Skip to playerSkip to main content
-Plano umanong pagpapatalsik kay PBBM para maupong presidente si VP Sara Duterte, idinetalye ni Ramil Madriaga sa isang liham

-Mga alegasyon sa liham ni Ramil Madriaga, makatutulong pa sa depensa ni VP Duterte, ayon sa kanyang abogado

-Ilang TNVS driver, inabangan ang bawas-presyo sa petrolyo ngayong araw bago pumasada

-6 na nakaparadang tricycle, ninakawan ng gasolina

-Babae, patay matapos mabangga ng motorsiklo habang naglalakad sa gilid ng kalsada

- Tinatayang 10 bahay, nasunog sa Brgy. U.P. Campus

-Isang rider at 2 angkas, patay matapos maatrasan ng trailer

-Ilang GMA Afternoon Prime at GMA Prime stars, nag-enjoy sa kanilang summer vacation

-PBBM, pinabulaanan na mayroon siyang malubhang sakit; hinamon ng palakasan ang mga nagpapakalat ng aniya'y kasinungalingan

-DOE: P75-P90/L ng diesel at P62-P75/L ng gasolina ang best case scenario kapag tumigil ang giyera sa Middle East

-INTERVIEW: SENATE AD HOC PROTECT COMMITTEE CHAIRMAN SEN. SHERWIN GATCHALIAN

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.


#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Bago ang hearing ngayon, lumabas ang isang liham na pirmado ng nagpakilalang dating aide at bagman ni Vice President Sara
00:07Duterte na si Ramil Madriaga.
00:10Idiletali roon ang magiging hakbang daw para mapatalsik ang Pangulo maging ang plano kung hindi raw yon maisa sa katuparan.
00:17Balitang hatid ni Tina Panganiban Perez.
00:23Nakuha ng GMA News ang liham na ito mula sa isang reliable source sa kampo ni Ramil Madriaga.
00:30Sulat kamay, pirmado at may pechang April 11, 2026.
00:36Si Madriaga ang nagpakilalang dating aide at bagman umano ni Vice President Sara Duterte at isa sa mga pinahaharap na
00:44testigo sa impeachment proceedings na isinasagawa ng House Committee on Justice.
00:49Sa dokumento, tinukoy ni Madriaga, si FPRRD, ang initials ni former President Rodrigo Roa Duterte.
00:58Noong November 2021, binanggit daw sa kanya ng dating Pangulo na hahayaan daw tumakbo si Bongbong Marcos bilang Pangulo kasama
01:08si Sara Duterte.
01:09Pero kukuni nila ang pagkapangulo pagsapit ng taong 2025.
01:13Ito raw ay para mapalawig ang kontrol ni Duterte sa gobyerno at gagamitin lamang si Marcos bilang political tool.
01:22Pagkatapos daw manumpa sa tungkulin ni VP Sara noong taong 2022, sinabi ng dating Pangulo sa isa namang pulong kasama
01:31si Madriaga at ilang retiradong general,
01:34ang plano niyang alisin sa pwesto si Pangulong Marcos sa anumang paraan.
01:39Uupo bilang Pangulo ang anak niyang si Sara Duterte at maaari pa rin itong tumakbo sa 2028 Presidential Elections.
01:48Dagdag pa raw ng nakatatandang Duterte.
01:51Alam daw ni Pangulong Marcos na bababa siya sa pwesto sa 2025 at ibibigay ito kay VP Sara.
01:59Kwento ni Madriaga.
02:00Bago mapatalsik si Marcos, magkakaroon ng mass resignations ng government officials, mga rally, pagpaslang ng mga opisyal ng gobyerno, civil
02:11disobedience at pagsalakay sa malakanyang palas na mga kinuha nilang mga grupo at individual.
02:18Ito raw ang assignment ni Madriaga, ang mag-recruit ng mga makikibahagi kabilang ang mga kriminal at kahit mga sindikato.
02:27At kapag nagkakagulo na, ito raw ang magiging daan para magsagawa ang militar ng coup d'etat.
02:34Kung hindi raw kusang bababa sa pwesto si Marcos o mag-excel sa Amerika, papatayin daw ito.
02:42Hinihinga namin ang reaksyon dito si Vice President Duterte pero dati na niyang itinanggi na nagtrabaho sa kanya si Madriaga.
02:50May natanggap naman ang House Committee on Justice na kopya ng petisyon ng asawa ng Vice na si Atty. Manz
02:57Carpio na humihiling sa Quezon City Regional Trial Court na pigilan ang paglalabas ng income tax returns nila ng Vice
03:05sa impeachment hearing.
03:07Maliban daw kasi sa walang horisdiksyon ng House Committee on Justice, labag din daw ito sa right to privacy ni
03:13Carpio na walang kinalaman sa impeachment.
03:16Pero kinontra ito ni Ridon.
03:19Hindi po yung totoo kasi ITRs are public documents. Kailangan po makita kung meron po ba ang unexplained wealth ang
03:27atin pong pangalawang pangulo.
03:29Tina Panginiban Perez, nagbabalita para sa GMA News.
03:34Makatutulong pa raw sa repensa ni Vice President Sara Duterte ang mga aligasyon sa liham ng nagpakilalang dati umanon niyang
03:40bagman na si Ramil Madriaga ayon sa abogado ng BICE.
03:44Tinawag ni Atty. Paolo Panelo na puro gawa-gawa at hindi kapanipaniwala ang sinabi ni Madriaga na may planong term
03:51sharing at pagpapatalsik kay Pangulong Bongbong Marcos.
03:55Handa rin silang pabulaanan ang bawat aligasyon ni Madriaga ng may kasamang ebidensya.
04:00Sabi ni Panelo, patutunayan lang ng pagharap ni Madriaga sa House Justice Committee ngayong araw ang anyay mga kasinungalingan at
04:08kawalan umanon ng kredibilidad ni Madriaga.
04:19Epektibo ngayong araw ang bawas presyo sa mga produktong petrolyo.
04:23Para sa ilang chuper, hindi na ito sapat para makabawi sa kanilang kita matapos ang serya ng Mega Oil Price
04:29Hikes.
04:30Balita natin ni James Agustin.
04:35Ipinarada muna ng TNVS driver na si Henry sa gasolinahan ang pinapasadang kotse habang hinihintay ang rollback sa produktong petrolyo
04:42ngayong araw.
04:43Sayang daw kasi ang kanya matitipit. Nadagdag kita na rin na may uwi sa kanyang pamilya.
04:47Malaking bagay din sa amin kasi yung pang araw-araw na ano namin doon lang dahil napupunta yung ano eh.
04:56Magkakaroon lang kinikita namin doon. May uwi lang namin sa pamilya namin dahati.
05:02Nasa ano lang eh. 300 to 400 na lang eh.
05:06Nagpakarga naman ang taxi driver na si Albert bago bumiyahe.
05:09Pero 400 pesos na halaga muna yan ang gasolina dahil hinihintay din niya ang rollback.
05:13Mamaya na lang ulit dadagdag para mas maganda-ganda.
05:18Nadagdagan ang bawas.
05:20Ganun lang din naman ulit yan. Itatasul eh.
05:24Wala namang kabuhay-buhay yung ganyan. Lokahan lang.
05:28Taong bahay naman pinahirapan eh.
05:31Ang jeepney driver namang si Joel.
05:33Hindi na nahintay ang bawas presyo sa diesel dahil maaga siyang pumasada.
05:37600 pesos ang pinakarga niya dahil yun pa lang ang hawak niyang pera.
05:41Baka mamaya na lang. Pag nakakaano na, ikot pa.
05:44Ano masasabi niyo sa rollback ngayong araw?
05:47Malaking tulong na rin yun.
05:48Alas sa isang umaga nang ipinatupad ang bawas presyo.
05:51Mahigit 4 na piso ang tapya sa kada litro ng gasolina.
05:55Habang mahigit 20 piso sa diesel.
05:57Pinalitan na rin ang signage sa gasolina ang ito sa Commonwealth Avenue.
06:01Ang TNVS driver na si Ray hinintay raw talaga ang rollback bago magpakarga.
06:05Akadagdag din po sa kita namin, agad.
06:09Laking bagay yung limang piso ata, 4 pesos.
06:13Kasi kung magbagas ka ng 20 liters, so 4 peso sa 20 liters, malaking bagay na rin po yun.
06:21Pag-arahi na rin ang jeepney driver na si Jeral.
06:23Mula sa labing dalawang oras sa paumasada pero 300 pesos lang ang kanyang kinita.
06:28Napunta raw ito sa 600 pesos sa pinakarganyan diesel.
06:30Ito lang po yung pinera ko yun. Barila lang din po yung uuwi ko.
06:35Alas sa yung presyo ng diesel, kahit na bumaba pa ng 20 yan, kulang pa rin.
06:41James Agustin nagbabalita para sa GMA News.
06:46Ito ang GMA Regional TV News.
06:50Sa Mangaldan, Pangasinan, 6 na tricycle ang ninakawan ng gasolina.
06:56Ipinarada raw ang mga tricycle sa bakanting lote sa barangay Anulid Sabado ng gabi.
07:01Kinaumagahan na, diskubre ng mga driver na nasa idna ang kanilang mga gas tank.
07:06Hindi patukoy ang mga nasa likod ng pagnanakaw.
07:09Iniimbisigahan na yan ng pulisya.
07:11Pinaigtig na rin daw nila ang pagbabantay sa lugaw.
07:18Naglalakad sa gilid ng kalsada ang babaeng yan sa lawag Ilocos Norte nang biglang dumating ang isang motorsiklo at bumanga
07:25sa babae.
07:27Tumila po ng rider pati na ang biktima.
07:29Dinala sa ospital ang babae pero binawian din ang buhay kalaunan.
07:32Ayon sa pulisya, nakainom ang nakabanggang rider.
07:36Disidido ang asawa ng biktima na sampahan siya ng reklamo.
07:40Walang pahayag ang rider.
07:44Tinatay ang sampung bahay ang nasunog sa barangayupi campus sa Quezon City.
07:49Ilan po sa mga nasunugan walang naisalbang gamit.
07:53Balitang hatid di James Agustin.
07:57Ganito kalaking apoy ang bumulabog sa mga residente ng CP Garcia Avenue sa barangayupi campus, Quezon City bago maghating gabi.
08:05Mabilis na kumalat ang apoy sa mga bahay na gawa sa light materials.
08:08Kaya itinasa Bureau of Fire Protection ay kalawang alarma.
08:11Nasa apatapong firetruck rumisponde sa lugar.
08:15Ang pamilya ni Arlene isinakay sa tricycle ang ilang naisalbang damit at appliances.
08:20Kinilangan daw niyang buhati ng nanay na senior citizen para mailikas sa kasagsagan ng sunog.
08:25Natutulog na po kami. Lahat na po kami nasa loob.
08:28Nang bigla po may kumalabog po sa pinto namin na sunog po na sunog.
08:32Yun po, lumabas po kami lahat.
08:34Sobrang bilis po ng takbo ng apoy. Sobrang hirap po din talaga. Napakahirap.
08:39Wala namang nadalang gamit si Andrea.
08:42Sa kabila niya, laking pasasalamat niya na nakaligtas ang kanyang mag-anak.
08:46Yung pagkapunta na po namin sa labas, yung kalahating bahay po sumisilab na po.
08:50Tuloy-tuloy na po yung sunog. Wala na po kaming naisalbang gamit kahit isang po.
08:55Mahirap po talaga mag-umpisa ngayon kasi ubos po. Dahil sairap din po ng buhay ngayon.
09:00Ayon sa mga taga-barangay, tinatayang sampung bahay ang nasuno. Apektado ang labing-anim na pamilya.
09:06May mga facilities naman po kami na pwede nilang paglipatan.
09:10Depende sa families affected. At open din po naman yung aming cover court sa Pocombrosolo.
09:18Iniibisigan pa ng BFP ang Sanhinang Apoy, na nagsimula raw sa ikalawang palapag ng isang bahay na walang supply ng
09:25kuryente.
09:26Napula ang sunog matapos ang halos isang oras.
09:29James Agustin, nagbabalita para sa GMA News.
09:34Ito ang GMA Regional TV News.
09:39Huli kam sa Mandawe, Cebu. Isang motorcycle rider at dalawang angkasang patay nang maatrasan sila ng isang trailer sa Cebu.
09:47Habang papakyan sa kalsada nitong Sabado, huminto ang trailer at kasunod ng mga motorsiklo.
09:52Ilang sandali, umatras ang trailer at unti-unti nitong nadaganan ang ilang motor.
09:58Ayon sa truck driver, nawalan siya ng kontrol sa sasakyan.
10:02Dead on the spot ang dalawang angkas ng tinamaang motorsiklo.
10:06Nasawi naman ng rider bago siya maoperahan.
10:09Humihingi ng tawad sa mga kaanat ng mga biktima ang truck driver.
10:12Inihanda na ang reklamong isasampa laban sa kanya.
10:21Martes Latest, mga Mari at Pare.
10:23Enjoy sa kanilang summer vacation trips ang ilang GMA Afternoon Prime at GMA Prime Stars.
10:31Si House of Life star Beauty Gonzalez, nagbakasyon with family sa Mati, Dabao Oriental.
10:37Ipinasilipan ni Beauty ang pag-release ng anak na si Olivia sa pawikan hatchlings sa dagat.
10:43Ang co-star niya na si Mike Tan, nag-staycation with kids at enjoy sa pool bonding nila.
10:50Sa Japan naman, nagbakasyon ang co-star ni Lana si Chris Bernal with hubby Perry Choi at anak na si
10:57Hailey.
10:57Enjoy rin sa cold weather sa Japan si apoy sa Dugu star Ashley Ortega with Boy Fee Ma Villigaspi.
11:05Pati ang co-star sa sina El Villanueva at Derek Monasterio.
11:11Si Born to Shine star Michael Sager, may trip naman sa Shanghai, China.
11:18To the beach naman ang ilang Never Say Die actors tulad ni Raheel Birria na nasa La Union.
11:24Nasa Boracay naman si Kim Jisoo.
11:29Pinabulaanan ni Pangulong Bongbong Marcos sa mga usap-usapan na mayroon siyang malubhang sakit.
11:35Bilang patunay, ilang beses nag-jumping jacks ang Pangulo bago ang kanyang media briefing kahapon.
11:41Pagkatapos tumakbo pa siya sa malakanyang grounds.
11:44Sabi pa ni Pangulong Marcos, gumaling na ang kanyang diverticulitis o pamamaga ng large intestine na napabalita noong Enero.
11:52Balik na rin daw sa normal ang kanyang diet at regular na pag-i-ehersisyo.
11:57May dalawang maintenance medicine lamang daw ang Pangulo, isa para sa gout at isa para sa hypertension.
12:03May hamon po siya sa mga nagpapakalat ng anyay kasinungalingan, kaugnay sa kanyang kalusugan.
12:12I challenge anyone who are saying that I am sick, that they come and exercise with me. We will see
12:21who is stronger.
12:22Yung mga taong yan na nagsabi sa inyo na may sakit ako, na baldado na ako, puro sinungaling niyong mga
12:30yan.
12:32Mahigit apat na raang bilyong pisong pondo ang kailangan para suportahan hanggang Desyembre ang mga apektado ng krisis sa langis
12:39kung patuloy ang gyera sa Middle East ayon sa Department of Economy, Planning and Development.
12:45Ang best case scenario naman na nakikita ng Department of Energy,
12:49mangyayari lamang kung magkakaroon ng pangmatagalang kasunduan ng Amerika at Iran.
12:54Balitang hatid ni Ian Cruz.
12:58Ilang beses nang sinabi ng Department of Energy,
13:01pumupa man ng tensyon sa kitnang silangan,
13:04malabong bumalik sa dating level ang presyo ng petrolyo bago sumiklab ang gyera.
13:09Ang best case scenario anila,
13:12pabalik lang sa 75 to 90 pesos per liter ang diesel,
13:16malayo sa dating 48 to 65 pesos per liter,
13:19bago atakihin ng US at Israel ang Iran noong Pebrero.
13:24Bababa raw sa 62 to 75 pesos per liter ang gasolina,
13:28mas mataas pa rin sa dating 50 to 74 pesos per liter bago ang gyera.
13:34Sa presentasyon ni DOE Undersecretary Alessandro Sales
13:38sa pagdinig ng Joint Committee ng Kamara na Legislative Energy Action and Development o LEED,
13:45mangyayari lang daw ito kapag nagkaroon ng long-term agreement ang Amerika at Iran.
13:51But this will take a couple of months for the price to ease back to those levels.
