00:00Agaran at pang-matagalang solusyon sa baha.
00:03Ang panawagan ng mga residente sa isang barangay sa Kalupit, Bulacan.
00:07At hindi pa man kasi binabagyo, lubog na sa tubig ang ilang bahagi ng barangay,
00:11na problema na naman ngayong pasukan.
00:14At nakatutok to online, si Jamie Sands.
00:18Jamie?
00:22Pia, kakasimula pa lamang ng tag-ulan season kasabay ng habagat sa ilang bahagi ng bansa,
00:27pero dito sa barangay Frances, Kalumpit, Bulacan, nakakaranas na ng pagbaha
00:32dahil yan sa high tide at ilang araw na pag-ulan.
00:35Kaya naman pangamba ng mga residente paano sa mga susunod na araw
00:39kapag tumindi na ang habagat at ang malalakas na pag-ulan.
00:44Ganito ang sitwasyon sa ilang bahagi ng barangay Frances sa Kalumpit, Bulacan ngayong hapon ng Sabado.
00:51Nilulusong ng mga residente ang baha para sa kanilang pang-araw-araw na gawain.
00:56Ang ilang bahay, pinasok na ng tubig.
00:58Kaya ang ilang bahay, nagtambak na ng lupa o pinataasan na.
01:02Ayon sa mga residente, kahit high tide pa lang ang kanilang nararanasan,
01:06madalas na itong nagpapahirap sa kanilang pamumuhay.
01:10Araw na araw, hamon daw ito, lalo na para sa mga estudyante
01:14at mga gagawang kailangang lumusong sa baha
01:16para lamang makaalis at makauwi sa kanilang mga bahay.
01:20Sabi pa ng ilang nakausap namin,
01:22posibleng isa sa dahilan ng pagbaha ang umano'y na sirang dike malapit sa kanilang lugar.
01:27Ngunit ayon din sa kanila, noong wala para wang dike,
01:31hindi naman daw ganito kalala ang kanilang nararanasang pagbaha kahit high tide.
01:36Ayon sa pamunuan ng barangay Frances,
01:38catch basin at low-lying area ang kanilang lugar kaya bahayin talaga.
01:42Nakahanda na ang kanilang bangka at kuliglig
01:45na ginagamit para ma-rescue at mahatid sundo ang mga estudyante mula sa baha.
01:50Sana rin daw makatulong sa susunod ang ginagawang flood control sa kanilang lugar.
01:55Panawagan ng mga residente agarang aksyon at pangmatagalang solusyon sa paulit-ulit na pagbaha.
02:05Ito po, dati ho, hindi naman ho ang ganito dito.
02:09Nung maghanap ano yung dike na sirang,
02:12mapasok ho araw-araw ang tubig.
02:14Pero pag nung wala hong dike,
02:18hindi naman ho kami ginaganito.
02:20Nakahilap na po kami.
02:21Sa lukuya po ngayon, mayroon pong proyekto ang DPWH
02:26sa pamagitan po ng Percy Street ng Bulacan.
02:34Ayun po, yun nga po yung dyan po sa Tibag area,
02:39dyan sa Porok Uno,
02:40na kung mapapansin po nila,
02:43nakikita naman nila na inuupisan na yung 500 meter linear meter na road na flood control.
02:58Pia, humuhu pa naman yung baha kapag low tide,
03:01pero araw-araw yan na bumabalik.
03:03Kaya naman, panawagan ng mga residente ay agarang solusyon
03:06at matuldo ka na itong paulit-ulit nilang problema.
03:09At yan ang latest mula rito sa Kalumpit Bulacan.
03:11Balik sa iyo, Pia.
03:13Maraming salamat, Jamie Santos.
Comments