Skip to playerSkip to main content
-Metro Manila at iba pang panig ng Luzon at Western Visayas, uulanin dahil sa Habagat

-9 na poste ng kuryente, nagtumbahan dahil sa malakas na hangin; nagdulot ng brownout

-Sen. Jinggoy Estrada, nakakulong sa New Quezon City Jail matapos ipaaresto para sa kasong plunder

-Sen. JV Ejercito sa pagkaaresto ng kapatid na si Sen. Jinggoy Estrada: Nalulungkot ako para sa kanya, pero kailangang manaig ang hustisya

-Big-time oil price rollback, epektibo ngayong araw

-Aabot sa P200,000 halaga ng pera at alahas, natangay sa nakaparadang kotse; Mga suspek, tinutugis

-Sanggol, natagpuang patay at nakasilid sa sako; suspek, mismong nag-aalaga sa biktima

-Visayas Grid, isasailalim muli sa Yellow alert ngayong araw

-Mag-live-in partner, patay matapos saksakin ng dati umanong karelasyon ng babaeng biktima

-Fight scenes ni Miguel Tanfelix sa "Taskforce Firewall," pinuri ng netizens na maangas at mala-Hollywood action ang vibes

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga kapuso, nakataas po ngayon ang thunderstorm watch dito sa Metro Manila at ilang karating probinsya.
00:06Ayon sa pag-asa, apektado rin ang Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite.
00:11Posible ang biglang ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat hanggang mamayang alas 10 ng gabi.
00:17Base po sa rainfall forecast ng Metro Weather, may chance ng light to moderate rain sa NCR sa mga susunod
00:23na oras.
00:24Gayon din sa malaking bahagi ng bansa. Posible ang heavy to intense rain sa ilang lugar na maaaring magdulot ng
00:30baka o landslide.
00:32Ayon pa sa pag-asa, apektado ng hangin habagat ang NCR at iba pang panig ng Luzon kasama ang Western
00:39Visayas.
00:40Mataas naman ang tsansa ng mga local thunderstorms sa iba pang bahagi ng bansa.
00:44Wala nang epekto sa lagay ng ating panahon ang bagyong may international name na Jiang Ni
00:50o ang bagyong doming na dumaan sa ating Philippine Sea, ito pong mga nakalipas na araw.
00:55Lumabas na po ito ng Philippine Area of Responsibility kahapon.
01:02Sa gitna ng masamang panahon kahapon, nagtumbahan ang siyam na poste ng kuryente sa Obando Bulacan.
01:07Kumambala ang mga poste sa kalsada ng barangay Tawiran at Pako.
01:11Ayon sa Miralco at sa lokal na pamahalaan, nakaranas ng malakas na hangin at ulan sa lugar,
01:16kaya natumba ang isang poste na sinundan ng walong iba pa.
01:21Nasa tatlong daang customers ang naapektuhan ng brownout.
01:25Naibalik din ang supply ng kuryente matapos maitayo ang mga poste.
01:28Ayon sa Obando Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, walang nasaktan sa insidente.
01:36Sa Takurong Sultan Kudarat, nawasak ang ilang bahay kasunod ng hagupit ng malakas na hangin at ulan sa barangay Kalean.
01:44Ligtas naman ang mga nakatira doon na nanunuluyan na umuna sa kanilang kaanak.
01:49Pinada pa naman ang baha ang isang maisan sa barangay Upper Biangan sa Malungon, Sarangani.
01:54Kasunod dyan ang malakas na ulan.
01:56Ayon sa me-ari, halos walang natira sa kanilang mahigit isang hektaryang taniman na bago pa lang namumunga.
02:03Sa Davao City, pinasok ng baha ang ilang bahay sa bahagi ng barangay Buhangin kasunod ng malakas na ulan kahapon.
02:10Agad din iakyat ng mga residente sa mataas na lugar ang kanilang mga gamit para hindi mabasa.
02:15Ayon sa pag-asa, thunderstorm ang nagdala ng mga pag-ulan sa region.
02:26Nakakulong sa New Quezon City Jail si Sen. Jinguay Estrada matapos ipaaresto ng Sandigan Bayan 5th Division para sa kasong
02:33plunder.
02:34Kaugnay po yan sa kickback umano sa flood control projects.