14:00So this will still be higher than our pre-crisis pricing.
14:06And this is primarily due to structural damage in the Middle East in terms of facilities
14:11and the moving around of logistics to bring crude oil to the market.
14:17Ayon sa Department of Energy, malaking bagay talaga ang pagbuti ng sitwasyon sa gitnang silangan
14:23dahil sa unang pagkakataon, pitong linggo, matapos magsimula ang gulo sa Middle East,
14:29magkakaroon ng mega oil price rollback.
14:32Sa pagdinig naman ng Senate Protect Committee o Proactive Response and Oversight for Timely and Effective Crisis Strategy,
14:41natanong ang DOE kung bakit hindi tayo kumukuha ng langis sa Russia.
14:46Binanggit ni Foreign Affairs Secretary Teresa Lazaro
14:49ang pagpataw ng United Nations ng trade sanctions sa Russia matapos itong lusubi ng Ukraine noong 2022.
14:56Bakit nga kailangan magpaalam sa US? Because time is of the essence eh.
15:01There were sanctions imposed by the United Nations and only the United States can lift or exempt those sanctions.
15:09And therefore, our Philippine Embassy in Washington DC, particularly Ambassador Babes Romaldes,
15:15has been negotiating with two departments, Department of State and Department of Treasury.
15:20Susubukan na rin ang gobyernong bumili ng langis sa Russia pero hindi sila nakahanap ng tamang buyer.
15:26But there is no prohibition for PNOC to order oil from Russia at any time. Wala nang paalam-paalam.
15:34As a state, I guess, Mr. Chair, you could say that.
15:37We just follow the diplomatic channels, Mr. Chair, as government to government.
15:41Kailangan ka lang, magpaalam pa rin.
15:43Inilahad ni DOE Secretary Garin ang pangamba ng mga oil company na bumili ng langis mula sa Russia.
15:49For our private companies, they don't want to buy unless it's lifted kasi baka sila habulin daw ng US, Mr.
15:58Chair.
15:58So they wanted the clearance before they buy.
16:03Sa pagtatayaan naman ng DepDev o Department of Economy, Planning and Development,
16:09sakaling lumala pa ang tensyon sa gitnang silangan,
16:12ang lampas nitong Hunyo, kakailanganin ng P429B na pondo bilang suporta sa mga vulnerable sector hanggang Disyembre.
16:22Kasama rito ang para sa fuel subsidy, service contracting program at iba pang para sa sektor ng transportasyon.
16:30Gayun din sa mga magsasakat, maingisda para mas siguro ang food security.
16:34Hindi nakapailalim din dito ang panukalang dagdag na 1,500 pesos para sa mga beneficiaryo ng 4Ps o Pantawid Pamilyang
16:44Pilipino Program
16:44at ayuda sa tinukoy na mga nangailangan na hindi pa kasama sa 4Ps.
16:51Kung sakali, sabi ni DepDev Secretary Arsenio Balisakan,
16:55mas maiging mag-realign ng pondo mula sa ibang programa na hindi pa masyadong kailangan.
17:01Ian Cruz, nagbabalita para sa GMA News.
17:05Matapos nga ang ilang linggong tas presyo ng mga produktong petrolyo, may rollback ngayong linggo.
17:09Pero ayon kay Senate Adhoc Protect Committee Chairman, Senator Sherman Gatchalian,
17:14posibleng may discrepancy o pagkakaiba sa fuel pricing.
17:18At kaugnay niyan, makakausap natin sa Sen. Gatchalian.
17:21Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
17:25Magandang tanghali, Rocky. Magandang tanghali sa ating mga tagapangin.
17:28Opo, pakilinaw nga po sa ating mga manonood.
17:30Yun po nga pagkakaiba na sinasabi niyo sa pricing ng produktong petrolyo sa global market at dito po sa bansa.
17:38Nakita rin, nakita natin na after one week,
17:41nag-a-adjust ka agad ang presyo ng petrolyo dito sa ating local markets.
17:48At mabilis na nag-tumataas yung presyo.
17:52At kahit na meron pang lumang inventaryo, tinataasan na nila yung presyo after one week.
17:59At yun yung nakita naming discrepancy at kakaiba.
18:03Dahil kung bibili ka ng mas mababa, dapat ibenta mo rin ng mas mababa.
18:08Ubusin mo muna yung lumang presyo bago ka magtaas ng presyo.
18:12Pero dito sa case na ito, after one week, tinataasan na nila yung presyo kahit na nasa lumang presyo.
18:21Natuntun na ba kung saan po nagsimula yung problema o yung discrepancy na ito?
18:26Ito yung pinapa-imbestigahan namin sa DOE at sa Philippine Competition Commission.
18:33Importante kasi, Rafi, na mayroon transparency at alap ng taong bayan
