Walang bagyo sa loob ng Philippine Area of Responsibility pero nakakaranas ng malakas na ulan ang malaking bahagi ng bansa dahil sa Habagat. Napuruhan ang Metro Manila at ilang lugar sa Luzon. Sa Romblon, buwis-buhay ang pagsagip sa mga stranded na pamilya mula sa mataas na baha.


24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magana hapon po!
00:02Wala pong bagyo sa loob ng Philippine Area of Responsibility
00:06pero nakakaranas po ng malakas na ulan
00:08ang malaking bahagi ng bansa dahil sa habagat.
00:11Napuruhan ang Metro Manila at ilang lugar sa Luzon, sa Romblon.
00:16Buis-buhay ang pagsagip sa mga stranded na pamilya
00:18mula sa mataas sa baha.
00:20Nakatutok si Jonathan Andal.
00:29Sinagupa ng mga rescuers sa barangay Tulay, Odyongan, Romblon
00:33ang lakas ng ragasan ng baha
00:35para masagip ang mga pamilyang stranded kaninang madaling araw.
00:41Dahil abot dibdib ang baha, gumamit ng lubid at salbabida
00:45para maiahon mula sa baha ang isang senior citizen.
00:48Nagsagawa na ng PM sa evacuation ng mga otoridad
00:51sa mga mababa at bahaing lugar dahil sa malakas na ulan.
00:54Nananatiling sa mga evacuation center ang mga sinagip na residente.
00:58Ani mo'y ilog sa gitna ng kalsada ang taas ng baha
01:02na bumungad sa mga motorista sa Sablayan Occidental Mindoro
01:05kasunod ng malakas na ulan.
01:10Stranded ang ilang motorista.
01:12May ilang pilit pa rin itong sinuong.
01:14Pahirapang makatawid sa baha ang mga maliliit na sasakyan.
01:18Sa Batangas City, bumigay ang pundasyon ng tulay.
01:21Sa bahagi ng Barangay Santo Niño,
01:23pinayuhan ng mga motorista na dumaan sa alternatibong ruta
01:26bilang pag-iingat.
01:28Hiling ngayon ni Batangas City Mayor Marvy Marino sa DPWH
01:32ang agarang pagtatayo ng bagong tulay.
01:35Nagkabaha rin sa J.P. Laurel Highway, Batangas City.
01:38Lakas loob ding lumusong sa mataas na baha ang ilang sasakyan.
01:42May mga residente ring stranded.
01:45Ano po, Lord, tumigil na sana yung ulan.
01:48Maulan din sa Zambales.
01:49Sa San Marcelino,
01:51umapaw ang ilog kaya nalubog sa bahang ilang bahagi ng Barangay Santa Fe.
01:55Halos abot bubong din ang baha sa isang eskwelahan.
01:58Ayon sa MDRRMO,
02:00walang naiulat na nasawi,
02:02nasugatan o nadamay sa pag-apaw ng ilog.
02:04Sinuspindi ng Philippine Coast Guard
02:06ang pangingisda at paglalayag ng ilang sasakyang pandagat sa Zambales
02:09dahil sa pagsungit ng dagat.
02:12Bukod sa ulan at baha,
02:13nakaranas din ang pagguho ng lupa sa Barangay Santa Rita sa Olongapo.
02:17Damay ang isang bahay sa insidente.
02:20Inaalam pa kung may residenteng apektado.
02:22Nagka-lanslide din sa bahagi ng Tagaytay-Talizay Road
02:25sa Barangay San Jose sa Tagaytay-Cavite
02:27at sa bahagi ng National Road sa Barangay San Miguel sa Lobo, Batangas.
02:31Ayon sa pag-asa,
02:33hanging habagat ang nagpapaulan ngayon sa malaking bahagi ng bansa.
02:37Jonathan Nandala, Nakatutok, 24 Horas.

Recommended