Skip to playerSkip to main content
Sina Olympic boxing bronze medalist Aira Villegas at SEA Games weightlifting silver medalist Albert Ian Delos Santos ang napiling flag bearers ng Pilipinas sa opening ceremony ng 2026 Asian Games na gaganapin ngayong Sept. 19 sa Aichi-Nagoya.

Pero bago nila bitbitin ang watawat ng Pilipinas, alamin muna natin ang kuwento at karera nina Aira at Albert.

Panoorin ang video na ito.#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews

Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!

GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.

For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c

For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Si na-Olympic Boxing Bronze Medalist Aira Villegas at Weightlifting Southeast Asian Games Silver Medalist Albert Ian De Los Santos
00:08ang magdadala ng watawat ng Pilipinas sa opening ceremony ng 20th Asian Games sa Paloma, Mizuho Stadium sa September 19.
00:17September 10, ang opisyal na inanunsyo ni Philippine Olympic Committee President Abraham Bambal Tolentino
00:23ang napiling flag bearers ng Philippine delegation.
00:25Pero sino nga ba si na Aira Villegas at Albert Ian De Los Santos at ano ang naging takbo ng
00:31kanilang kareta sa sports?
00:33Bago maging Olympic Boxer si Aira Villegas, simpleng buhay lang ang kinalakihan niya sa Tacloban City Leyte.
00:39Sa edad na siyang na taon, nagsimula siyang mag-training sa boxing.
00:43Isa sa mga nag-impluwensya at nagturo ng boxing kay Villegas ay yung kuya niyang si Romanic Villegas na isa
00:50ring boxer.
00:50Sa edad na 16, sumali si Villegas sa Association of Boxing Alliances in the Philippines o ABAP.
00:57Dito siya nakitaan ng potensyal ng dating Olimpian na si Violito Paila at naimbitahan na mag-training kasama ang national
01:04boxing team sa Manila.
01:05Nakilala siya sa kanyang left-handed boxing stance na kalaunan ay naging advantage niya sa mga kalaban.
01:11Sa paglipas ng mga taon, unti-unti na buo ang makulay na karera ni Villegas sa boxing.
01:16Noong 2019, nanalo ng bronze medal si Villegas sa Women's Bantamweight Division sa Southeast Asian Games na ginanap sa Pilipinas.
01:25Sumabak din si Villegas sa IBA Women's World Boxing Championships noong 2022 na ginanap sa Istanbul, Turkey.
01:32Lumahok siya sa 50-kilogram division category at umabot sa quarterfinals.
01:37Hanggang sinakalahok siya sa 2024 Paris Olympics at nagkamit ng bronze medal sa Women's 50-kilogram flyweight division.
01:45Siya ang ikalawang Pilipino boxer na nag-uwi ng medalya sa Olympics, sumunod kay Nesty Pitesyo na nakasungkit ng silver
01:52medal noong 2020 sa Tokyo Olympics.
01:55Noong nakaraang taon, sumabak ulit si Villegas sa 2025 Southeast Asian Games at nakasungkit ng ikalawang medalya niya sa naturang
02:02paliksahan.
02:03Nanalo siya ng silver medal sa 50-kilogram flyweight division na ginanap naman sa Thailand.
02:08Ngayong taon, umaasa naman si Villegas na makuha ang kauna-unahang Asian Games medal.
02:13Ang weightlifter naman na si Albert Ian Delosantos, tubong Zamboanga City.
02:19Bata palang ay exposed na sa weightlifting si Delosantos.
02:23Dating national lifter kasi ang kanyang mga magulang na sina Alvin at Diwa Delosantos.
02:28Nagsimula ang kanyang karera sa weightlifting nang sumabok siya sa Batang Pinoy National Finals noong 2018 sa Baguio City.
02:35Sumali siya sa kategory no under 38-kilogram division.
02:38Kinatawan niya ang Pilipinas sa 2021 Youth World Weightlifting Championships sa Saudi Arabia.
02:45Ito ang kanyang first international debut.
02:48Noong 2023, sumabok siya sa Asian Youth and Junior Weightlifting Championships sa India,
02:53kusaan nakapag-uwi siya ng dalawang gold at dalawang silver medals.
02:57Nakakuha siya ng dalawang gold medals sa youth division.
03:01Nakapag-lift siya ng 148 kilograms sa clean and jerk at total na 258 kilograms.
03:07Panalo rin si Delosantos ng dalawang silver medals sa junior division.
03:11Noong 2025 naman, sumabok si Delosantos sa pinakaunan niyang senior competition sa 2025 IWF World Championships sa Ford, Norway.
03:22Nakapagtala siya ng bagong junior world record matapos niyang ma-lift ang 185 kilo sa clean and jerk 71 kilogram
03:30division sa pangatlong niyang attempt.
03:32Nagtapos si Delosantos sa ikawalong pwesto sa kanyang weight class matapos magtala ng 136 kilo sa snatch at 185 kilo
03:41sa clean and jerk para sa kabuoang 322 kilo.
03:45Dalawang buwan lang ang nakalipas, nahigitan niya naman ang kanyang naitalang record sa 2025 IWF World Championships.
03:52Nasungkit niya ang silver medal sa 2025 Southeast Asian Games sa men's 71 kilogram category at nakapag-lift ng 186
04:01kilo sa clean and jerk.
04:03Nitong Agosto 2026, sumabok muli si Albert sa Asian Youth and Junior Weightlifting Championships na ginanap sa Tashkent, Uzbekistan at
04:11nakapag-uwi ng tatlong gold medals.
04:13Isang karangalan daw naman para kay Villegas at Delosantos na mapiling flag bearer ng Pilipinas.
04:36Bibitbitin nila ang wadawat ng bansa kasama ang pag-asa at pangarap ng maraming atletang Pilipino.
05:09Bibitbitin nila ang kanyang.
Comments

Recommended