00:00Nakatakda ng sumalang sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukalang batas tungkol sa anti-political dynasty.
00:06Habang lusot na sa third and final reading ng Kamara ang panukalang pagpapahabaan ng Professional Regulation Commission o PRC-ID
00:14Validity.
00:15Ang detalye mula kay Vell Custodio.
00:21Soportado ng mahigit isandaan at pitumpong mamabatas ang anti-political dynasty bill na layong itaguyod ang pantay na pagkakataon sa
00:29serbisyo publiko.
00:31Akrobado na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang House Bill 8389 na ipinagbabawal ang mga magkakamag-anak hanggang second degree
00:39of consanguinity na sabay-sabay tumakpo o humawak ng posisyon sa isang lokalidad.
00:44Layunin ang panukala na ipatupad ang utos ang 1987 Constitution na ipagbawal ang political dynasties.
00:52Sakaling may isa batas, magkakaroon ng malinaw na kahulugan at limitasyon sa paghawak ng kapangyarihan na magkakamag-anak sa politika
01:00na ipatutupad ng Commission on Elections.
01:03Target na itong ipatupad sa susunod na halalan.
01:07Lusot naman sa third and final reading ng Kamara ang panukalang pagpapahaba ng Professional Regulation Commission o PRCID Validity hanggang
01:16limang taon mula sa una nitong validity na tatlong taon lamang.
01:20Sa botong 266 sa pabor at 1 abstention, ayon kay House Majority Leader Sandro Marcos, layunin itong bawasan ng abala,
01:30gastos at red tape sa renewal ng mga professional.
01:33Saklaw sa panukala ang mga guro, nurse, engineer at iba pang licensed officers.
01:40Target ang panukala na gawing mas madali, mabilis at higit na efektibo ang servisyo ng pamahalaan para sa lisensyadong manggagawa.
01:49Aprobado na rin ang Kamara sa ikalawang pagbasa ang House Bill A305 o Kalinga Act.
01:55Layunin naman itong pabilisin ang responde ng pamahalaan sa krisis sa langis at pagtaas ang presyo ng mga bilihin.
02:03Ayon sa isa sa may git 150 authors ang panukala na si House Majority Leader Sandro Marcos,
02:09magiging gabay ang Kalinga Program para sa mas mabilis at mas maayas sa aksyon ng gobyerno
02:14kapag may bigla ang pagtaas ang presyo ng langis at mga pangunahing bilihin o kakulangan sa supply.
02:21Sa ilalim ng Kalinga Program, maaabutan ng tulong ang mga low-income household, manggagawa, drivers, riders, magsasaka, mangingisda, MSMEs at
02:32iba pang sektor.
02:33Kabilang sa mga benepisyo ang cash aid, food assistance, transport support at diskwento sa kuryente.
02:40Pinapayagan din ang grace period sa pagbabayat ng mga utilities, suporta sa negosyo at pagpapabilis sa renewable energy projects.
02:49Pinapayagan din ang pansamantalang suspensyon ng VAT at excise tax sa langis na hindi lalampas sa 60 araw
02:56at pagpapataw ng 15% windfall profit tax sa mga kumpanya ng langis sa panahon ng emergency.
03:04Velcustodio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments