00:00Subog sa baha ang lahat ng kalsada sa barangay Santa Monica sa San Simón, Pampanga.
00:06Ang evacuation center sa barangay, inabot na rin ang baha.
00:09Kaya ang ilang evacuase, nag-evacuate ulit.
00:13Mula sa Pampanga, nakatutok live si Bon Aquino.
00:18Bon!
00:20Ivan, hindi na possible sa mga light vehicles ang lahat ng kalsada sa bayan ng San Simón, Pampanga.
00:27Ang ilang residente naman, nagpumahog ng lumikas dahil sa patuloy na pagtaas ng baha.
00:35Kahit saan lumingon sa barangay Santa Monica, San Simón, Pampanga, baha ang makikita.
00:41Lahat ng kalsada, lubog sa tubig.
00:44Kaya ang bungad ng Quezon Road mula San Simón, Enlex Exit,
00:48nagmistulang parking lot na dahil hindi na makapasok ang mga sasakyan.
00:52Sa drone video, kita ang matinding baha sa Purok 5 at 6, Barangay Santa Monica, Pasadola 7 ng umaga kanina.
01:00Pinahari ng evacuation center sa Nayong Chinoy, Barangay San Pablo Propio.
01:05Kaya ang mga pansamantalang na natili roon, nag-evacuate na rin.
01:09Yung mga palikuran doon, medyo maapaw na rin.
01:12So hindi na talaga kaya na mag-stay pa nung matagal.
01:15Sobrang crowded na.
01:16Yung kasing bahay namin sa Chinoy, mataas na siya tapos pinasok na ng tubig, lagpas tuhod.
01:22So yung palikuran namin, wala na rin, umapaw na rin.
01:25Nang bumuhos ang malakas na ulan, kanya-kanyang silong ang mga lumikas na tila mga basang sisiyo sa gilid ng
01:32kalsada.
01:33Nang makatchempo ng rescue truck, agad silang isinakay nito.
01:37Si Janibel mag-isang naghanap ng matutuluyang kamag-anak matapos lumikas sa kanilang bahay.
01:43Nasa lubaw kasi ang kanyang kapatid na hindi rin makauwi.
01:46Sa amin, Labog, paano po namin pupuntahan yung bahay namin?
01:51Kaya po, sobrang hirap po nang, di ko po alam kung enough po po yung relief na nabibigay kung naaabutan
02:01na po yung mga bahay.
02:02Isa lamang po ito sa mga kalsadang binaha dito sa barangay Santa Monica.
02:06Kung nyo hong makikita, napakarami hong mga residente na papunta at pabalik sa kalsada na ito.
02:12Yung iba po, bumibili ng kanilang mga pagkain. Yung iba po, lumilikas na.
02:16Dahil ito po yung kalsada na kahit papano ay nalalakaran pa nila.
02:19Dahil bandaroon daw po sa looban at dun sa mga katabing barangay ay hanggang dibdib at lampas tao na yung
02:25baha.
02:26Kaya naman yung iba ay nagpaparescue na rin.
02:28At ayun doon sa mga residente, ito rin yung unang pagkakataon na umakyat o tumaas yung baha dito sa kanilang
02:34lugar.
02:36Ang ilang may tricycle, nagtulak na lang.
02:39Hindi na po kaya ng motor mo, mataas na.
02:41Doon yung bahay namin, San Isidro.
02:43Barangay San Isidro?
02:44Opo, mas malalim doon.
02:46Hanggang saan po?
02:47Opo.
02:47Hanggang dibdib na?
02:48Opo.
02:49So ano pong ginawa nyo? Bakit po kayo bumalik doon?
02:53Hindi, lililigas po kami. Mag-evacuate na po.
02:56Hindi na po kaya eh. Malalim na.
02:59Ang isang senior citizen na stroke survivor isinakay sa rubber boat para mailikas sa gitna ng mas tumataas na tubig.
03:07Ang iba nag-improvise ng balsa para makapagtawid ng tao at gamit.
03:12Kwento ng residenteng limang dekada nang nakatira rito.
03:15Ngayon lang nila naranasang tumaas ng ganito ang baha sa barangay Santa Monica.
03:20Pagpasok na ang August, nagkaroon na rin kami ng baha dito pero hindi pa ganong kalaliman.
03:24Pero itong week na to, talagang pinasok na lahat ng mga kabahayan.
03:29May at maya namang may ibinababang mga lumikas na residente ang mga truck.
03:33Sana tulungan na lang po kami.
03:35Sa totoo lang, malaking tulong yung rasyon pero hindi yun talaga ang solusyon.
03:39Kasi taon-taon na nangyayari itong baha na to.
03:42Mas malala lang po ngayon.
03:43Gamot, pagkain, tubig.
03:46Apektado rin ang baha ang ilang lugar sa Apalit.
03:49Sa isang nalubog na subdivision, nagsagawa ng rescue operation ng Apalit Police sa mga residenteng na ipit sa malawakang baha.
04:02Ivan, ayon sa MDRRMO San Simon, as of 1pm, maabot sa mahigit apat na raan na yung mga pamilyang inilikas
04:09mula sa labing tatlong barangay.
04:11Samantala, dito naman po sa San Fernando City, Pampanga, ay nakakaranas pa rin tayo ng katamtaman.
04:17Hanggang sa malakas na pagulan, kaya naman po hindi pa rin humuhupa yung baha dito sa Monumento Fernandino.
04:23Maging dun sa dalawang kalsada na konektado po dun sa roundabout.
04:27Ivan?
04:28Ingat, maraming salamat.
04:30Von Aquino.