18:38na maayos yung pagbibili at pagbebenta ng petrolyo.
18:43Wala naman tayong inaakusahan.
18:45Wala naman tayong sinasabi na may ginawang masama.
18:47Ang sinasabi lang natin, dapat may transparency.
18:50At sa mga ganitong panahon,
18:52ay kumukuha ng datos ang PCC at ang DOE
18:57para mabigyan tayo ng assurance na saayos ang pagbebenta ng petrolyo.
19:03Sakali po may mapatunayan, ano pong hakbang na inyong komite?
19:07Marami tayong pwedeng gawin.
19:09Unang-una, pwedeng i-penalize itong mga oil industry players
19:13kung nakita na mayroong profiteering.
19:15Ibig sabihin, labis-labis yung kanilang kinita.
19:18Pangalawa, mayroon din tayong mga proposals na amendahan yung oil deregulation do
19:22para magkaroon ng mas maigting na transparency
19:26at malaman natin yung presyo na ibinibenta sa atin.
19:30Dahil ngayon, Rafi, wala tayong alam.
19:31Kung magkano ang binili, magkano ang binenta.
19:34Kung ano lang ang ibinenta sa atin, yun lang ang bibilin natin.
19:37At sa mga ganitong mabilis ang pagtaas ng presyo,
19:41importante na kampante tayo na walang nang-aabuso ng sitwasyon.
19:46Gano'n po kalaking factor na iba-iba yung sources ngayon ng produktong petrolyo?
19:50Baka magkakaiba din talaga yung presyohan sa world market.
19:54Correct. Tama ka dyan.
19:55Kaya ka-importante dito, transparency.
19:57Importante na may information ang gobyerno, may datos na tinitignan.
20:02At sa mga ganitong kakaibang sitwasyon,
20:04kasi ngayon talagang kakaiba ang sitwasyon,
20:08importante na ang gobyerno mismo,
20:10kampante sila na nasaayos ang pagbebenta ng petrolyo.
20:14Na-implement na po yung batas na ipinasal dyan sa Senado at sa Kongreso.
20:19Paano po makaka-apekto sa kita ng bansa,
20:21yung pag-tanggal sa excise tax, sa kerosene at sa LPG?
20:26Sa kerosene at LPG,
20:28ang kita ng gobyerno kada buwan,
20:30pagdating ng excise tax is about $16 billion.
20:33Ang LPG at kerosene,
20:36ang mawawala sa gobyerno,
20:38tansya ko,
20:39nasa around mga $2 to $3 billion.
20:41Ang pinakamalaki pa rin ay diesel at gas.
20:44Kaya itong pagtanggal ay makakatulong sa ating consumers,
20:50especially sa mga malilit na negosyante,
20:53sa mga may restaurant.
20:54Pero importante dito,
20:55mamonitor at siguraduhin ng gobyerno
20:57na yung pagtanggal ng excise tax,
20:59maramdaman ng taong bayan.
21:01Kung hindi, nagtanggal nga tayo ng excise tax,
21:03nagbawas tayo ng kita,
21:05hindi naman ramdam ng taong bayan.
21:07Kailangan pa po kayo magkaroon pa ng price cap sa LPG
21:09gaya po na isinusulong ninyo?
21:13Titignan muna natin kung ano yung takbo
21:14ng pagbebenta.
21:17Importante yung mamonitor mabuti.
21:19Yung price cap kasi ginagawa natin yan
21:20kung talagang wala ng choice at nasa dulo.
21:23Pero tingnan muna natin yung takbo
21:25at yung mga policy yan
21:28na i-issue ng Department of Energy.
21:32Ngayon pong may mawawalang kita sa bansa,
21:34saan po siya po kayo makabawi yung gobyerno
21:36para hindi maapektuhan yung mga programa nito?
21:40Grafi, kahapon doon sa pagdinig,
21:42napaka-importante yung discussion natin sa budget.
21:45Sa ngayon, meron pa tayong pondo.
21:47At yung pondo natin,
21:48kaya humabaya ng three months.
21:50Pero nasa kalahating,
21:52isang buwan at kalahati na tayo.
21:54So isang buwan at kalahati na lang
21:55ang natitira.
21:56So kung titignan natin yung paggastos ng gobyerno
21:59sa iba't-ibang subsidia, sa ayuda,
22:02kung humaba pa itong gera
22:06ng one and a half months,
22:07yan, kailangan na natin maghanap
22:09ng iba pang pondo.
22:10Sa ngayon, okay pa tayo.
22:12Good for, tingin ko,
22:13good for one and a half to two months pa.
22:15Huwag na sanong humabo pa
22:16ng one and a half to two months
22:18dahil dyan na tayo magkakaroon ng
22:20problema pagdating sa budget.
22:22Well, aabangan po natin yan
22:23dahil pinag-uusapan din ngayon
22:24yung tungkol naman sa diesel
22:26at sa gasolina.
22:27Maraming salamat po sa oras na binahagi na.
22:29Maraming salamat, Rocky. Thank you.
22:30Salamat po sa Senate Adhoc Protect Committee
22:32Chairman Senator Sherwin Gatchalian.
22:34Maraming salamat po sa
22:35Maraming salamat po sa
Comments

Recommended