Skip to playerSkip to main content
-Pananakit ng isang TNVS driver sa kapwa driver, huli-cam; Nanakit na driver, arestado; lisensya niya, 90 araw na suspendido


-BFP Region III: 12 ang huling bilang ng kumpirmadong nasawi sa pagguho ng gusali sa Brgy. Balibago


-Ilang lugar sa northern Luzon, nakaranas ng malakas na hangin at buhos ng ulan dulot ng Bagyong Domeng


-PAGASA: Bagyong Domeng na palabas na sa Ph Area of Responsibility, hahatakin ang Hanging Habagat


-Ilang kalsada sa Quezon City, binaha dahil sa malakas na ulan kaninang madaling-araw


-Visayas Grid, isasailalim muli sa Yellow Alert mamayang hapon


-P90,000 halaga ng cash at alahas, natangay sa isang hardware store sa Brgy. Mintal; salarin, hina-hunting


-Babaeng doktor, hinoldap ng 2 armadong lalaki; 2 suspek sa panghoholdap sa isang doktor, arestado sa drug buy-bust; walang pahayag


-Kampo ni Sen. Estrada, naghain ng omnibus motion sa Sandiganbayan para kuwestyunin ang mga kasong graft at plunder na inihain laban sa kanya


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Huli ka mang pananakit ng isang TNBS driver sa kapwa niya driver sa Quezon City.
00:05Ang dahilan umuno ng insidente, git-gitan sa kalsada.
00:08Balita ngatid ni James Agustin.
00:12Masda ng isang SUV sa bagging ito ng 20th Avenue sa Quezon City bandang alas 11 ng umaga nung Webes.
00:19Bagya itong umatras.
00:20Sa muling pag-usad huminto ito at bumaba ang driver.
00:24Nilapitan ng SUV driver ang kotse at kinumpronta ang driver nito.
00:30Sa malapitang video, makikita ang SUV driver na hinampas ang salamin ng kotse.
00:35Doon na ibinaba ng driver ang salamin ng pintana.
00:38Palis na sana ang SUV driver pero muli siyang bumali at dalawang beses sinuntok ang driver ng kotse.
00:48Kuhang video ng pasehero ng kotse na minamaneho ng isang TNBS driver
00:53na hagip ang plate number ng SUV na naging susi para matuntun ang driver.
00:58Sa follow-up operation ng polisya sa Rizal na aresto ang 53 taong gulang na driver ng SUV
01:03na napag-alaman na isa rin palang TNBS driver.
01:06Agad tayong nakipag-coordinate sa Land Transportation Office
01:10at na-verify natin kung sino yung registered owner.
01:13Si registered owner ang pamangkin, tapos yung uncle niya yung gumagamit at nagninegosyo nung sasakyan.
01:21Yung driver niya, yun yung naka-road rage nitong biktima natin.
01:27Ayon sa polisya, nagtamon ng sugat sa labi ang 73 taong gulang na driver ng kotse.
01:31Ang pinag-ugatan ng away, git-gitan sa kalsada ng dalawang motorista.
01:35Itong SUV ay kinat itong sedan.
01:40So nagkaroon ng sigawan, nagmurahan until itong driver ng SUV bumaba.
01:48At pagbaba niya, in-approach niya itong driver ng sedan at hinampas niya yung bintana ng sedan.
01:58Depensa ng SUV driver, una siyang ginit-git ng kotse.
02:01Aminado siya na saktan niya ang driver ng kotse.
02:03Sabi ko po sa kanya, hindi po maganda yung ginawa niya.
02:06Dahil nanggigit-git po siya na nasa kanang side po ako.
02:11Siya pumapasok sa alanganin.
02:13Sa ngayon po sir, pinagsisiyahan ko rin po yung mga nakasalahan na ginawa ko po.
02:17Dahil alam ko po yung mali rin yung ginawa ko.
02:20So may hiripuro ko ng tawad sa kanyang pamilya at sa mga taong na nanood na nagagalit sa akin.
02:28Sinampan na ang SUV driver ng mga reklamang slight physical injury at ang just fixation.
02:33Sinuspin din naman ang Land Transportation Office ang lisensya ng SUV driver sa loob ng siyamnapung araw.
02:39Naglabas din ang ahensya ng show cost order laban sa driver at rehestradong may-ari ng sasakyan.
02:45Kailangan nilang humarap sa Intelligence and Investigation Division ng LTO Central Office bukas, alas tres ng hapon.
02:51James Agustin, nagbabalita para sa GMA News.
02:56Labindalawa ang huling bilang ng mga nasawi sa pagguho ng ginagawang gusali sa Angeles, Pampanga.
03:01Ayon sa Bureau of Fire Protection Central Luzon, nakuha ang bangkay sa Quadrant 1 pasado alas 10 kagabi.
03:07Bago ito, may narecover ng apat pangkatawan na mga natrap sa guho.
03:11Nagpahirap sa operasyong panakanakang pagulan.
03:14Gayun din ang problema ng masangsang namoy sa lugar habang tumatagal ang pagkuha sa mga natabunan.
03:20Inaalam pa ng Ahangela City Health Office ang pagkakakilanlan ng mga biktima.
03:25Batay sa datos na maotoridad, walo pa ang nawawala.
03:29Sa gitna naman ng imistigasyon sa gumuhong gusali, pinatawan ng Alkalde ng Bayan ng Preventive Suspension
03:34ang Structural Engineer ng City Engineer's Office na si Engineer Marlon Lingat
03:38at City Building Official na si Architect Norbert Lagman simula ngayong araw.
03:44Sinusubukan pa silang makunan ang pahayag.
03:48Mga kapuso, anumang oras ay posibleng lumabas na sa Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Domeng.
03:54Gayunman, sabi ng pag-asa, naramdaman pa rin ang epekto ng bagyo sa ilang lugar sa Northern Luzon.
03:59Sa Bagyo City, malakas na ulan ang naranasan kahapon.
04:03Kaya inalerto ng mga taga City Disaster Risk Reduction and Management Office ang mga residente na mag-ingat.
04:10Naramdaman din yan sa Dumalneg, Ilocos Norte.
04:14Sa bayan naman ng banggi, halos 30 minuto ang itinagal na ulan na nakaapekto sa ilang establishmento.
04:22Kahit papalayunan ng bansang bagyong domeng, palalakasin pa rin ito ang hanging habagat.
04:27Base sa datos ng pag-asa, kumikilos ng pahilaga ang bagyo patungo sa northern boundary ng Philippine Area of Responsibility.
04:34Namataan yan, 695 kilometers northeast ng Itbayat, Batanes.
04:39Taglay nito ang lakas ng hangin na haabot sa 120 kilometers per hour.
04:44Walang nakataas na wind signal sa bansa dahil sa nasabing bagyo.
04:48Pero, pinakaalerto sa bantanang malalakas na hangin ang mga nakatira malapit sa baybayin o kaya nasa matataas na lugar dyan
04:55po sa Batanes, Babuyan Islands,
04:57gayon din dito sa Metro Manila, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Panay Island at Negros Occidental.
05:05Pinapayon namang umiwas munang maglayag ang maliliit na sasakyang pandagat sa mga dagat sakop ng mainland Cagayan,
05:11Isabela, Batanes at ilang baybayin ng Babuyan Islands dahil sa matataas na alon.
05:17At dahil nagsimula ng panahon ng hanging habagat o southwest monsoon,
05:21nahahatak ito ng Bagyong Domeng na siyang nagpapaulan sa Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon, Bicol Region, Mimaropa at Western Visayas.
05:32Nakataas po ngayon ang thunderstorm advisory sa ilang panig ng NCR, Batangas, Zambales, Tarlac, Nueva Ecija, Rizal, Laguna, Bataan, Bulacan,
05:43Pampanga, Quezon Province at Cavite.
05:46Tatagal ang thunderstorm advisory hanggang 12.29 ngayong tanghali.
05:52Binahaang ilang lugar sa Metro Manila matapos ang malalakas na ulan kanina madaling araw dulot ng thunderstorm.
05:58Balitang hatid ni James Agustin.
