Skip to playerSkip to main content
-TNVS rider, hinarang ng dalawang lalaking lasing umano; pinagsasapak ng isa sa kanila

-Pamamahagi ng ayuda sa ilalim ng pinalawig na Uplift Program, maagang pinilahan ng ilang benepisyaryo

-Tigil-pasada para iprotesta ang panibagong taas-presyo ng produktong petrolyo, pinaplano ng grupong MANIBELA

-Truck driver, sugatan matapos barilin ng nakaalitang pickup driver; suspek, arestado

-2 bata, nawawala matapos anurin ng ilog ang kanilang bahay sa Brgy. Mapagong; 9 na bahay, nasira

-PAGASA: Habagat, posibleng magpaulan sa Metro Manila at ilang panig ng western Luzon at western Visayas

-Driver ng jeep na nagpagewang-gewang sa JP Rizal St., pinagpapaliwanag ng LTO

-Senior citizen, nabangga ng jeep habang tumatawid; hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan

-10 male aspirants sa Sparkle Campus Cutie Season 2, ipinakilala na


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de 


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Huli kam sa Marikina ang pagharang at pananapak sa isang TNDS o motorcycle taxi rider.
00:06Ang dalawang lalaking sangkot sa insidente, mga lasing daw.
00:10Balita natin ni EJ Gomez.
00:21Kuha ang video na yan sa kahabaan ng Farmers 1 sa Barangay Concepcion 1, Marikina City,
00:27mag-aalas 11 ng gabi nitong Sabado.
00:30Isang motorcycle taxi rider ang pinagtulungan ng dalawang lalaki.
00:34Sinugod ng lalaking naka-itim na sando at lalaking naka-orange na t-shirt na may suot na helmet ang
00:40rider.
00:46Nagpambuno sila hanggang sa bumagsak sila sa kalsada. May ilang sumubok umawat.
00:52Bigla na lang po nagsuntukan. Hindi ko na po alam sino na una kasi nakita na po namin maraming tao.
00:58Umawad sila lahat. Yung pasahero po sumisigaw na hindi naman po wala po sinasabi si kuya.
01:05Pasahero po niya yung babae. Babae, umawad siya.
01:09Kinumpirma ng Marikina Police na pasahero ng 33-anyos na rider ang babaeng sumisigaw at umawad sa gulo.
01:19Base sa investigasyon, bigla na lang daw hinarang sa kalsada ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo ang rider na naghahatid
01:28ng kanyang pasahero.
01:29Nabanggit ng sospek na aray mo. So yun po, nung napahinto sila sa gitna ng kalsada,
01:37tapos biglang nagsisigaw na daw po yung ating sospek ng mga salitang hindi maganda dito sa ating victim
01:46na nagresulta ito sa konting pagtatalo na hanggang sa nauwi na nga po sa sumubukan.
01:53Ang mga sospek na pag-alamang lasing ayon sa pulisya. Nagtamo ng mga sugat ang rider.
02:00Yung ating victim po ay nagtamo po ng suntok sa kanyang batok, sa liig at saka sa mukha at dahil
02:08nga po nagpa-check up po siya.
02:10Susi sa pagtuntun sa mga tumakas na sospek ang plate number ng ginamit nilang motorsiklo na napikturan ng babaeng pasahero
02:18ng rider.
02:19Na-aresto ang nanakit na 36-anyos na sospek sa barangay Malanday.
02:24Wala pang pahayag sa media ang sospek na nakadetain sa Marikina Police Custodial Facility.
02:30Sasampahan siya ng reklamong physical injury and malicious mischief.
02:35EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA News.
02:40Umarangkada na ngayong araw ang pamimigay ng ayuda sa ilalim ng pinalawig na Unified Package for Livelihoods, Industry, Food and
02:48Transport o Uplift Program ng gobyerno.
02:51Sabi ng Onan Rizal, halos sa 1,200 ang binipisyaryo na programa batay sa Community-Based Monitoring System.
02:57Makatatanggap sila ng 2,000 pisong ayuda kada buwan hanggang Disyembre.
03:02Ayon sa Department of Social Welfare and Development, manual ang unang payout na para sa mga may hirap na tinukoy
03:08sa ilalim ng CBMS.
03:11Sa pamamagitan naman ng digital platforms o e-wallets ang pamimigay ng ayuda sa mga susunod na payout.
03:17Iki-credit naman sa kanilang SSS accounts ang ayudang matatanggap ng mga manggagawang may mababang kita.
03:23One-time payout naman para sa mga binipisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program at Walang Gutong Program.
03:31Dito sa first payout, i-enroll na natin sila eh, either through sa land banks o iba pang electronic wallet
03:39platforms.
