Skip to playerSkip to main content
  • 13 hours ago
Anti-Political Dynasty Bill, lusot sa 2nd Reading ng Kamara; panukalang extended PRC I.D. validity na hanggang 5 taon, aprubado na sa Kamara | ulat ni Vel Custodio

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sumantala, panukalang anti-political dynasty nakatakda ng sumalang sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara.
00:08Ilang pang panukalang batas, lusot na sa mababang kapulungan ng Kongreso.
00:12Si Vel Custodio sa Sentro ng Balita.
00:18Supportado ng mahigit isandaan at pitumpong mamabatas ang anti-political dynasty bill
00:23na layong itaguyod ang pantay na pagkakataon sa servisyo publiko.
00:28Aprobado na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang House Bill 8389
00:32na ipinagbabawal ang mga magkakamag-anak hanggang second degree of consanguinity
00:37na sabay-sabay tumakbo o humawak ng posisyon sa isang lokalidad.
00:41Layunin ang panukala na ipatupad ang utos ang 1987 Constitution na ipagbawal ang political dynasties.
00:49Sakaling may isa batas, magkakaroon ng malinaw na kahulugan at limitasyon sa paghawak na kapangyarihan
00:55na magkakamag-anak sa politika na ipatutupad ng Commission on Elections.
01:00Target na itong ipatupad sa susunod na halalan.
01:03Lusot naman sa third and final reading ng Kamara ang panukalang pagpapahaba
01:08ng Professional Regulation Commission o PRCID Validity hanggang limang taon
01:14mula sa una nitong validity na tatlong taon lamang.
01:17Sa botong 266 sa pabor at 1 abstention, ayon kay House Majority Leader Sandro Marcos,
01:24layunin itong bawasan ng abala, gastos at red tape sa renewal ng mga professional.
01:30Saklaw sa panukala ang mga guro, nurse, engineer at iba pang licensed officers.
01:36Target ang panukala na gawing mas madali, mabilis at higit na efektibo ang servisyo ng pamahalaan
01:42para sa lisensyadong manggagawa.
01:46Aprobado na rin ang Kamara sa ikalawang pagbasa ang House Bill 8305 o Kalinga Act.
01:52Layunin naman itong pabilisin ang responde ng pamahalaan sa krisis sa langis
01:57at pagtaas ang presyo ng mga bilihin.
01:59Ayon sa isa sa may git 150 authors ang panukala na si House Majority Leader Sandro Marcos,
02:06magiging gabay ang Kalinga Program para sa mas mabilis at mas maayos sa aksyon ng gobyerno
02:11kapag may bigla ang pagtaas ang presyo ng langis at mga pangunahing bilihin o kakulangan sa supply.
02:18Sa ilalim ng Kalinga Program, maaabutan ng tulong ang mga low-income household,
02:23manggagawa, drivers, riders, magsasaka, mangingisda, MSMEs at iba pang sektor.
02:30Kabilang sa mga benepisyo ang cash aid, food assistance, transport support at diskwento sa kuryente.
02:37Pinapayagan din ang grace period sa pagbabayat ng mga utilities,
02:41suporta sa negosyo at pagpapabilis sa renewable energy projects.
02:46Pinapayagan din ang pansamantalang suspensyon ng VAT at excise tax sa langis
02:51na hindi lalampas sa 60 araw at pagpapataw ng 15% windfall profit tax
02:57sa mga kumpanya ng langis sa panahon ng emergency.
03:00Vel Custodio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended