- 10 minutes ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
Lalaking motovlogger at racer, sugatan sa pamamaril sa loob ng kanyang motorcycle shop; 4 na suspek, tinutugis; PAGASA: Bagyo, posibleng pumasok sa PAR sa Lunes o Martes; PAGASA: Very Strong El Niño, umiiral na sa bansa; asahang lalo pang titindi ang epekto nito; 5, patay sa pagsabog sa isa umanong ilegal na pagawaan ng paputok sa Brgy. Tabo-Sili; 2 iba pa, nakaligtas; Alex Eala, wagi sa Round of 16 ng Hong Kong Tennis Open laban sa pambato ng Czech Republic; Lalaking inutusang mag-deliver ng alahas, hinoldap; mahigit P1.8M halaga ng pera at alahas, natangay; Mag-asawang kinontrata umano ng pet crematorium sa Cavite, sumuko sa NBI; inamin ang pagpapatapon sa mga hayop sa Bulacan
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Pinagbabaril ang isang motovlogger at racer sa loob mismo ng kanyang motorcycle shop sa Antipolo, Rizal.
00:06Nagpapagaling na ang biktima habang tinutugis na ang apat na sospek sa krimen.
00:11Balitang hatid ni Gabriel Gonzalez.
00:17Duguan at nakahandusay na sa sahig ang isang motovlogger at racer
00:21matapos siyang pagbabarilin sa loob mismo ng kanyang motorcycle shop sa Sicho Parugan, Antipolo City, kahapon.
00:28Ang mga salarin, apat na lalaking nakaitim na helmet at nakasuot ng uniform ng isang ride-hailing app.
00:36Ayon sa isang nakasaksi, biglang dumating ang mga salarin sa shop na animoy mga customer
00:41at saka umalingaw-ngaw ang mga putok ng baril.
00:45May dalawang motor, tas may angkas na apat.
00:49Parang simpleng tao lang na napapagawa, na pumasok siya siya.
00:53Yung pag gano'ng maya-maya, may narinig na ang putok apat na beses.
00:57Kasi pag gano'ng maya-maya, wala na na naggawa yung mga tao rito sa labas.
01:02Nagtamo ng mga tama ng bala sa iba't ibang bahagi ng katawan ng biktima,
01:06particular sa kanyang leeg.
01:09Tumakas ang apat na salarin patungong E. Rodriguez Avenue.
01:13Tinulungan ng isang residente ang biktima at dinala siya sa ospital.
01:17Runesponde rin ang barangay.
01:19Ang ginawa po ng aming tanggapan ay nagpadala po ng aming mga BPS officer para ma-secure po yung lugar.
01:26Planko pa ang mga otoridad sa motibo sa pamamaril.
01:29Pero ayon sa barangay.
01:31Posible pong sa negosyo, dahil ang negosyo po ng biktima ay sa mga pyesa po ng motor.
01:38Patuloy na inaimbestigahan ng pulisya ang insidente.
01:41Nagkasana rin ang drug net operations para mahuli ang mga sararin.
01:46Nagpapagaling pa sa ospital ang biktima.
01:49Gabriel Gonzalez, nagbabalita para sa GMA News.
01:58May bagong bagyo na binabantayan sa labas ng Philippine Area of Responsibility.
02:03Namata ng pag-aasa ang tropical depression mahigit 3,000 km silangan ng Central Luzon.
02:09Sa lunes o martes, posibleng pumasok ng PAR ang nasabing bagyo.
02:13Sa ngayon, wala pa itong epekto sa lagay ng ating panahon.
02:17Hanging-amihan pa rin ang magdadala ng may hinaulan sa Ilocos Region, Cordillera at Cagayan Valley.
02:23Dito sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa, Easter Lease ang magpapaulan.
02:28Pero magbibigay rin ng mainit at maalinsangang panahon.
02:32Ayon sa pag-asa, posibleng umakyat sa danger level na 43 degrees Celsius ang heat index ngayong araw sa Coron,
02:38Palawan.
02:39Kaya abiso sa mga residente at turista, dalasan ang pag-inom ng tubig at pagsilong sa lilim
02:44para iwas heat cramps, heat exhaustion o heat stroke.
02:4942 degrees Celsius naman ang posibleng heat index sa Dipolog, Sambuanga del Norte at sa Butuan, Agusan del Norte.
02:56Dito po sa Metro Manila, posibleng pinakamatas na heat index ang 37 degrees Celsius sa Pasay under extreme caution level
03:03po yan.
03:04Maging alerto pa rin sa pagtindi ng init.
03:13Asahan na raw ang lalong pag-init ng panahon sa bansa dahil umiiral na po yung very strong El Niño.
03:20Ayon pa sa pag-asa, mararanasan ang epekto niyan hanggang sa unang bahagi ng 2027.
03:26Balitang hatid ni Jamie Santos.
03:32Very strong na ang umiiral na El Niño ayon sa pag-asa.
03:35Kaya asahang lalo pang titindi ang epekto nito gaya ng pag-init ng panahon at nababawas ang tsansa ng mga
03:42pag-ulan.
03:43Pero sa ilang bahagi ng Benguet, nabalot ng yelo ang mga pananim.
03:47Ito ang frost o undap.
03:49Umabot sa 12.6 degrees Celsius ang naitalang temperatura roon ayon sa pag-asa.
03:54Pusibli pala ito kahit may super El Niño.
03:56Paliwanag ng pag-asa, hindi pa rin naman inaalis ang tsansa ng frost o undap sa gitna ng El Niño,
04:03lalot nariyan na rin ang amihan.
04:05Pagpasok ng hanggang amihan ay nagkakaroon ng mas malalamig na temperatura,
04:09lalong-lalo na sa hilagang bahagi ng ating bansa kasama na dyan ang Cordillera Mountain Range.
04:15At posibli ito magpatuloy sa katlaunan ng hanggang amihan.
04:20Sa Metro Manila, may mga gumagamit ng yelong idinadampi sa katawan para hindi mainitan.
04:26Mga gano'n lang yung yelo tapos gano'n gano'n sa ano.
04:31Ang nagawa ko lang, pag wala akong biyahe, nagpapahinga lang ako sa mga ganito mga ipuno.
04:38May ano na po kami dito, may ano yung kumot, iarang para de-minded.
04:44Ayon sa pag-asa, sa Desyembre pa inaasahan ang peak o ro-rocks ng Super El Niño
04:49at ang pinakamatinding epekto nito sa susunod na taon pa mararanasan.
04:54Ang possible kasi ng potential impact ng very strong El Niño
04:58is yung mas lalawak yung mga areas na merong malaking kabawasan sa tubig ulan
05:03na maaaring more than 60% nung kanilang natatanggap na normal na ulan
05:08yun ang posibleng mawala or mabawas sa kanila.
05:11At posibleng po itong magtatagal until first quarter of 2027
05:16or yung mga areas po na pwede pa pong mag-extend yung prolonged dry condition
05:21until first half of 2027.
05:25Sa forecast ng pag-asa, posibleng umabot sa 39.5 degrees Celsius
05:29ang maximum daytime temperature sa April 2027.
05:33Maaaring mas mataas pa po dun sa 39.5 degrees centigrade
05:37ang posibleng maranasan ng ibang lugar sa ating bansa.
05:41Lalong-lalo na po kapag tapos na yung amihan,
05:43papasok na tayo sa dry season months natin.
05:46Abiso ng pag-asa sa publiko,
05:48bantayan ng mga vulnerable sa mataas na temperature
05:51tulad ng mga sanggol at mga bata,
05:54senior citizen at mga buntis.
05:55Dapat maging alerto sa mga sakit na nauugnay sa matinding init
05:59at maiging magtipid sa paggamit ng tubig at kuryente.
06:03Jamie Santos, nagbabalita para sa Jemay News.
06:11Limang patay sa pagsabog sa isa umanong iligal
06:14na paggawa ng paputok sa Malasiki, Pangasinan.
06:24Nabulabog ang mga taga-barangay Tabo Sili
06:26mag-alas 8 ng gabi nitong Merkules.
06:28Sa lakas ng pagsabog,
06:30nayanig ang mga kalapit na bahay
06:32na sinunda ng sunog na tumupok
06:34sa hinihinalang paggawa ng paputok.
06:36Kabilang sa mga nasaway sa pagsabog
06:38ang 8 taong gulang na babae.
06:41Nakaligtas naman ang dalawang iba pa.
06:43Hindi sila nagbigay ng pahayag.
06:46Napulang po ay makalipas ng halos 30 minuto.
06:49Sa embestigasyan ng pulisya,
06:51lumabas na walang permit
06:52bilang paggawa ng paputok ang nasunog na bahay.
06:55Narecover doon ang kahon-kahong baby rocket,
06:58mga kwitis at mga gamit sa paggawa ng paputok.
07:01Inaalam pa ng mga otoridad
07:02kung sino ang may-ari nito.
07:10Wagie si Pinay tennis star Alex Iala
07:13sa round of 16 ng Hong Kong Tennis Open kahapon.
07:16Natalo niya ang pambato ng Czech Republic
07:18na si Teresa Valentova sa unang set.
07:21Nakuha ni Iala ang lead.
07:22Hanggang sa second set,
07:23naging dikit ang laban hanggang sa magtayang dalawa.
07:27Dahil diyan, nagkaroon ng tiebreaker.
07:28Sa huli, wagie si Alex sa final score na 6-4-7-6.
07:34Pasok na sa quarter-final si Iala
07:36at makakatapat ang pambato ng Croatia
07:38na si Antonia Rucic mamayang gabi.
07:44Tinabihan ng Riding in Tandem
07:46ang isang lalaking rider na nakaparada
07:48sa Pinagbuklod Street sa Taguig.
07:50Tinutukan ng baril ang lalaki
07:52at kinukuha ng mga salaril ang kanyang bag.
07:55Nang hindi ibigay ng lalaki ang bag,
07:57sapilitan itong hinila sa kanya ng Riding in Tandem.
08:00Tinanggal pa ang kanyang helmet
08:01at halos makubara na siya.
08:03Agad umalis ang Riding in Tandem
08:05na walang plaka ang motor.
08:07Naka-helmet ang mga sospek,
08:09balot pa raw ang mga mukha.
08:11Ang lalaking hinold up delivery rider pala
08:14para sa isang jewelry store.
08:16Ayon sa may-ari ng jewelry store,
08:18may nagbibenta sa kanila ng ginto online
08:20at sa naturang kalsada
08:22na nakipagkasundo ang magkita.
08:24Bukod sa 360,000 pesos na pambayad sa ginto,
08:28natangay rin ang 1.5 million pesos na alakas
08:31na idedeliver sana ng biktima
08:33sa iba pang customer.
08:35Maayos naman raw ang kalagayan
08:36ng hinold up na tauhan
08:37pero nagkatroma dahil sa insidente.
08:40Isinumbung na ng may-ari ng jewelry store
08:42sa pulis siya ang pangkuhold up.
08:47Nasa kustodiyan na ng NBI
08:49ang mag-asawang kinontrata umano
08:50ng pet crematorium sa Cavite
08:52para i-cremate ang mga patay na alagat, asot, pusa.
08:55Ang mag-asawa ay naming
08:56hindi na nila kinaya ang cremation
08:58gamit ang dati nilang makina
08:59kaya nagpa siya silang ipalibig na lang
09:02ang mga hayop.
09:03Balitang hatid ni John Konsulta.
09:09Nung dumamin po yung pinapadala niya na pet,
09:13hindi na po namin kaya i-cremate.
09:16Voluntaryong sumuko sa NBI
09:17si Michael at Edna.
09:19Di nila tunay na pangalan.
09:20May-ari ng isang crematorium
09:22sa San Jose del Monte, Bulacan.
09:24Mangikipagtunungan daw sila sa imbisigasyon
09:26kaugnay sa nadiskubre yung pagnatapo
09:28ng mga patay na alagang hayop
09:30imbes na i-cremate.
09:31Inamin ang mag-asawa
09:32na nakatransaksyon nila
09:34ang AJ Paws Aftercare Pet Crematorium
09:36bago pa man ito magbukas sa Baco or Cavite.
09:39Sa kanila raw,
09:40gustong ipakremate
09:41ang mga alaga
09:42ng mga kliyente ng AJ.
09:44Pero hindi pa man nalideliver
09:46ang binili nilang crematorium machine,
09:47nagbukas na ang AJ
09:49at pinasaan na agad sila
09:51ng mga patay na aso.
09:52Ginamit muna nila
09:53ang mga dati nilang machine
09:55para sa cremation.
09:56Ang unang po,
09:57parang isang sako lang po talaga sa'yo.
09:59Pero kalaunan po,
10:01umabot po yun na parang
10:02sa isang araw po na dinala niya,
10:05parang isang dating po sa amin,
10:07walong sako po agad.