03:39Yung four-piece beneficiaries po natin, top-up na po yan sa kanilang existing cash cards.
03:45And then yung pong walang gutong beneficiaries natin, manual payout pero isasabay sa kanilang redemption period.
03:54Nagkakasa ng panibagong Tigil Pasada ang grupong Manibela dahil sa nakambang panibagong Mega Oil Price Hight bukas.
04:01Sa panayon ng unang balita sa unang hirit, sinabi ni Manibela Chairman Mar Valbuena na tinatayang sandang libong membro nila
04:07ang lalahok sa Tigil Pasada sa buong bansa.
04:10Wala pa raw tiyak na pecha kung kailan nila gagawin ang transport strike.
04:14Wala raw basihan ang panibagong taas presya sa petrolyo dahil lumang stock pa raw ang ikinakarga ngayon sa mga gasolinahan.
04:22Susubukan panghinga ng pahayag ang DOE kaugnay sa mga pahayag ni Valbuena.
04:27Nananawagan din ang dalawang pisong taas pasahe ang Manibela.
04:30Inaprubahan ang pisong taas pasahe ng sumikla baggyera sa Middle East noong katapusan ng Pebrero
04:35pero sinuspindi kalauna ni Pangulong Bongbong Marcos bilang konsiderasyon sa mga commuter.
04:41Makikipagpulong daw bukas ang Manibela sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board para pag-usapan ang fare hike.
04:52Sana maapurbahan itong 2 pesos na hinihingi po natin na fare hike dahil nga po malaki yung hinahabol natin
04:59at gusto natin humingi ng paliwanag patungkol dito sa oil price hike.
05:04Dito lamang tayo sa Southeast Asia kumukuha ng mga produktong petrolyo.
05:08Bakit ganito kaagad ang itinaas nito?
05:16Sugata na isang truck driver matapos pagbabarili ng nakalitang motorista sa Guagua, Pampanga.
05:22Hita sa CCTV footages na parehong pabataan ang direksyon ng truck at puting pickup.
05:27Hindi na nakuna ng pamamaril pero ayon sa pulis siya,
05:30nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ng dalawang driver.
05:33Paglagpas daw ng traffic light ay doon na binarin ng pickup driver ang truck driver.
05:38Naaresto kalauna ng namaril na motorista na isang barangay official sa bayan ng Lubao.
05:44Narecover sa kanya ang isang baril, tatlong magazine ng bala at ang kanyang pickup.
05:49Sinusubukan pang kuna ng payag ang suspect at biktima.
05:54Nawawala ang dalawang batang pito at siyam na tanggulang matapos anuri ng ilog ang kanilang bahay
05:59sa barangay Mapagong sa Calamba, Laguna.
06:02Nangyari yan kasunod ng malakas na ulan na nagdulot ng landslide sa lugar.
06:06May iba pang bahay na inanod.
06:08Ayon sa Calamba City Disaster Risk Reduction and Management Division,
06:12ipagpapatuloy ngayong lunes ang search and rescue operations na naantala kahapon dahil sa malakas na ulan.
06:18Ayon naman sa Alkalde ng Calamba, siyam na bahay ang nagiba dahil sa malakas na agos ng tubig.
06:25Apektado rin ang 25 iba pang bahay at mahigit 40 pamilya o halos 200 residente.
06:32Nagpaabot ng tulong ang lokal na pamahalaan sa mga residente.
06:36Kinihikayat din nila ang mga nakatira sa tabing ilog na lumipat sa pabahay ng pamahalaan para sa kanilang kaligtasan.
06:45Mga kapuso, posibleng pa rin ang mga pag-ulan ngayong lunes dulot ng habagat.
06:50Ayon sa pag-asa, apektado ng habagat ang Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera, Mimaropa, Western Visayas, Negros Region o Negros
07:00Island Region,
07:01Sambuaga Peninsula, BIRMM, Batanes, Babuyan Islands, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas at maging ang Lanao del Norte.
07:11Posibleng magdulot ng baha o landslide ang minsa'y tuloy-tuloy o madalas na pag-ulan dulot niyan kaya dapat
07:17maging alerto.
07:19Igit namang makakaasa ng maaraw at maayos na panahon ang nalalabing bahagi ng bansa,
07:23pero posibleng pa rin ang mga local thunderstorms lalo na mamayang hapon o gabi.
07:29Nakataas po ngayon ang thunderstorm watch dito sa NCR, Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite.
07:36Posibleng ang mga biglaang ulan na may pagkulog at pagkidlat.
07:39Tatagal ang thunderstorm watch hanggang mamayang alas gis ng gabi.
07:48Huli ka! Mang pag-ewang-gewang natakbo ng isang pampaserong jeep sa JP Rizal Street sa Rodriguez, Rizal.
07:55Palipat-lipat yan ang linya at may punto pang nasakop nito ang kabilang lane.