02:37Bago sumuko sa tanggapan ng PNPC-IDG, iginiit ni Estrada na inosente siya at handa raw sagutin ang mga akusasyon
02:46sa korte.
02:47Balitang hatid ni Joseph Moro.
02:52Matapos basahan ng Miranda Wright sa Senado, tumulak ang convoy ni Sen. Jinguay Estrada papuntang Camp Krame pasado alas 3
03:00ng hapon.
03:01Kumaway pa siya mula sa kanyang sasakyan.
03:044.18pm na makarating si Estrada sa Camp Krame para sa booking process.
03:09He started with a fingerprint, then he went through the mugshot, then he went through the medical clearance.
03:19Kasunod niya na'y dinala na si Estrada sa Sandigan Bayan 5th Division.
03:23Kasama niyang pumasok sa courtroom ang asawang si Presi at anak na si Janela.
03:27Ang Sandigan Bayan 5th Division ang naglabas ng arrest warrant laban kay Estrada para sa kasong plunder dahil sa pagtanggap
03:34umano ng P573M na halaga ng kickback mula sa mga proyekto ng DPWH.
03:40Sa New Quezon City Jail, Sapayatas, makukulong si Estrada basa sa inalabas na commitment order.
03:47Bago mapunta sa kustodian ng pulisya, humarap muna si Estrada sa media.
03:51Gate ng Senador, inusente siya.
03:53Paano raw masasabing nagpasok siya ng budget para sa mga maanumalyang flood control project,
03:58kanyang mismong Senate Legislative Budget Research and Monitoring Office ay walang maipakitang dokumento na nag-insert siya sa 2025 national
04:07budget.
04:07Wala po akong kinalaman dyan. Ngayon ko lang po isa sa publiko ito.
04:13Maraming beses po kayo nalok na talikuran ang independent majority block kapalit ang pagbabasura sa aking kaso.
04:24Ngunit, hindi ko po ito tinanggap.
04:27Mas nanaig ang paninindigan ko na ako'y manatili sa hanay ng mga kasamahan ko sa independent majority block.
04:41I stand my ground.
04:43Hindi ako matitinag sa anumang panggigipit, pananakot, political maneuvering para talikuran ang aking paninindigan.
04:53I will not yield to threats. I will not be intimidated.
04:59I will not be pressured into surrendering my independence of judgment.
05:06Habang nililinis daw niya ang kanyang pangalan, hindi siya tatanggap ng sweldo bilang senador.
05:12Hindi ako papasailalim ng kustodya ng Senado.
05:16I will not seek Senate custody.
05:19Hindi ko gagamitin ang Senado bilang panangga laban sa mga aligasyon sa akin.
05:26Nakahanda akong ipagtanggol ang aking sarili sa hukuman at hindi ako magtatago sa likod ng institusyon ito upang umiwas sa
05:36proseso.
05:37I will be proceeding now to the CIDG to voluntarily surrender myself.
05:43Pagkatapos niya magbigay ng pahayag sa media, pinagitnaan sa Estrada ni DILG Secretary John Vic Rimulya at mga opisyal ng
05:51PNP CIDG para ihain ang warrant of arrest.
05:55We arrested him. I went there personally together with the CIDG. He was read as Miranda Rights.
06:04Sa gitna niya, nagkataasan ang boses si Nari Mulya at Senate President Alan Peter Cayetano.
06:11Makikita ang tensyon sa pagkita nila sa video nito na ibinigay sa GMA News.
06:19Ang gusto ni Cayetano sa labas ng Senado arestuin sa Estrada pero hindi pumayag si Secretary Rimulya.
06:26Kaya tuloy na binasahan na ng Miranda Rights si Sen. Jingoy.
06:30May karapatang kamanahimik at magsawalang pibo. Ano man ang iyon sabihin ay maaaring gamitin yung pabot o laban sa iyo
06:35sa kanya ng mong kukuman.
06:36The question knew as whether yung separation of the executive and the judiciary and the legislative.
06:44Ang sabi ko sa kanya, in a not very calm voice kasi umakit na,
06:49Sir, I'm sorry, you lost that privilege when Bato escaped.
06:53Tama na. There's no more hiding behind the curtains of the Senate.
06:57Paliwanag ni Rimulya, walang batas na nagbabawal sa pag-aresto sa isang senador kung may kinakaharap siyang kaso.
