Skip to playerSkip to main content
  • 24 minutes ago
Panukalang Right to Information Act of 2026, lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara | ulat ni Vel Custodio

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa Kamara pa rin, itinuturing na makasaysayan ng pagpasa sa huling pagbasa ng mababang kapulungan ng Right to Information Bill.
00:09Sa tulong umano kasi nito ay mas matitiyak na ang accountability sa mga opisyal ng gobyerno.
00:17Kung paano yan, alamin sa sentro ng balita ni Bel Custodio.
00:23Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa plenaryo ng Kamara ang Right to Information Act of 2026
00:30na layong palawakin ng akses sa mga Pilipino sa mahahalagang record, dokumento, kontrata, gastusin at proseso sa paggawa ng desisyon
00:39ng pamahalaan.
00:40Bahagi ang RTI sa Legislative Executive Development Advisory Council o LEDAC Priority Bills ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos
00:49Jr.
00:50Sa ilalim na House Bill No. 9397, magiging mas madali para sa publiko ang makahingi at makakuha ng impormasyon mula
00:59sa iba't ibang sangay at ahensya ng gobyerno.
01:02Magtatatag din ito ng online RTI portal at isang Independent Right to Information Commission para tiyakin ng transparency at pananagutan
01:11sa pamahalaan.
01:13Ayon kay House Majority Leader Sandro Marcos, binibigyan ng Right to Information Act na kapangyarihan ang mga Pilipino para maningil
01:21ng accountability sa mga opisyal ng gobyerno.
01:24Layunin ang panukala na gawing mas bukas, responsable at mapanagot ang pamahalaan para sa kapakanan ng mamamayan.
01:32Aprobado na rin sa ikatlo at pinal na pagbasa ng kamera ang Child Online Safety and Protection Act of 2026
01:39matapos makakuha ng 284 na botong pabor sa plenaryo kagabi.
01:44Layunin na House Bill No. 9461 na palakasin ang laban kontra online child sexual abuse at exploitation sa pamamagitan ng
01:54mas mahigpit na batas laban sa online grooming,
01:58sexual extortion, image-based sexual abuse, live-streamed exploitation at AI-generated o deepfake child abuse materials.
02:06Ayon kay House Speaker Faustino Boji D. III, dahil sa transisyon ng pang-araw-araw na pamumuhay sa digital spaces,
02:15responsibilidad din ang pamahalaan na protektahan ang mga bata sa tahanan, paaralan at maging sa internet at social media.
02:23Kasama rin sa panukala ang mas mahigpit na pagpapatupad laban sa mga online platform, website at financial networks na ginagamit
02:32sa pang-aabuso sa mga bata.
02:34Gayun din ang paglikha ng National Council for Child Online Safety and Protection.
02:40Inaprubahan na rin ang House of Representatives sa final reading ang House Bill No. 9257 na naglalayong gawing mas moderno
02:48at mas efektibo ang Basis Conversion and Development Authority o BCDA
02:53para mapakagnabangan ang mahalagang ari-arian ng pamahalaan para sa pambansang kaunlaran.
02:59Sa ilalim ng panukala, maaaring i-reclassify ang bahagi na ilang lupain ng BCDA para sa mga proyektong pabahay, institusyon,
03:09industriya at mixed-use developments
03:11alinsunod sa prioridad ng pamahalaan at pag-aproba ng Pangulo.
03:16Ngayong huling araw ng sesyon, tatlong LEDAC priority measures ang nakabinbin pa para ipasa ng Kamara sa ikatlong pagbasa.
03:23Kabilang ang Anti-Political Dynasty Bill, Anti-Fake News and Disinformation Act at amenda sa masustansyang pagkain para sa mga
03:33batang Pilipino.
03:34Vel Custodio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended