Skip to playerSkip to main content
Bumaha na naman sa ilang parte ng Metro Manila dahil sa magdamag na ulang dala ng habagat.
Sa Quezon City, mahigit 100 pamilya ang sapilitang pinalikas.


24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Bumaha na naman sa ilang parte ng Metro Manila dahil sa magdamag na ulang dala ng habagat.
00:04At sa Quezon City, magit isang daang pamilya ang sapilitang pinalikas.
00:10Nakatutok si Gabriel Gonzalez.
00:15Naging maulan ang magdamag sa iba't ibang lugar o sa Metro Manila dulot ng habagat.
00:20Sa Maynila, panakanaka ang ulan sa Espanya, Quezon Boulevard hanggang makarating ng Taft Avenue.
00:26Katamtamang ulan naman ang naranasan sa UN Avenue at Rojas Boulevard, Maynila hanggang makarating ng Pasay.
00:33Wala namang napaulat na baha sa mga nasabing lansangan.
00:36Sa Kaloocan, nagdulot ng Gutter Deep na baha sa Dagat-Nagatan Avenue ang halos tuloy-tuloy ng mga pagulan.
00:44Sa Malabon, nagkaroon ng Gutter Deep na baha sa mababang bahagi ng kalsada sa parangay Maysilo.
00:50Pagdating sa tapat ng Malabon Central Market, abot binti ang baha.
00:55Gutter Deep din ang baha sa isang village sa barangay Apolonyo, Samson, Quezon City.
01:00Bagaman hindi pa masyadong bumubuhos ang ulan, bumaha na rin sa Gumamela Street sa Rojas District, Quezon City.
01:07Kaya ang lokal na pamahalaan, kahapon pa lang ay sapilitan ng pinalikas ang mga residenteng nakatira malapit sa mga daluyan
01:15ng tubig sa Rojas District, Kamuning at Bahay Toro.
01:18Pero ang ibang residente, hindi muna lumikas para bantayan ang kanilang mga bahay at ang sitwasyon sa lugar.
01:25Sa Rojas District Gymnasium at General Rojas Elementary School, nananatili ang nasa 138 pamilya o higit apat na rang individual.
01:35Actually po, pag ganyan talaga, masama ang panahon, nagpapa-force evacuation na kami.
01:41Siyempre, iba na rin yung mas maaga na nagpupunta rito para at least safe po ang lahat.
01:47Ayaw ko na talaga lumusog na hanggang dito.
01:51Kaya kahapon, natuwa ko na maga sila nga nagpalikas.
01:56Dahil hindi kami nabasa.
01:58Dakong alas 9 kagabi, nagpakawala ng tubig ang Ipo Dam sa Norsagaray, Bulacan, matapos umabot sa 100.83 meters ang
02:07level ng dam reservoir.
02:09Binuksan ang radial gate A ng 15 centimeters na nagpakawala ng tinatayang 35 cubic meters per second ng tubig.
02:17Nakabantay sa sitwasyon ng mga opisyal ng barangay Matiktik.
02:20Ayon sa barangay, lumalakas ang agos at nagiging kulay putik ang tubig sa ilog kapag nagpapakawala ng tubig ang Ipo
02:28Dam.
02:28Pero kampante sila ngayon dahil may efektibo na flood control sa ilog at may early warning device sila.
02:35Wala na po kami dito, yung baha. Wala na po din po yung nililika sa ngayon.
02:41Nakatulong po naman na kayong flood control.
02:44Gabriel Gonzalez, Nakatutok 24 Horas.
02:51Nakatutok 24 Horas.

Recommended