00:00Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukalang anti-political dynasty.
00:06Bahagi ito ng LEDA priority measure sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., si Bel Custodio sa
00:14Sentro ng Balita.
00:17House Bill No. 8389 is approved on third reading.
00:22Sa botong 267 na pabor, 20 na hindi pabor, at 7 abstention,
00:30aprobado na sa ikatlo at pinal na pagbasa ng Kamara ang panukalang anti-political dynasty act.
00:35Bahagi ang anti-political dynasty bill sa LEDA priority measures sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:44Layunin na panukalan na bigyan ng pantay na pagkakataon ang bawat Pilipino na makapaglingkod sa bayan
00:50at tuluyang wakasan ang konsentrasyon ng mga iilang pamilya sa kapangyarihan.
00:55At palawakin ang partisipasyon ng mga Pilipino sa politika,
00:58palakasin ang tiwalan ng publiko sa mga institusyong demokratiko
01:02at bigyan ng mas maraming pagkakataon ng mga kabataan at karapat-dapat na leader na makapaglingkod.
01:08Nakasaad sa panukalan na ipinagbabawal ang mag-asawa at mga kamag-anak hanggang second civil degree
01:14na sabay na humawak o tumakbo ng mga halal na posisyon sa iisang distrito, lalawigan, lungsod at munisipyo.
01:22Kung sakali namang magsabay na manalo ang magkamag-anak, batay sa section 7,
01:26ang may pinakabataas ang boto lang ang papayagang umupo.
01:30Kung magkaiba naman ang posisyon, ang nanalo sa mas mataas na tanggapan ang siyang kikilalanin.
01:36Ilang mga mababatas naman ang nagpahayag ng kanilang pagtutol sa anti-political dynasty bill.
01:41Dahil dito, mananatiling pinapayagan ang mag-asawa, mag-ama, mag-ina, mag-kapatid,
01:50at maging magkalulot apo na sabay maging congressman, isa sa distrito, isa sa party dist.
01:57Limiting this prohibition to only the second degree narrows the reach of the law
02:03and allows extended family networks which remain close-knit in Philippine culture
02:08to continue operating within the same political sphere.
02:12Ayon naman kay House Committee on Suffrage and Electoral Reforms Chairperson Zia Alonzo Adyong,
02:18kailangan balansihin ang paglimita sa pagtakbo ng magkamag-anak
02:22at ang kalayaan ng taong bayan para bumoto alinsunod sa saligang batas
02:27habang tinatanggal ang konsentrasyon ng magkamag-anak sa iisang lokalidad o national government.
02:33Just to give you an example, the vice mayor of Quezon City is a cousin to the convent mayor of
02:38Pasig City.
02:39So kung fourth degree of consanguinity ang i-impose natin diyon,
02:44imagine we will deprive the city of Pasig, one of the best mayors that they have produced.
02:50Papatawa naman ang parusa bilang isang election offense,
02:53ang sino mang magsisinungaling, magtatago ng katotohanan,
02:57o mamimeki ng dokumento alinsunod sa omnibus election code.
03:01Bawal din ang biglaang pagbibitiw sa pwesto para lamang ipasa ang posisyon sa asawa o kumag-anak.
03:08Matapos na maipasa sa Kamarang Anti-Political Dynasty Bill,
03:13umaasa si Adyong na makakapagpasa na rin ang versyon ng Senado
03:16para mapag-usapan na ang mga versyon sa panukalang batas at sa bicameral conference.
03:21So I'm pretty sure that the Senate would be able to come up with a version
03:25na even somehow not necessarily similar with what we just approved in the House of Representatives,
03:33but even more extensive.
03:35That's why kailangan ng bicameral conference.
03:39Mungkahin niya na bukod sa Anti-Political Dynasty Bill,
03:42ay dapat din palakasin ang batas sa political system,
03:45kagaya ng reporma sa party list system.
03:48Velco Studio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments