00:00Nako, pasintabi po sa mga kumakain ngayon dahil ang pag-uusapan natin,
00:06sandamakmak na basura.
00:08Umaalingasaw sa ilang bahagi ng Maynila ang mga basura ilang araw nang hindi nahahakot.
00:15Nilalangaw na nga, nakakasigip pa sa kalsada ang mga nakatiwangwang nakalat.
00:20Paalala ng MMDA, maging responsable at magtapon lamang ng basura sa mga tamang lugar,
00:26lalo na't maaaring bumara ang mga ito sa daluyan ng tubig at maging sanhi ng pagbaha.
00:33Ano nga bang sinasabi ng batas tungkol dito?
00:36Ask me, ask Attorney Gabby.
00:44Attorney, sandamakmak na basura.
00:47Nakaharang na sa kalsada pero hindi pa rin nakokolekta.
00:51Sino ba ang dapat managot dito?
00:53Nako, ang Local Government Unit po ang siyang dapat natin tanungin kung bakit hindi nakokolekta.
00:59Mula kay Kapitan hanggang kay Mayor o kay Governor.
01:03Ito ay dahil sa ilalim ng Local Government Code o Republic Act 7610
01:07at ayon na rin sa Ecological Solid Waste Management Act o Republic Act 9003,
01:14ang mga LGU o Local Government Unit natin ang bahala rito.
01:18Yung mga barangay nakalagay na responsible sila sa collection ng biodegradable,
01:24compostable at reusable waste.
01:26Ang mga munisipalidad at city government naman ay para sa mga non-compostable waste
01:35at sa mga solid waste na yan.
01:37Ayon sa Republic Act 9003,
01:39ang LGU ay dapat mag-develop at magsagawa ng Solid Waste Management Plan
01:45na dapat ay kasali ang mga garbage collection strategy nila.
01:50Attorney ang mga basura nag-uugat sa disiplina.
01:55Yung mga basta tapon lang dito, tapon doon, ano ang pwedeng kaharapin sa batas.
02:00Of course, check nyo na rin ang mga specific ordinance ng mga syudad ninyo.
02:04Baka may specific na mga batas sila tungkol sa hindi pagsunod sa mga requirements
02:09tulad na ng segregation at pagtapon ng basura.
02:13Pero sa iba't ibang batas, meron din mga bawal at nakalagay din ang mga penalty
02:19tulad na nga sa Republic Act 9003.
02:22Halimbawa, ang littering o pagkalat, pagtapon ng basura at pagtambak
02:27sa pampublikong lugar turad ng kalsada, sidewalk, kanal, estero o park
02:33o pagpayag sa ganitong gawain.
02:35May multa na hanggang 1,000 pesos at community service ng 1 hanggang 15 days
02:41sa pamahalang lokal kung saan ginawa ang paglabag o pareho.
02:46Naku, eto pa, maraming guilty dito.
02:48So, pagsunod ng basura, hindi na uso yung magwawalis-walis tapos magsunod sa bakuran.
02:55Ang multa, hanggang 1,000 pesos, servisyong komunidad ng hanggang 15 days
03:00kung saan nyo ginawa ang paglabag o pareho.
03:04Marami din guilty dito, naku, pagpapakolekta o pagpayag sa pagkolekta ng hindi,
03:09nahiwa-hiwalay na basura.
03:12Dapat kasi talaga, nagsesegregate tayo.
03:15Dito naman, multa na hanggang 3,000 pesos, kulong ng hanggang 15 days.
03:21Hindi lang po community service, actual na kulong kung saan nyo ginawa ang paglabag
03:26o parehong fine and kulong.
03:29Susunod, paghalo ng mga nahiwa-hiwalay ng recyclable sa iba pang basura,
03:34sa sasakyan o lalagyan na ginagamit sa pangungalikta ng basura.
03:38May multa na hanggang 5,000 pesos o 5 to 10% ng kabuuang kita ninyo sa nakaraang taon.
03:46Parang malaki yata yun.
03:48Susunod, pagtapot sa mga flood-prone area.
03:51Multa hanggang 3,000 pesos, kulong ng hanggang 6 na buwan.
03:56Dahil alam naman natin kung gano'ng kaperwisyo ang mga bahana yan.
04:00Sabi nga nila, para sa ikuulad ng bayan, disiplina ang kailangan,
04:05ang hindi pagtapon ng basura ng tama.
04:08Nakakadagdag sa pagpapahirap sa ating mamayan.
04:11Ang pagsusunog ng basura, pollution po yan at nagre-resulta sa climate change.
04:17Ang pagtapon kung saan-saan hindi lamang masama sa kalasugan,
04:21magre-resulta pa sa mas malalang baha.
04:23Alam nyo na, malapit na ang ulan.
04:26Ano na ba ngayon? End of June na.
04:28At hindi lang yan, namamatay ang mga isda pag nagtatapon sa mga ilog at sa dagat.
04:34In the end, walang magandang patutunguhan ang hindi wastong pagtapon ng basura.
04:40Basta't usaping batas, bibigyan po natin ng linaw.
04:43Alam nyo na, para sa kapayapaan ng pag-iisip,
04:47huwag magdalawang isip, ask me, ask Atty. Gabby.
04:53Ikaw, hindi ka pa nakasubscribe sa GMA Public Affairs YouTube channel?
04:57Bakit? Mag-subscribe ka na dali na para lagi una ka sa mga latest kwento at balita.
05:03I-follow mo na rin ang official social media pages ng Unang Hirit.
05:07Salamat ka puso!
Comments