06:04Bumuhus ang malakas na ulan sa Quezon Avenue, Quezon City pasado alas 2 na madaling araw.
06:08Halos mag-zero visibility.
06:10Bumagal ang takbo ng mga sasakyan.
06:12Pabugsu-bugsurin ang ulan sa Edsa Camonig.
06:14Muling bumuhus ang ulan bandang alas 4 na madaling araw.
06:17Ang ilang motorcycle riders sa Edsa Camonig sumilong muna sa ilalim ng MRT station para hindi mabasa.
06:23Dahil sa pag-ulan na ipo ng tubig pagbaba ng Quezon Avenue flyover, gutter deep ang bahas sa Edsa North
06:28Avenue.
06:29Iniwasan din ang mga motorista ang bahas sa bahaging ito ng Edsa Balintawa.
06:33May naitala rin pagbahas sa Araneta Avenue, Corner Giroja Street.
06:36Maging sa bahagi ng Maria Clara Street, malapit sa kanto ng Araneta Avenue.
06:41Gutter deep din ang bahas sa Santo Domingo Avenue, Corner Calamba Street.
06:45Ganyan din ang sitwasyon sa bahagi ito ng Enesa Moranto Senior Street.
06:49Sa Maynila, katamtaman hanggang malakas ang buhos ng ulan.
06:52Sa UN Avenue, Taft Avenue at Rojas Boulevard kanina madaling araw.
06:57Sa kabila niyan, wala naitalang pagbaha sa ilang kalsada.
06:59Pero kanya-kanyang diskarte ang mga pedestrian at motorista para maiwasang mabasa ng ulan.
07:04Ayon sa pag-asa at thunderstorm ang dahilan na pag-ulan sa ilang lugar sa Metro Manila kanina madaling araw.
07:09James Agusti, nagbabalita para sa GMA News.
07:13May yellow alert pa rin sa power supply ng Visayas ngayong unang araw ng Hunyo.
07:18Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines,
07:21ilalagay sa yellow alert ang Visayas grid simula mamayang alas 3 ng hapon hanggang alas 9 ng gabi.
07:27Itinataas yan kapag manipis ang reserbang kuryente at posibleng kulangin kung magka-emergency.
07:32Sabi ng NGCP, apat na malalaking coal power plant sa Visayas ang hindi available ngayong lunes kasabay ng nakikitang mataas
07:41na demand.
07:46Kumukuha ng panukle ang tinderang iyan nang lumapit ang lalaki naka-helmet at nagkasa ng baril sa loob ng isang
07:51hardware store sa barangay Mintal, Davao City.
07:54Ayon sa tindera, bumili umano ng electrical tape ang salarin at nagbayad ng isan daang piso.
07:59Nang lumapit siya sa counter doon na nagdeklara ng hold-up.
08:03Napilita na ang biktima na ibigay ang kita ng tindahan na nasa 10,000 piso.
08:08Tinangay rin daw ang mga suot niyang alahas na nagkakahalaga ng 70,000 hanggang 80,000 pesos.
08:14Patuloy pa ang pangangalap ng CCTV footages ng tulis siya para maahanap ang salarin.
08:21Sa kulungan ng bagsak ng dalawang lalaking na huli kam na nang hold-up ng isang doktor sa Bacolod City,
08:27walang pahayag ang mga suspect na naaresto sa isang drug by-bust operation.
08:31Balitang hati ni John Konsulta.
08:36Viral sa social media ang video ng aktual na pang-hold-up ng dalawang armadong lalaki
08:41sa isang babaang doktor sa Bacolod City, Kuebes ng gabi.
08:44Sa isa pang angulo, makikita sa video kung paano pinwer sa agawin ng suspect
08:48ang bag ng biniktimang doktora sa gate ng kanilang bahay
08:52habang nagsilbing lookout ang ikalawang suspect na nanatili sa motrosiklo.
08:56Sinubukan man laban ng doktora at tinangkapang habulin ng mga suspect
09:00pero mabilis na nakatakas ang mga ito.
09:03Umiikot sila na asin riding in tandem.
09:06Kapag may nachempuan sila na mag-isa at mamay dalambag,
09:10tututukan nila ang baril at agawin ng bag.
09:13So normally, ang pinitili nila ay mga babae
09:15para mas madali nilang maaisa katuparan ang kanilang masamang palap.
09:19Sa follow-up operation ng polisya,
09:22na-restong dalawang suspect sa kinasang baybas operation
09:24matapos mapag-alaman ng mga polis na sangkot din sa illegal na droga ang mga ito.
09:29Nag-organize tayo agad ng tracker team.
09:32So nag-conduct sila ng CCTV, backtracking,
09:35sa possible entry at saka exit route.
09:38Meron din tayong informante na nakakilala sa mga suspect
09:41kaya ito ay tinuro.
09:44At nung bandang alauna ng gabi, noong May 31,
09:47sinalakay ito ng mga sanib na ating mga kapulisan
09:50at siya ay nadakip.
09:52Na-recover sa mga suspect ang bag at cellphone ng biktima
09:55na kumpis ka rin ang motosiklo na ginamit sa krimen.
09:59Sasampahan natin sila ng kasong robbery with violence
10:01against intimidation of persons
10:03under the Article 293 of the Revised Penal Code.
10:06At ititrace din natin kung meron pang mga ibang biktima
10:11itong mga suspect na ito para madagdagan ang kanilang mga kaso.
10:15John Consulta, nagbabalita para sa GMA News.
10:23Mainit na balita, naghahin ng mosyon sa Sandigan Bayan ng Kampo
10:27ni Sen. Jingo Estrada para questionin ang mga kasong graft at plunder
10:31na inihain laban sa kanya.
10:33Detal tayo sa ulat on the spot ni Joseph Moro.
10:37Joseph!
10:41Kasi sa lukuyan pa rin natin inaantabayanan kung maglalabas ng warrant of arrest
10:46o hindi ang 5th Division ng Sandigan Bayan na may hawak ng kasong plunder
10:50laban kay Sen. Jingo Estrada at dating DPWH Secretary Manuel Bonoan
10:56at tatlong iba pa na mga opisyal ng DPWH-NCR.
11:00Pero tulad nga nang nabanggit mo kanina ay sinusubukan pa rin harangin
11:03ng Kampo ni Estrada ang napipindong desisyon ng Sandigan Bayan 5th Division.
11:08Kaninang umaga ay naghahin ng omnibus motion o malawak ang mosyon
11:13ang Kampo ni Estrada sa 5th Division na may hawak nga ng kanyang plunder na kaso
11:18at sa 2nd Division na may hawak naman ng graft case.
11:21Sa mosyon, hiniling ng Kampo ni Estrada na ibasura ang impormasyong inihain
11:26ng Ombudsman laban sa Senador para sa kasong P573M na plunder
11:32dahil umano sa mga paglabag sa karapatan na ni Estrada sa ilalim ng konstitusyon.
11:38Dagdag na hiling ni Estrada ay suspindihin ang proseso sa Korte
11:42at ibalik sa Department of Justice o Ombudsman ang kaso
11:46para sa karagdagang mga preliminary investigation.
11:49Rafi, bukod kay Estrada, meron din mga motion na huwag muna na maglabas
11:54ng arrest warrant itong dalawa na dating DPWH NCR District Engineer
12:00sila Assistant Engineer Denril Cesar Cortuna
12:02at dating DPWH District Engineer Manuel Bulusan.
12:06At ang wala lamang na mosyon para harangin yung arrest warrant
12:10ay itong si Bunuan at yung isa pang NCR official ng DPWH.
12:13Isang pahayag naman, sinabi ni Senador Estrada na handa siyang harapin ang mga kaso
12:20pero yung kanyang mga mosyon na inihain dito sa Sandigan Bayan
12:24ay hindi raw pag-iwas sa pananagutan sa batas
12:26kundi pagtindig sa kanyang karapatan sa due process
12:29at sa pagkakataong maihain at maipaninig ang kanyang panig sa tamang paraan.
12:34Buuraw ang kanyang loob na harapin ang kasong ito
12:37at patunayan na walang katotohanan ang mga ibinibintang sa kanya, Rafi.
12:42Maraming salamat, Joseph Morong.
12:50Maraming salamat, Joseph Morong.
Comments

Recommended