Skip to playerSkip to main content
-Batang lalaki, sugatan matapos ma-hit-and-run ng motorsikl


-Price rollback sa diesel, posibleng ipatupad sa susunod na linggo


-FPRRD, lilitisin ng ICC matapos kumpirmahin ang mga reklamong crimes against humanity laban sa kanya/Defense team ni FPRRD, patutunayan daw na walang bigat o halaga ang mga ebidensya mula sa mga testigo/Pasya ng ICC na ituloy sa paglilitis ang kaso ni FPRRD, iginagalang daw ng Malacañang


-"Danger level" na heat index, posible muling maranasan sa ilang lugar ngayong araw


-Isa, sugatan matapos mabundol ng motorsiklo; ina ng rider na menor de edad, nakipagkasundo sa mga biktima


-Babae, patay sa pananaksak; suspek na barangay kagawad, dati raw karelasyon ng biktima/Las Piñas Police: Pananaksak sa babae, isang crime of passion/Live-in partner ng biktima, nananawagan ng hustisya; suspek, nasa ospital dahil tumaas daw ang presyon


-Dating alkalde na sangkot sa viral video ng umano'y "gas and run," humingi ng paumanhin; nilinaw na hindi gas attendant ang lalaki sa videoBalitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Huli kam sa Quezon City, nabundol ng motorsiklo ang isang batang lalaki.
00:06Natuntun at naaresto kalauna ng rider na nabistong walang lisensya at hiram lang daw ang motorsiklo.
00:13Balita hatid ni Bea Pinla.
00:16Tumatakbo sa kalye sa barangay Holy Spirit, Quezon City, ang dalawang taong gulang na batang niyan.
00:22Nang biglang mabundol siya ng motorsiklo, tumilapo ng bata.
00:26Lumingon ang rider pero nagdire-diretsyo sa pagmamaneho habang naiwang nakahandusay sa kalsada ang bata.
00:33Ang ina ng bata, naka-online duty raw noon nang mangyari ang aksidente.
00:38Actually, naka-duty ako noon kasi online yung trabaho ko.
00:43Yung mga anak ko, nagpaalam po silang lalabas kasama po yung mga pinsa nila.
00:50No, nakita ko yun. Yung una, naramdaman ko sakit.
00:54Sakit. Tapos pagsisisik kasi bakit nasa trabaho ako nung oras na yun?
01:02Bakit hindi ako nangbabantay lang lalako?
01:05Bakit nangyari yun sa kanya? Bakit siya tinakbuhan?
01:10Agad nilang dinala sa ospital ang bata.
01:12Ginamot siya at ligtas ng nakauwi sa bahay.
01:16Binalikan ng pamilya ng bata ang CCTV sa lugar para mahanap ang nakabanggang rider.
01:21Natonton ang 27-anyos na rider sa bahay niya sa Barangay Holy Spirit sa tulong ng mga tauha ng barangay.
01:28Napagalaman na wala nga pong lisensya. Hindi lang po yung motor yun. Hindi po sakay niya. Hindi siya nagbabayari ng
01:33motor.
01:33Aminado ang rider na wala siyang lisensya.
01:36Ipapa-car wash lang daw sana niya ang motorsiklo ng kaibigan.
01:40Hindi raw niya sinasadyang mabanga ang bata.
01:43Blind spot po kasi yun eh. Piglang tumabayad po yung bata.
01:46First time ko lang po kasi mangyari. Kaya po yun, natakbahan ko nga po.
01:51Nanganti ko naman po ano. Ginusto rin yung nangyari.
01:54Medyo natakot po kasi ako sana eh. Marami pong tambay eh.
01:58Feel ko po baka ano, kuyugin po ako.
02:00Umuhingi po ako ng doon ng pasensya po sa magulang.
02:03Sinampahan na siya ng reklamong reckless imprudence resulting in slight physical injuries,
02:08abandonment of one's own victim, at driving without a license.
02:12May paalala naman ang barangay sa mga motorista.
02:15Mahigpit po namin na pinagbabawal ang pagpapatakbo ng mga mabilis kasi residential area po ito.
02:22Bea Pinlak, nagbabalita para sa GMA News.
02:29Abiso sa mga motorista, may inaasahan ulit na rollback sa diesel sa susunod na linggo.
02:35Ayon sa isang oil industry source ng GMA News Online, batay sa 4-day trading at forex averages,
02:418 pesos hanggang 10 pesos ang inaasahan bawas presyo sa kada litro ng diesel.
02:47Habang posibleng walang paggalaw o kaya naman ay madagdaga ng piso ang kada litro ng gasolina.
02:54Posibleng pang magbago po yan depende sa resulta ngayong ikalimang araw ng trading ngayong linggo.
03:13Sa salang sa pagliliti si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court
03:18matapos kumpirmahin ang mga reklamong crimes against humanity laban sa kanya
03:22dahil sa umuneng extrajudicial killings dito sa Pilipinas.
03:26Balitang hatid ni Jamie Santos.
03:31The judges of pre-trial chamber 1 of the International Criminal Court
03:35unanimously confirmed all the charges against Rodrigo Roa Duterte
03:40and committed him to trial before a trial chamber.
03:44Dalawang buwan matapos ang confirmation of charges hearing ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
03:49dahil sa crimes against humanity for murder and attempted murder,
03:53kinumpirma ng International Criminal Court o ICC pre-trial chamber 1
03:58ang lahat ng charges laban sa kanya.
04:01Ibig sabihin sa salang sa trial proper ng ICC ang dating Pangulo.
04:06There are substantial grounds to believe that Mr Duterte is responsible for the crimes
04:11against humanity of murder and attempted murder.
04:15His crimes were allegedly committed as part of a widespread and systematic attack
04:20against a civilian population on the territory of the Republic of the Philippines
04:25between the 1st of November 2011 and the 16th of March 2019
04:32in the context of the War on Drugs campaign.
04:35Tatlong counts ng crimes against humanity for murder and attempted murder
04:39ang kinakaharap ni Duterte.
04:41Sakop nito ang ilang pagpatay sa mga umanoid drug pusher
04:45at magnanakaw noong siya pa ang mayor ng Davao City.
04:48At mga pagpatay mula 2016 hanggang 2018
04:51sa kasagsagan ng kampanya kontra droga
04:54noong si Duterte na ang Pangulo ng Bansa.
04:56Batay raw sa mga ebidensya,
04:59organisado ang pagpaslang na nagsimula sa Davao City
05:02at nagpalawig sa buong bansa
05:04nang maupo sa Malacan niyang si Duterte.
05:06The judges made their decision on the evidence and arguments
05:10presented by the prosecutor and the defense
05:13during the confirmation of charges which took place in February 2026.
05:19The judges also considered the submissions of the parties and participants
05:22including participating victims.
05:26The defense and the prosecution are not automatically entitled
05:30to appeal to this decision
05:31but they can request authorization from the pre-trial chamber to do so.
05:36Haharap si Duterte sa pagliliti sa ilalim ng iba't ibang uri ng pananagutan
05:40bilang indirect co-perpetrator
05:43dahil sa pag-utos, pag-udyok at pag-sabuatan sa mga krimen.
05:47Sa ilalim ng Rome Statute,
05:49kailangan humarap si Duterte sa mga pagdinig.
05:51Trials at the ICC are fair and impartial
05:54and the defense will have sufficient time to prepare its case
05:58while respecting the rights of victims.
06:01Sa isang pahayag, sinabi ng Office of the Prosecutor
06:04na natutuwa sila sa naging desisyon ng pre-trial chamber.
06:08Pinapakita raw nito ang lalim ng imbistigasyon
06:11at malakas na ebedensyang iniharap nila.
06:14Mahalagang yugtu raw ito sa pagsisikap nila na isulong
06:17ang pananagutan para sa mga biktima
06:19ng umanoy extrajudicial killing sa Pilipinas
06:22noong panahon ng panunungkulan ni dating Pangulong Duterte.
06:26Ayon naman sa mga ICC-appointed counsel na mga biktima
06:30na sina Atty. Joel Butuyan at Atty. Gilbert Andres,
06:34ang desisyon ay isang malakas na mensahe sa international community
06:37na ang international justice system ay gumagana
06:41para panagutin kahit pang isang dating Pangulo gaya ni Duterte.
06:45Isang pag-asa raw para sa mga biktima
06:47ang desisyon ng ICC pre-trial chamber 1.
06:51Sabi naman ni Assistant to Council Attorney Christina Conti,
06:54wala raw silang pagsidlan ng tuwa
06:56at pasasalamat sa ICC sa mabilis at pulidong mga desisyon.
07:01Tama o mano ang naging hakbang ng pagdulog at pagre-reklamo sa ICC.
07:05Siyempre masaya po kami dahil malinaw na may kapangirian ng ICC na silipin.
07:11Ito po ang final na desisyon patungkol sa jurisdiksyon.
07:14Hindi naman daw nagulat ang kampo ng dating Pangulo sa desisyon ng pre-trial chamber 1.
07:19Sa isang text message sa GMA News,
07:22sinabi ni Lead Defense Counsel Atty. Nicholas Kaufman
07:25na base raw ang desisyon sa mga hindi napatunayang pahayag
07:29ng mga self-confessed murderers na ginawang cooperating witness.
07:33Nihindi nga raw nasuri ang kredibilidad ng mga testigo sa confirmation hearing.
07:38Dahil sa desisyon, magkakaroon na raw ng ibang katauhan ang mga witness.
07:42Patutunayan daw ng depensa sa paglilitis na ang tinutukoy na state policy ay kathang isip lamang.
07:49Ipinakikita rin daw ng depensa na ang ebedensyang nagmula sa mga testigo ay walang anumang bigat o halaga.
07:55Inaasahan na rin daw ni dating Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo ang desisyon.
08:01Pero kung ebedensya raw ang pag-uusapan, dismiss na dapat ang kaso.
08:06Ang malakanyang naman, iginagalang daw ang desisyon ng ICC.
08:10Ayon kay Undersecretary Claire Castro,
08:13justisya ang kailangang makamit sa mga kasong ito at parehong panig ang makikinabang sa proseso.
08:20Jamie Santos, nagbabalita para sa GMA News.
08:24Ilang lugar muli sa bansa ang posibleng makaranas ng danger level na init at alinsangan ngayong biyernes.
08:31Ayon sa pag-asa, posibleng pumalo sa 44 degrees Celsius ang heat index o damang init sa Cotabato City.
08:3842 degrees Celsius naman sa Cavite City at sa Butuan, Agusan del Norte.
08:42Ang ganyang katinding heat index ay maaaring magdulot ng heat stroke kaya iwasan pong magbilad sa arawan.
08:49Extreme caution level naman ang posibleng heat index na 41 degrees Celsius sa Iloilo City.
08:5640 degrees Celsius sa 16 na lugar sa bansa.
08:59Dito po sa Metro Manila, posibleng umabot sa 39 degrees Celsius ang heat index particular sa Pasay.
09:06Nananatiling mababa ang tsyansa ng ulan sa halos buong bansa hanggang sa darating na weekend.
09:11Maliban po sa posibleng light to moderate rain sa ilang lugar, partikula sa Northern Luzon hanggang bukas.
09:18Habang sa Mindanao naman sa darating na linggo.
09:21Ayon sa pag-asa, Easterlies ang makakaapekto at nakakaapekto nga po sa ngayon sa Southern Luzon kasama ang Metro Manila,
09:30Visayas at Mindanao.