07:04Maliba na lamang kung nasa sasyon ng Senado.
07:06Tanging kortesiya lamang daw itong ibinibigay ng mga sangay ng pamhalaan.
07:11Sumamang si Cayetano sa Camp Crame para daw damayan si Estrada.
07:15Nagpahayag din ang suporta kay Estrada ang ilang majority Senators.
07:23Nasa tabi ni Estrada si na Sen. Rodante Marcoleta at Sen. Amy Marcos.
07:28Sumuko rin ang kapu-akusado ni Estrada na si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan.
07:33Pero sa halip na dalhin siya sa Sandigan Bayan,
07:36tinalamuna siya sa PNP Hospital dahil sa taas daw ng kanyang blood pressure.
07:40His hypertension was listed at 192 over 100.
07:44He will be kept there for an undetermined amount of time before he stabilizes.
07:50And when the doctor says that he is fit to stand trial,
07:52that he will be brought to the Sen. Brigad Bayan.
07:55Kasama rin sa mga inisyuhan ng Warren Tavaresina Assistant District Engineer,
07:59Daniel Cesar Sanchez Cortuna,
08:01District Engineers Manny Bumagat Bulusan at Arturo Lombres Gonzalez Jr.
08:06Walang piansa ang kasong plunder o pandarambong,
08:09hindi tulad ng kasong graf.
08:11Joseph Maurong, nagbabalita para sa GMA News.
08:16Ikinalulungkot daw ni Sen. J.V. Ejercito ang pagkakaaresto sa kapatid at kapwa senador na si Jingo Estrada
08:22dahil sa kasong plunder, kaugnay sa flood control projects.
08:25Pero bilang lingkod bayan, may pananagutan daw ang kapatid niya sa taong bayan
08:30kaya kailangan niya hayang umusad ang batas.
08:33Nasa Senate Session Hall si Ejercito kasama ang iba pang minority senators kahapon
08:37nang isilbi ang waran kay Estrada.
08:40Ang ilan sa majority senators sinamahan at nagpahayag ng suporta kay Estrada.
08:47Pinalaan ko na magkaroon siya ng lakas sa loob, naharapin itong mga akusasyon sa kanya.
08:53Kaya lang sa huli, siyempre kailangan manaigang katotohanan at yung kustisya.
09:04Good news muna po tayo sa mga motorista.
09:07May big time rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo simula po ngayong araw.
09:11Ayon sa Department of Energy, may 9 pesos and 26 centavos na bawas presyo
09:16sa kada litro ng diesel.
09:194 pesos and 76 centavos naman ang tapyas sa kada litro ng gasolina.
09:23Mahigit 10 piso naman ang rollback sa presyo ng kerosene.
09:27Ayon sa DOE, malapit nang bumalik ang presyuhan sa antas bago
09:31ang gyera ng Amerika at Israel laban sa Iran.
09:38Huli ka ang magpaglapit ng lalakingan sa isang nakaparadang kotse
09:41sa harap ng isang kapanaderiya sa Mabalak at Pampanga.
09:45Binuksan niya ang pinto ng sasakyan at kinuha ang bag na nasa loob.
09:50Tumaka siya sa kayo ng motorsiklo na minamaneho ng kanyang kasabuan.
09:53Ayon sa may-ari ng kotse, bumibili siya ng itlog na mangyari ang krimen.
09:58Laman daw ng natangay na bag ang ilang ID, pera at alahas na aabot
10:03sa 200,000 pesos ang halaga.
10:05Tukoy na at hinahanap na ng mga pulis sa mga suspect.
10:11Pasintabi po sa susunod na balita, natagpo ang patay at nakasilid sa sako
10:15ang isang sanggol sa Quezon City.
10:17Ang suspect sa krimen ang mismong nagaalaga sa biktima.
10:22Balitang hatid ni Katrina Son.
10:27Nakasilid sa sako, duguan at wala ng buhay.
10:31Ganito natagpuan ang 11-month-old na sanggol sa isang kwarto sa bahay na ito
10:36sa Ilang-Ilang Street, Barangay Pasong Putik proper sa Quezon City.
10:40Bago nito, ay nagsumbung na noong May 29 ng 11.30 ng gabi sa mga otoridad
10:46ang 26 na taong gulang na babae na kinuha umano ang alaga niyang bata ng dalawang lalaki.
10:53Ang isa sa mga lalaking kumuha umano ay ang ama ng bata.
10:56Yung alaga niyang bata na 11 months is may dalawang lalaki na kumuha.