08:00Wala namang nabangga o napinsala ang jeep.
08:03Nakarating sa operator ng jeep ang viral video at sinampahan niya ng reklamo sa LTO ang driver sa bahiling na
08:08matanggal ang kanyang lisensya.
08:11Nasira din daw ang jeep dahil sa ginawa ng driver.
08:14Ayon sa Land Transportation Office ng bayan, inisyuhan ng ticket ang driver at pinadalahan ang show post order dahil sa
08:20insidente.
08:21Wala pang pahayag ang driver sa viral video.
08:26Patay ang isang senior citizen matapos mabanggan ang jeep habang tumatawid sa Quirino Avenue sa Maynila.
08:32Ayon sa mga otoridad, hindi tawiran ng tao ang bahaging tinawiran ng biktima.
08:37Balitang atid ni Jamie Santos.
08:43Sa CCTV footage na ito, makikitang isang senior citizen na naglalakad sa sidewalk ng President Quirino Avenue sa Pandakan, Maynila,
08:52pasado alas 10 ng umaga nitong Sabado.
08:54Nang makitang maluwag na ang daloy ng trapiko, sa kanya dahan-dahang tinawid ang kalsada.
08:59Sa isa pang CCTV footage, makikitang ilang hakbang na lamang sana ang layo ng babae sa kabilang sidewalk ng mabangga
09:07siya ng pampasahirong jeep.
09:09Ang kahabaan ng President Quirino Avenue ay kukonsidered po natin na talagang may kabilisan ang mga sasakyan dyan dahil po
09:17yan ay Avenue.
09:17Ang ating biktima na hindi pa natin nakikilala ang pangalan, unidentified pa, tumatawid puntang Plaza Dilaw.
09:27Ang pagtawid niya naman ay basa sa CCTV natin na may kabagalan naman ang pagtawid ng ating biktima.
09:34Batay sa imbistigasyon ng Manila District Traffic Enforcement Unit, hindi pedestrian crossing ang bahaging tinawiran ng biktima.
09:42Ang pagtawid ng babae o yung ating biktima, talagang blind spot po yung dating dahil nga po yan po hindi
09:54po talaga tawiran ng mga tao.
09:55Dahil sa lakas ng pagkakabangga, tumila po ng biktima at nagtamo ng matitinding pinsala sa iba't ibang bahagi ng kanyang
10:03katawan.
10:04Isinugod pa siya sa ospital, ngunit idiniklarang dead on arrival.
10:08Hanggang ngayon, hindi pa rin nakikilala ang nasawing babae at wala pa rin nagkiklaim sa kanyang bangkay.
10:14Nakikipagtulungan naman daw sa imbistigasyon ng jeepney driver at operator nito.
10:18Ayon sa mga otoridad, nagpahayag din ang operator ng kahandaang saguti ng gastusin sa pagpapalibing ng biktima sa oras na
10:26matukoy ang kanyang mga kaanak.
10:28Nasampahan na rin ang kasong reckless imprudence resulting in homicide ng jeepney driver.
10:33Nakitumanggi magbigay ng pahayag.
10:35Patuloy ang panawagan ng Manila District Traffic Enforcement Unit sa sino mang may impormasyon o nakakakilala sa nasawing babae.
10:43Kami po'y nananawagan, sino mo po ang nakakilala sa ating biktima ng nangyaring insidente.
10:52At ito po, base po sa barangay na aming pinagtanungan, ito po yung street dweller na palagi po dumaraan doon
11:01sa pinangyarihan ng insidente.
11:03Ang last po na suot nito ay floral na blouse at nakamaong na pantalon.
11:10Jamie Santos, nagbabalita para sa Jemay News.
11:20Heto na ang buwena manong latest.
11:23Ipinakilala na ang fresh faces na aabangan sa season 2 ng Sparkle Campus QT.
11:3010 mil aspirants ang napili mula sa additionees nationwide.
11:34In no particular order, napili si na Mateo Artadi, ang point guard rookie ng Pasig.
11:41Ethan Benares, ang morenong beach boy ng Bacolod.
11:45Lucas Bulaong, ang babyface bolista ng Las Piñas.
11:49Rion Cheng, ang paging iskolar ng Sursugon.
11:523D Danka, ang makulit na rockstar ng Las Piñas.
11:56Buying for the title din, si na Rayo Gravador, ang cutie lover boy ng Bulacan.
12:02Fredo Liok II, ang simpatikong future lawyer ng Cebu.
12:07Maddox Miguel, ang kiwinoy charmer ng Pampanga.
12:12Ronnie Pasamba, ang blazing baller ng Bulacan.
12:15At Enzo Torano, ang gwapong fast food crew ng Paranaque.
12:19Ibat-iba man ng looks, passion at talents, iisa naman sa goal na tanghaling bagong ultimate campus heartthrob.
12:28But wait, there's more!
12:29Sa brand new season, hindi na lang boys ang maglalaban.
12:33May 10 female aspirants na rin nakasama sa search for the campus QT.
12:38Ipakikilala namin sila bukas.

Recommended