09:36Tumila po ng dalawang pedestrian na matapos mabundol na isang motorsiklo sa Cotabato City.
09:41Tumakas ang rider na menor de edad.
09:44Sugatan ang isa sa mga biktima na isinugod na sa ospital.
09:47Ligtas naman ang kasama niya.
09:49Ayon sa pulisya, kakababalang mula sa pampasayarong multicab ang mga biktima ng mabundol ng motorsiklo.
09:55Nagpunta kalaunan sa presinto ang ina ng rider at nakipag-areglo sa mga biktima.
10:02Patay sa pananaksak ang isang babae sa Las Piñas, ang ugat-umunan ng krimen, selos.
10:09Balitang hatid ni Bam Alegre.
10:14Karumaldumal, ang sinapit ng 37 taong gulang na babae matapos pagsasaksakin sa Edsan Compound sa barangay Manuyo 2, Las Piñas.
10:21Ang suspect, kagawad sa mismong barangay.
10:24Nasa kustudiya na siya ng pulisya.
10:26Nakunan siya ng dalawang patalim na posibleng ginamit daw sa krimen.
10:29Ang ating suspect ay isang elected official.
10:34Nakakalungkot na na-involve siya sa ganitong bagay.
10:40Pero nahuli naman natin yung suspect at naka-detain siya ngayon.
10:48Allegedly, may parang lover's quarrel or mayroon ding jealousy.
10:58Numalabas sa investigasyon ng anggolong crime of passion.
11:01Dahil may namagitan daw noon sa biktima at suspect, batay sa investigasyon.
11:05Bumitaw na raw ang biktima dahil mayroon siyang live-in partner.
11:08Ayon sa kinakasama ng biktima, dati nang ginigipit at pinagbabantaan ng kagawad ang biktima.
11:13Humingan ng green card at yung sa PWD.
11:17Tapos ito si kagawad, parang may pagpinagsasamantalan yung pagkakahinaan ng tao.
11:21Kung di ka man lang mapunta sa akin, papatay na lang kita, ipadampot kita.
11:26Kustisya ang kanilang hiling.
11:28Mala pang pahayagang suspect na binabantayan ang polisya sa ospital matapos dumain na tumakas ang kanyang blood pressure.
11:34Karumal-dumal ang ginawa niya sa asawa ko.
11:37Kailangan niyang pagbayaran.
11:38Lahat ng gastusin, dapat mabulok siya sa binangguan.
11:44Isang public servant pa naman siya.
11:47Bam Alegre, nagbabalita para sa GMA News.
11:51Ito ang GMA Regional TV News.
11:56Humingi ng paumanhin ang dating alkalde ng Alapakan o Alakapa na kagayan na si Harry Florida.
12:03Matapos pumasangkot sa nag-viral na video na umanoy,
12:07Gas and Run!
12:08Sabi ng dating alkalde, walang katotohanan ang sinasabi online na insidente ng Gas and Run ang video.
12:14Kung saan makikitang humahabol ang isang lalaki sa sasakyan.
12:18Hindi raw sila nagpakarga ng gas at hindi rin daw tinakbuhan ang sinasabing gas attendant.
12:24Anya, siya ang may-ari ng gasolinahan at ang lalaki sa video ay hindi gas attendant,
12:30kundi isang taga-pampanga na kinukup nila ng kanilang pamilya tatlong dekada na ang nakalipas.
12:36Pinasakay rin daw ang lalaki kalaunan at kasama nilang nagmerienda.
12:40Handa raw ang dating alkalde na harapin ang parusa ang ipapataw sa kanya.
12:45Nauna nang nag-issue ng show cost order ang LTO sa tatlong sakay ng SUV kabilang ang dating alkalde.
12:52Sinuspindi rin ng siyam na pong araw ang lisensya ng driver at isinailalim sa alarmah ang sasakyan habang patuloy ang
13:00imbesigasyon.
13:04Pasensya na po kung sa mata ng iba ay hindi po nakakatuwa sa inyo.
13:08Pero yun po ay sa aming dalawa po yun.
13:14Sa aming po yun.
13:15Wala tayong magagawa. Kung ganun po ang inyong pananaw, humihingi po tayo ng paumahin.
Comments

Recommended