00:00First, we'll talk about President Ferdinand R. Marcos Jr. at Russian President Vladimir Putin
00:09to be able to do the best in the two bans,
00:13in the world, in the world, in the supply of the land.
00:17So, in the two leaders,
00:20we'll talk about food and energy security
00:24and the best in the news of Kenneth Pashente.
00:30Binigyang diing ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:33ang pagpapatibay pa sa kooperasyon ng Pilipinas at Russia
00:36sa mahahalagang larangan partikular na sa sektor ng enerhiya at siguridad sa pagkain.
00:41Sa kanyang opening statement sa bilateral meeting kasama si Russian President Vladimir Putin,
00:46binanggit ng Pangulo na bagamat nananatiling matatag ang kalakalan ng dalawang bansa,
00:50nakikita niya ang mas malaking potensyal para sa mas malawak na ugnayang pang-ekonomiya.
00:55As you have mentioned, Your Excellency,
00:59there are many potential areas that I think we should still open to explore.
01:06And I think that the present level of trade,
01:09although it is steady,
01:13I think that there is a great deal more.
01:16Tinukoy din ng Pangulo ang mga naging talakayan sa ilalim ng Joint Commission on Trade and Economic Cooperation o JCTEC,
01:22kung saan lumitaw na ang enerhiya at food security ang kapwa prioridad ng Pilipinas at Russia.
01:28Nakatulong paan niya ang mga business-to-business engagements sa pagbuo ng mga bagong network
01:32at paghahatid ng mga posibleng joint ventures sa pagitan ng mga kumpanya mula sa dalawang bansa.
01:36Ipinunto pa niya ang mga napirmahang kasunduan na sakop ang iba-ibang larangan.
01:41We note that the number of memoranda of understanding that was signed during this activity
01:47covered cooperation in innovation, retail products, cosmetics, food processing, and industrial collaboration.
01:56Samantala, muling binigyang halaga ng Pangulo ang patuloy na political dialogue sa pagitan ng Pilipinas at Russia,
02:02na anya'y mahalagang daan upang mas mapalawak pa ang kooperasyon ng dalawang bansa.
02:06We hope to continue our regular conduct of political consultations between our foreign ministries
02:13and they provide a very important opportunity to explore further ways of cooperation.
02:21At bilang chair ng ASEAN 2026, personal ding inanyayahan ni Pangulong Marcos Jr. si President Putin
02:27na dumalo sa 21st East Asia Summit na gaganapin sa Maynila sa Nobyembre.
02:31The East Asia Summit remains an integral part in maintaining a regional architecture towards our shared goal of a stable,
02:41secure, and prosperous region.
02:43Sinabi naman ni Russian President Putin na may potensyal ang pagpapalawak ng kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa,
02:49lalo na sa agrikultura at enerhiya.
02:51Ipinunto pa niya na umiiral ang Joint Russia-Philippine Commission on Trade and Economic Cooperation
02:55bilang daan sa mas malawak na ugnayang pang-ekonomiya ng Russia at Pilipinas.
03:01Matapos ang pulong ng dalawang lider, dumalo si Pangulong Marcos Jr. at iba pang ASEAN leaders
03:06sa state reception na pinangunahan ni Putin
03:08bilang pagkilala sa mga delegado na bahagi ng ASEAN-Russia Commemorative Summit.
03:13Kenneth, pasyente para sa bayan.
Comments