10:09Umabot sa puntong
10:10hindi na nila kayang i-cremate
10:11ang dagsa ng mga patay na aso at pusa.
10:14Kaya hindi na makapagpadala
10:16ng abo sa AJ.
10:17Sabi niya na lang po sa akin na,
10:19o sige, ganito na lang,
10:22magtulungan na lang tayo.
10:24Ikaw, tanggapin mo lang
10:26ang tanggapin lahat
10:27ng ibibigay ko.
10:29Ako na bahala sa abo.
10:32Saan daw po galing yung mga abo
10:33na binibigyan niya din
10:34sa mga for parent?
10:35Wala po akong idea.
10:37Dahil sa sobrang dami
10:38ng mga labinang hayop
10:39na dumating sa kanila,
10:41nagpasa silang
10:42ipalibing na lang
10:43ang mga patay na alaga.
10:44Kinausap ko yung
10:45mga tambay doon sa amin
10:47na hanap sila
10:49ng paglilibingan.
10:51Na maaibaw nila
10:53ng maayos.
10:54Hindi ko naman alam
10:55kung anong ginagawa
10:55yung pagkatapos noon.
10:57Na yung iba pala
10:58tinatapon nila.
11:00Hanggang sa dumating nga
11:02yung point na
11:04tinapon na lang
11:05basta sa krasada
11:06ng kasama niya.
11:08Mensay na mag-asawa
11:09sa mga naapekto
11:10ang for parent.
11:11Gusto na po namin
11:12na
11:14i-take yung accountability
11:16ng mga
11:17nagawa po namin
11:19at gusto na rin po namin
11:21na
11:21matapos na po
11:23para matulungan din po
11:24yung mga
11:25for parents po
11:26na
11:28nag-grieve po
11:29dun sa mga
11:30aso po.
11:31Humihingi po kami
11:32ng
11:33sorry
11:33at kapatawaran.
11:36Hindi po namin
11:36sinasadya.
11:38Napasubo lang po
11:39talaga kami
11:40at ang huling-huling
11:42hope po namin
11:43is mailibing siya
11:44ng maayos.
11:45Ngayon nga lang po
11:46yung mga
11:48pinagkatiwalaan namin
11:50na parang
11:51mag-ilibing po
11:52sa kanila
11:52hindi po namin
11:54alam na
11:54tinapon lang po
11:56pala nila
11:56ng ganun-ganun na lang.
11:58Anim na kaso
11:59ng estafa
11:59at paglabag
12:00sa environmental loss
12:01ang isasampalaman
12:03sa AJ Paws
12:04Aftercare Pet Crebatorium
12:05batay sa dami
12:06ng mga foreparet
12:07na nagreklamo
12:08sa NBI.
12:09I have instruction
12:10to ENCD
12:11to file an ilbo
12:12already.
12:13Makapagpail lang
12:14kagad ng ilbo.
12:15Kasabay na rin
12:16ng pagpail ng kaso
12:17natin immediately.
12:18Nagsampal na rin
12:19ng patong-patong
12:20ng reklamo
12:20sa Prosecutor's Office
12:22ang City Health Office
12:23at City Environmental Unit
12:24ng San Jose
12:25del Monte,
12:26Bulacan
12:26laban sa mga may-ari
12:28ng AJ
12:28at ilan pang
12:29individual.
12:30Isang testigo
12:31mano
12:31ang voluntaryong
12:33umamin sa pulis
12:33na siya
12:34ang inutusan
12:35daw na magtapon
12:36ng mga hayop
12:36sa iba't-ibang lugar.
12:38P1,500 pesos
12:40daw ang ibinayan
12:41sa kanya
12:41kada transaksyon.
12:42Nag-confess siya
12:43doon na
12:44siya yung
12:45nautusan
12:46nitong mag-asawa
12:47na ito
12:48na magtapon
12:50ng mga hayop
12:52doon
12:53sa iba't-ibang
12:54lugar na ito.
12:55So apparently
12:56iisa lang
12:56yung pinaggalingan
12:58ng lahat
12:59ng iba't-ibang
12:59mga hayop.
13:00We believe
13:01na talagang
13:02iisa lang ito.
13:03John Consulta
13:05nagbabalita
13:05para sa
13:06GMA News.