Skip to playerSkip to main content
3 bata, patay matapos masunog ang kanilang bahay sa Brgy. Addition Hills; PAGASA: Malakas na Habagat, nagpapaulan ngayon sa Luzon at Visayas; Ilang bahagi ng Brgy. Santa Fe, nalubog sa lahar; eskwelahan at kabuhayan ng mga magsasaka, apektado; Landslide, naitala sa bahagi ng Marilaque Highway sa Baras; Gutter-deep na baha, naranasan sa isang kalsada sa Las Piñas; 3, sugatan matapos masalpok ng motorsiklo; rider, napaamin ng mga biktima na lasing noon; Lalaki, patay matapos matabunan ng lupa habang pauwi galing sa trabaho; 4 na katrabaho, ligtas; 35-anyos na lalaki, patay matapos anurin sa ilog; kanyang 7-anyos na anak, hinahanap pa; Sen. Zubiri: Pagbaba sa botong kailangan para ma-convict si VP Duterte, napag-usapan uli ng senator-judges


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de 


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:003 bata ang nasawi sa surog sa Barangay Addition Hills, Mandaluyong.
00:04Ayon sa BFP, naiwan ang mga bata sa bahay dahil nagtatrabaho ang kanilang mga magulang.
00:11Balita natin ni Gabriel Gonzalez.
00:18Pasado las 7 kagabi, nang sumiklab ang apoy sa ikaapat na palapag ng isang bahay sa Block 39, Barangay Addition
00:25Hills, Mandaluyong.
00:26Unang gumamit ng fire extinguisher ang isang residente, pero patuloy pa rin ang paglalagab lab ng apoy.
00:33Tumulong na rin ang iba pang mga residente.
00:36Nagpasahan sila ng mga balde ng tubig.
00:38Makalipas ang ilang minuto, naapula na ang apoy.
00:44Nang mapasok ng mga otoridad ang kwarto sa 4th floor, natagpuan ang bangkay ng magkapatid na edad 4 at 2
00:52taong gulang.
00:53Nakita rin sa labas ng kwarto ang kanak nilang 7 taong gulang na batang babae.
00:58Nagtamuraw ng matitinding paso sa katawan ng bata na kanilang isinugod sa ospital.
01:03Pero huli na ang lahat.
01:06Yung dalawa po ay natagpuan po natin sa mismong fire scene na dead on the spot.
01:11Yung isa naman po ay naisugod pa sa ospital, pero kalaunan ay dineklaro din na dead on arrival.
01:17Makalipas ang ilang oras, naibaba na ang labi ng dalawang bata.
01:21Ayon sa BFP, naiwan ang mga bata sa bahay dahil nasa trabaho ang kanilang mga magulang.
01:27Labis naman na nagluloksa ang kanilang mga magulang.
01:30Hindi pa sila nagbibigay ng pahayag.
01:33Sa tansya ng BFP, nasa 200,000 piso ang halag ng pinsala sa ari-arian dahil sa sunog.
01:39Hanggang ngayon, under investigation pa rin siya.
01:42Pero ang aming find out is yung source or yung origin ng fire.
01:47Doon lang po talaga siya sa fourth floor.
01:48Gabriel Gonzalez, nagbabalita para sa GMA News.
01:53Malakas ulit ang habagat sa Luzon at Disayas ayon sa pag-asa.
01:57Nahahatak pa rin kasi ito ng dating bagyong tilandok na ngayong lumayo na sa bansa.
02:02Pagtatagal yan hanggang bukas.
02:04Binabantayan pa rin ang tropical depression na nasa Pacific Ocean.
02:08Mahigit sa'n libong kilometro ang layo nito sa silangan ng Extreme Northern Luzon.
02:12Ayon sa pag-asa, maliit ang tsyansa ng nasabing bagyo na pumasok sa PAR.
02:18Sa ngayon, may thunderstorm advisory sa ilang bahagi ng Palawan, Occidental Mindoro at Antique.
02:24Tatagal yan hanggang 11.20 ngayong umaga.
02:27Hanggang alas 11.30 naman sa ilang panig ng Lano del Norte at Lano del Sur.
02:32Habang tatagal hanggang 11.43 ngayong tanghali ang thunderstorm advisory
02:36sa ilang panig ng Iloilo.
02:38Nakataas naman ang thunderstorm advisory hanggang pasado alas 12 ng tanghali
02:43sa ilang bahagi ng Aklan, Antique, Iloilo, Gimaras at Occidental Mindoro.
