00:00Inaasahang maipapasa ng Kamara sa ikatlo't huling pagbasa ang Anti-Political Dynasty Act
00:07bago matapos ang sesyon ngayong linggo habang pasado na sa ikatlong pagbasa
00:11ang priority bills ng Legislative Executive Development Advisory Council.
00:16Yan ang report ni Vell Custodio.
00:2120 Legislative Executive Development Advisory Council priority bills
00:26na ang naipasa sa third and final reading sa Kamara,
00:29kabilang dito ang paglipat ng Petsya ng unang regular session sa Bangsamoro Autonomous Region
00:34ng Muslim Mindanao o Barm na naisabatas na.
00:37Apat naman ang nasa Conference Committee,
00:39kabilang ang National Center for Geriatric Health,
00:42mga amyenta sa Gatsby Act,
00:44Universal Access to Quality Tertiary Education Act,
00:47at ang Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS Act.
00:51Habang naming lima pang LEDAC measures ang nakapasa na sa ikatlong pagbasa,
00:55kabilang ang mga panukalang nagpapalakas sa Energy Regulatory Commission,
01:00Waste to Energy Framework,
01:01Blue Economy Act,
01:03Department of Water Resources,
01:05Digital Payments Act,
01:06National Land Use Act,
01:07at pagpapalawak ng Four Peace Act.
01:09Tinututukan din ang Kamara na maipasa na sa ikatlong pagbasa
01:13ang aning pang LEDAC measures bago magtapos ang sesyon ngayong linggo.
01:18Patuloy namang isinusulong sa Kamara ang komprehensibong alalay sa livelihood,
01:22inflation,
01:23negosyo at goods assistance o kalinga Act
01:26para mapaghandaan ng supply issue o crisis sa mga produktong petrolyo.
01:30Ayon kay House Committee on Waste and Means Chairperson Niro Kimbo,
01:34hindi lang simpleng ayuda system ang nasabing panukala.
01:37Ito ay targeted na tulong para sa mga unang naapektuhan
01:40kapag tumama ang crisis o issue sa supply ng langis,
01:43kagaya ng sektor ng transportasyon at agrikultura.
01:46So kapag alam na ekonomiya na ang gobyerno ay mayroong framework how to respond,
01:52mas nawawalan ng uncertainty.
01:54And uncertainty is the number one driver of increase in prices of commodities.
02:00Tinitiyak din ang panukalang batas na hindi na magagamit ng ayuda sa panggumulitika.
02:06Inaatasan under sa kalinga ang pamahalaan na magkaroon na ng ready list of beneficiaries
02:12basis sa objectives sa ito para hindi na naghahanap pa ng listahan,
02:18dumudoble listahan, nanggagaling sa kapitan, sa mayor, sa congressman, sa senador,
02:23gobernor, hindi na ganun.
02:24Sa ilalim din ng kalinga bill, pagkakalooban ang tax incentives
02:28ang mga kumpanya na gumagamit ng solar or renewable source of energy.
02:33Bibigyan din ang insentibo ang mga employers na nagpapautang sa car loans
02:37para sa electric vehicles.
02:39Hinihikaya din ang panukalang batas ang mga ahensya ng gobyerno
02:42na gumamit ng electric vehicles.
02:44Samantala, tiwala ang mga miyembro ng Kamara na kayang pagsabayin ng Senado
02:49ang pangunahing mandato nila para gumawa ng batas na makatutulong sa taong bayan
02:54at ang tungkulin nila sa ilalim na saligang batas
02:56bilang senator judges sa impeachment proceedings.
03:00Veto Stodio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas
Comments