Skip to playerSkip to main content
Hindi na raw binhi kundi sama ng loob ang itinatanim ng ilang magsasaka sa Bulacan dahil sa pinsala ng baha sa kanilang palayan.


Sa datos ng Agriculture Department, halos 60,000 metric tons ng palay ang nasira sa mga nagdaang bagyo at habagat nitong Agosto.


Ang posibleng epekto niyan sa supply ng bigas sa bansa, alamin.


24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Hindi na raw binhi, kundi sama ng loob ang itinatanim ng ilang magsasaka sa Bulacan dahil sa pinsala ng baha
00:06sa kanilang palayan.
00:07Sa datos ng Agriculture Department, halos 60,000 metric tons ng palay ang nasira sa mga nagdaang bagyo at habagat
00:15itong Agosto.
00:16Ang posibleng epekto niya sa supply ng bigas sa bansa sa live na pagtuto ni Bea Pinla.
00:22Bea!
00:26Evan, may mga sandaling pagbuhos pa rin ng ulan dito sa Kalumpit Bulacan ngayong araw.
00:31Isa sa mga kalbaryo ng mga residente dito mahigit isang buwan na yung mga bukid nila na imbis na mataniman,
00:37nagmistulang palaisdaan.
00:43Kung may itatanim, may aanihin.
00:46Pero paano kung lubog sa baha ang palayan gaya sa Barangay Sapang Bayan sa Kalumpit Bulacan?
00:53Bungad pa lang po ito ng Barangay Sapang Bayan sa Kalumpit Bulacan.
00:57Hindi po ito bahagi ng dagat kundi malawak na palayan na mahigit isang buwan na pong lubog sa baha.
01:03Ang mga tanim na palay nalusaw na at hindi na mapakikinabangan kaya ang mga residente imbis na magtanim ay nangingisda
01:10na.
01:11Dating natataniman lahat yan, ngayon parang dagat na.
01:15Ganyan lang, pangisda-ngisda lang.
01:16Pangbenta, pangulam.
01:18Si Florencio, dating nagtatanim ng gulay sa bukid nila.
01:22Ngayon, nagbabangka siya palabas ng barangay para bumili ng panindang ibebenta nila sa mga kapitbahay na lubog din sa baha.
01:30Yung mga bumibili, nakabangka rin.
01:33Walang magagawa talaga.
01:35Kailangan lumusong.
01:36Eh, magugutom yung mga apo.
01:39Pati mga alagang hayop ng mga residente, nagdurusa.
01:42Kulang sa pagkain, pumayad yung hayop.
01:45Yan.
01:46Tapos abala, pagbantay.
01:48Mas mataas ang baha sa ibang bahaging ng barangay.
01:51Kaya sabi ng mga residente, imbis na binhi, iba na ang kanilang tinatanim.
01:57Eh, tanim ng galit.
01:58Marami ho.
01:59Eh, tulad ng mga kurakot na yan.
02:01Eh, dapat makakasuhan yung mga yan eh.
02:03Puro hirap ang nangyayari.
02:05Naluno din sa baha ang mga bagong tanim palang na palay sa malolos.
02:09Siguro po, kung ayos po ang flood control eh, hindi po magkakaganya ng mga magsasaka.
02:16Hindi mahihirapan.
02:17Pagiging ayos po lahat yung aanihing palay.
02:21Lugi rin ang ilang magsasaka sa pulinan na nalusaw na lang sa baha ang mga sabog tanim na palay.
02:27Halos hindi na rin maaninag ang mga taniman sa barangay iba sa Hagonoy.
02:31Sa datos ng Department of Agriculture,
02:34halos 60,000 metric tons ng palay ang nasira sa mga nagdaang bagyo at habagat nitong Agosto.
02:40Normally nasa 500 to 600,000 metric tons yan.
02:45This is still small compared to the national average natin na harvest for any given year of about 20 million
02:54metric tons.
02:54So we're not seeing any significant impact sa kabuang inventaryo natin sa bigas.
03:02Pangamba ng National Food Authority, hindi nila nakamit ng kanilang target na supply para sa Agosto.
03:08Dahil sa maulan, yung mga magsasaka na umaani, hindi makapagpatuyo.
03:14Hindi makapagpatuyo ng kanilang palay.
03:17Una, napupwersa sila na ibenta na agad.
03:20Hindi na nakakaabot sa amin yung mga palay na binibenta ng ating magsasaka.
03:26Sa gulay naman, nakikita rin ang DA ang lagpas 15% na taas presyo sa ilang pamilihan.
03:32Sabi ng kagawaran, may mga programa sila para makatulong sa mga apektadong magsasaka,
03:37gaya ng prepositioned na mga bini at pataba ng gulay.
03:40Ang Philippine Crop Insurance Corporation may nakalaang 187 milyon pesos para makatulong sa halos 25,000 magsasakang na sa lanta
03:50nitong Agosto.
03:57Evan, sa tinde at tagal ng paghupa ng baha dito sa Bulacan,
04:01hindi lang daw ayuda ang kailangan ng mga residente rito,
04:04kundi permanenteng solusyon para makaahon sa buhay na lubog sa baha.
04:09Yan ang latest mula rito sa Bulacan. Balik sa'yo, Evan.
04:13Maraming salamat, Bea Pidlak.
Comments

Recommended