11:04Na ang sabi, ayon sa kanyang kwento is kukunin niya yung kanyang kanak
11:11na kasi ayaw ipakita ng nanay.
11:16Tapos kinuha, inilagay sa balikat,
11:20inalukbuhan ng jacket na itim, then umalis sila.
11:25Ngunit nang i-check umano ng mga otoridad ang mga CCTV sa lugar,
11:29wala umanong nakitang dalawang lalaking lumabas mula sa bahay.
11:33Kinausap din nila ang nanay ng sanggol na nasa ibang bansa.
11:37Sabi nito, nasa probinsya ang ama ng sanggol,
11:40kaya ang asawa ng kanyang pinsan ang nag-aalaga sa bata.
11:44Noon na nagduda ang mga otoridad.
11:46Nang balikan ng bahay ay ayaw na silang pagbuksan ng nag-aalaga sa bata.
11:51Kung nung bansa yung pakibukas, nung pagbukas is may amoy na, may naamoy na kami.
11:59Tanggang sa tinanong namin sa kanya, wala ka bang naamoy, napaiyak.
12:05Sabi niya, andun sa taas yung bata.
12:07Noon na umano-umamin ang nag-aalaga na patay na ang sanggol,
12:11sabay-turo kung saan niya itinago ang labi nito.
12:14Pagdating sa taas, andun yung parang sako bag na may nakadapo na nalangaw.
12:25With that, confirm na yun.
12:27Itinuro niya ang nakatatandang kapatid ng piktima na nasa edad limang taong gulang
12:32na lagi umanong nag-uuntog sa sanggol.
12:34Hanggang sa makita niya noong May 29 ng alas 6 ng gabi
12:38na muli umanong inuntog ang sanggol.
12:40Binuhat niya umano ito, ngunit nangingisay na.
12:43Dahil dito, nabitawan niya ang bata at nauntog muli.
12:58Noong wala ng buhay, saka niya ito ibinalot sa plastic, saka isinilid sa sako.
13:03Tuloy-tuloy ang ginagawang investigasyon ng mauturidad ukol sa insidenteng ito.
13:08Naharap naman ang sospek sa reklamong murder at perjury.
13:13Katrina Son, nagbabalita para sa GMA News.
13:17Samantala, isa sa ilalim ulit sa yellow alert ang Visayas Grid ngayong araw.
13:22Simula yan mamayang alas 3 ng hapon hanggang alas 9 ng gabi.
13:26Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines,
13:29itinataas ang yellow alert kapag manipis ang reservang kuryente
13:33at posibleng kulangin kung magka-emergency.
13:36Sabi ng NGCP, apat na malalaking coal power plants sa Visayas
13:41ang hindi available ngayong Martes, kasabay po ng nakikitang mataas na demand.
13:51Patay ang isang mag-live-in partner matapos saksakin ng isang magsasaka sa Villasis, Pangasinan.
13:59Ayon sa pulisya, natutulog ang mga biktima sa kanilang bahay sa barangay Tiyas
14:04ng pasuki ng sospek at saksakin.
14:08Base sa embesigasyon, dating live-in partner ng babaeng biktima ang sospek.
14:12Hinahanap na ang sospek na nakatakas.
14:15Nanawagan ng husisya ang mga kaanak ng biktima.
14:25Hello Tuesday mga marit pare, pinuri ng netizens ang fight scenes
14:30ni Kapuso Ultimate Heartrob Miguel Tan Felix sa GMA Prime na Task Force Firewall.
14:46Bangis, eksena yan ni Miguel na gumaganap bilang si Galo Villarreal
14:50nang biglang mapatrobol sa isang sugalan.
14:54Ipinakita ni Miguel dito ang bunga ng kanyang training,
14:57ang strength, speed and skills niya sa combative fighting.
15:01Pakitanggilas din si Miguel sa gun shooting stints.
15:04Sabi ng mga nakapanood, maangas at mala Hollywood action star ang vibes ni Miguel.
15:11Matatandaan din na nagpakita rin ang husay si Miguel as his character
15:15sa pilot episode ng The Master Cutter.
15:18At maraming netizens ang pumuri at maging si Master Cutter,
15:23dingdongdantes, ay bumilib din kay Miguel.
15:25Sa episode ng Firewall kagabi, ipinakita ang paglarapel sa isang gusali
15:31ni na Miguel at Kylie Padilla na naikwento sa inyong mare
15:35na isayan sa mga challenging stunt sa series.
15:39Gabi-gabing sumaybayan ang Task Force Firewall
15:41pagkatapos ng The Master Cutter sa GMA Prime.
Comments

Recommended