00:00Itinuturing na makasaysayan ng pagpasa sa huling pagbasa ng Kamara ng Right to Information Bill.
00:05Sa tulong nito, mas matitiyak ng accountability sa mga opisyal ng gobyerno.
00:09Yan ang report ni Vell Custodio.
00:14Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa plenario ng Kamara ang Right to Information Act of 2026
00:20na layong palawakin ng access sa mga Pilipino sa mahahalagang record,
00:25dokumento, kontrata, gastusin at proseso sa paggawa ng desisyon ng pamahalaan.
00:31Bahagi ang RTI sa Legislative Executive Development Advisory Council o LEDAC Priority Bills
00:37ng Administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:41Sa ilalim na House Bill No. 9397,
00:45magiging mas madali para sa publiko ang makahingi at makakuha na impormasyon
00:49mula sa iba't ibang sangay at ahensya ng gobyerno.
00:52Magtatatag din ito ng online RTI portal at isang independent right to information commission
00:58para tiyakin ang transparency at pananagutan sa pamahalaan.
01:02Ayon kay House Majority Leader Sandro Marcos,
01:06binibigyan ang Right to Information Act na kapangyarihan ang mga Pilipino
01:10para maningil ng accountability sa mga opisyal ng gobyerno.
01:14Layunin ang panukalan na gawing mas bukas, responsable
01:17at mapanagot ang pamahalaan para sa kapakanan ng mamamayan.
01:22Aprobado na rin sa ikatlo at pinal na pagbasa ng kamera
01:25ang Child Online Safety and Protection Act of 2026
01:29matapos makakuha ng 284 na botong pabor sa plenaryo.
01:34Layunin ang House Bill No. 9461
01:36na palakasin ang laban kontra online child sexual abuse at exploitation
01:41sa pamamagitan ng mas mahigpit na batas laban sa online grooming,
01:46sexual extortion, image-based sexual abuse, live-streamed exploitation
01:51at AI-generated o deepfake child abuse materials.
01:56Ayon kay House Speaker Faustino Boji D. III,
01:58dahil sa transisyon ng pakaraw-araw na pamumuhay sa digital spaces,
02:03responsibilidad din ang pamahalaan na protektahan ang mga bata
02:07sa tahanan, paaralan at maging sa internet at social media.
02:12Kasama rin sa panukala ang mas mahigpit na pagpapatupad
02:16laban sa mga online platform, website at financial networks
02:20na ginagamit sa pang-aabuso sa mga bata.
02:22Gayun din ang paglikha ng National Council for Child Online Safety and Protection.
02:28Inaprubahan na rin ang House of Representatives sa final reading
02:32ang House Bill No. 9257
02:35na naglalayong gawing mas moderno at mas efektibo
02:38ang Basis Conversion and Development Authority o BCDA
02:41para mapakagnabangan ang mahalagang ari-arian ng pamahalaan
02:45para sa pambansang kaunlaran.
02:48Sa ilalim ng panukala,
02:49maaaring i-reclassify ang bahagi na ilang lupain ng BCDA
02:53para sa mga proyektong pabahay, institusyon, industriya
02:58at mixed-use developments
03:00alinsunod sa prioridad ng pamahalaan at pag-aproba ng Pangulo.
03:05Ngayong huling araw ng sesyon,
03:07tatlong LEDAC priority measures ang nakabinbin pa
03:09para ipasa ng Kamara sa ikatlong pagbasa.
03:12Kabilang ang Anti-Political Dynasty Bill,
03:15Anti-Fake News and Disinformation Act
03:18at amenda sa masustansyang pagkain para sa mga batang Pilipino.
03:22Vel Custodio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments