kung saan ilalagay ang nasa 200 hemodialysis machine.
02:03Nagkakahalaga ng 2.8 milyon pesos ang proyekto na sinasabing matatapos sa Desyembre ng susunod na taon at makakapagsimula ng
02:11operasyon sa unang quarter ng 2028.
02:13Kaya pinagbibilisan natin, imbis na ang dating nangyayari kasi ay tingi-tingi ang pagbigay ng pondo.
02:22Kaya't hindi pwedeng madaliin.
02:24Kaya't ang ginawa natin, pinalitan natin ang sistema, buo ka agad ang pondo para habang ginagawa rito sa mga lower
02:32floor,
02:32hindi pa tapos ang finishing, ay sinimula na yung mga upper floor.
02:37Malaking bagay ito para sa mga gaya ni Belya dahil mas mababawasan na anya ang oras ng kanilang paghihintay.
02:44Mas gusto ng mga anak ko, dito na ako kasi nga, accessible.
02:49In case anong man na mangyari sa akin, andyan ang mga doktor, andyan ang mismo hospital.
02:54E sa mga clinic-clinic, nadali ka rin sa hospital, inalawas ka rin.
03:00Kaya mas gusto nila dito.
03:02Pero sabi ng Pangulo, hindi lang ang mga pasilidad ang dapat palawakin,
03:06kundi pati ang kaalaman ng publiko para maiwasan ang ganitong uri ng sakit.
03:10Lalo't ayon sa Health Department, ito ang pang-apat na sanhinang pagkamatay ng mga Pilipino.
03:16Binigyang diin pa ng Presidente ang mas pinalawig na tulong medikal para sa mga may CKD,
03:21dahil na rin sa expanded C-benefit package mula sa PhilHealth.
03:24Itinaas na ng PhilHealth ang saklaw na hemodialysis package mula sa 90 hanggang sa 156 na sesyon.
03:35Itinaas na rin ang PhilHealth ang benefit package mula sa dating P4,000, ngayon P6,350 bawat sesyon.
03:45Tumaas na rin ang rate ng Z-benefit package para sa peritoneal dialysis
03:52na kasalukuyan ng aabot mula sa P389,640 hanggang sa P500,140 kada taon para sa mga adults
04:06at mula sa P510,000 hanggang P1.2 million naman para sa mga batang pasyente.
04:13Sa ngayon, nasa 904 na dialysis centers ang accredited sa Pilipinas
04:18na handang tumugon sa mga may sakit sa bato.
04:21Kenneth Pashete, para sa bayan.
Comments