00:00Hining din ni Pangulong Marcos Jr. sa Kongreso na palawakin pa ang income tax exemption
00:04para makasama rito ang mga manggagawang kumikita ng hindi tataas sa P350,000 sa isang taon.
00:11Inaasahan naman na maaaprubahan sa Agosto ang panukalang tax relief package.
00:16Ang detalye mula kay Vell Custodio.
00:20Target ng Kamara na maaaprubahan na sa Agosto ang panukalang tax relief package
00:25para mapatupad ito sa January 1, 2027.
00:28Kasunod ito ng hiling ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Kongreso
00:32na palawakin ang income tax exemption para masaklaw nito ang mga manggagawang kumikita
00:38ng hindi tataas sa P350,000 sa isang taon.
00:41So nagdi-desisyon ng Pangulo dito na effectively parang binibigyan ang ordinaryong mga manggagawa
00:49at pati ang middle class employees ng isang wage increase.
00:54Lumalaki ang kanilang net take home pay pero hindi natin ito ipinapataw
00:58o inililipat ang burden sa mga employers.
01:02Ayon kay House Committee on Ways and Means Chairperson Miro Kimbo,
01:06target ng Kamara na maipasa sa ikatlo at huling pagbasa sa loob na Agosto
01:10ang panukalang tax relief package ng Pangulo
01:13kasama ang mga panukalang sasalo sa mawawalang kita ng pamahalaan.
01:17Ang tansya ho namin dito basis sa informal discussions with si Speaker Bojidi
01:22at saka kay Majority Leader Sandro
01:24is ngayong Agosto tatapusin namin itong compensation
01:29as well as yung corresponding compensating taxes
01:33na ating gagamitin o i-impose or i-adjust
01:36para mabawi yung mawawalang pera because of the revenue loss na mangyayari dito.
01:42Tabi lang din sa mga panukala ang pagbabawa sa income tax,
01:45tax exemption sa maliliit na negosyo
01:48at tax amnesty para sa mga hindi nabayarang buwis
01:51at mga kaugnay na multa.
01:53Ayon kay Kimbo, sa January 1, 2027 pa magkakabisa
01:57ang pagtaas ng income tax exemption
01:59dahil nakaplano na ang koleksyon ng buwis
02:02at gastusin ang pamahalaan para sa 2026.
02:05Effectivity nito is January 1.
02:08At yakako, it cannot be earlier because
02:10masyadong mahirap para i-unwind.
02:13Today, ang computation ng BAR, pati ang ating budget
02:16ay dependent doon sa tax collection
02:18as computed on an annual basis.
02:21Target ng Kamara na maipasa sa ikatlong pagbasa
02:23bago ang break sa Oktubre
02:25ang panukalang tax amnesty
02:27para sa mga hindi nabayarang income tax,
02:29estate tax, VAT at iba pang tax liabilities.
02:32Pinag-aaralan din ang pagtaas ng buwis
02:35sa mga heated tobacco products
02:36at pagpapalawak ng saklaw ng buwis
02:38sa mga sugar-sweetened beverages.
02:41Isinasalang-alang din ang mas malawak
02:43na pagpapataw ng buwis
02:44sa mga single-use plastic
02:46kabilang ang mga sachet
02:47upang mabawasan ang polusyon at pagbaha.
02:50Velcustodio para sa bayan.
Comments