02:49Thunderstorm watch naman ang nakataas sa Ilocos Norte, Aurora at Cagayan.
02:53May kaparehas ding babala para sa Misamis provinces,
02:57Kamigin, Lano del Norte at Bukidnon.
03:00Tatagal po yan hanggang alas 10 mamayang gabi.
03:04Nalubog sa lahar ang ilang bahagi ng barangay Santa Fe sa San Marcelino Zambales.
03:10Kabilang po ang Santa Fe National High School na apot binti ang lahar.
03:14Nakikipagugnayan na ang munisipyo sa Department of Education
03:17para mapabilis ang paglilini sa paaralan.
03:21Apektado rin ang kabuhayan ng mga residente
03:23dahil hindi na mataniman ng palay at mga gulay
03:27ang kanilang mga lupain na binalot ng lahar.
03:30Kinailangan namang ayusin ang kahoy na tulay
03:33na nagdurugtungpo sa hilaga at timog na bahagi ng barangay
03:36para maituloy ang pagbibigay tulong sa mga nasalantang pamilya roon.
03:41Ayon sa San Marcelino LGU,
03:43idedeklarang no-build zone ang timog na bahagi ng barangay.
03:47Kaya sa hilagang bahagi na ito, itatayo ang barangay hall at paaralan.
03:52May pangmatagalang plano na rin daw para sa pagkatayo
03:55ng mga bagong infrastruktura doon.
03:59Nagnistulang ilog naman ang ilang kalsada sa Vigan, Ilocosur,
04:02kaya nahirapan sa pagbiyahe ang ilang motorista.
04:06Ayon sa ilang residente,
04:08munsud po yan ang mabilis na pag-apaw ng mga kanal matapos ang pag-ulan.
04:12Na hulikam naman ang pagbagsak ng mga bato sa isang kalsada sa barangay Urzadan sa Suyo.
04:19Naranasan din po ang malalakas na ulan at hangin sa lawag Ilocos Norte.
04:24Halos nag-zero visibility sa ilang kalsada.
04:30Nagka-landslide naman ngayong umaga sa Baras Rizal.
04:33Hindi mataanan ang lahat ng uri ng sasakyan ng bahagi ng Marilaki Highway
04:37bago dumating sa Palo Alto sa barangay Pinugay.
04:40Ayon sa Disaster Risk Reduction and Management Office ng Baras,
04:43lumabot ang lupa kaya nagkaroon ng landslide.
04:46May malalaking tipak ng bato ang kasama sa dumausdos pababa sa kalsada.
04:51Hindi para waga dito magagalaw dahil may nakikita pang paggalaw ng lupa.
04:55Nakipag-ugnayan na ang local officials sa DPWH para sa gagawing clearing operations.
05:02Sa Metro Manila naman, pabugsu-bugsong pag-ulan ang naranasan simula pa kaninang madaling araw.
05:08Sa Las Piñas, gutter deep na baha ang naranasan sa isang kalsada na nagpabagal sa daloy ng trapiko.
05:14Humupa rin daw yan matapos ang 30 minuto.
05:17Sa Quezon City, malakas na buhos ng ulan ang naranasan sa ilang kalsada
05:21na nagpahirap sa biyahe ng mga pasahero.
05:24Ilang bahagi rin po ang halos mag-zero visibility na dahil sa lakas ng ulan.
05:30Wala namang naitalang pagbaha sa ilang kalsada sa Maynila kasunod ng malakas na buhos ng ulan.
05:35Hanging habagat pa rin po ang nagdudulot ng malakas na ulan sa ilang bahagi ng Luzon.
05:43Sugatan ang tatlong bystander matapos araruhin ng isang motorsiklo sa Antipolos City.
05:48Ang nakabanggang rider na paamin ng mga biktima na lasing siya noong pong nagmamaneho.
05:55Balitang hatid ni Gabriel Gonzalez.
06:01Nagkukumpulan sa sidewalk ang pitong magkakaibigan sa bahagi ng Marcos Highway sa barangay Mayamot, Antipolos City.
06:07Pasado alas 12 ng hating gabi nitong lunes.
06:10Nang bigla silang masalpok ng humaharurot ng motorsiklo.
06:14Sa lakas ng pagkakabanga, tumila po ng ilan sa kanila.
06:18Natumba rin ang mga motorsiklo.
06:21Agad namang rumisponde ang mga tauhan ng Antipolos City Rescue.
06:24Kabilang sa mga nasugatan, ang magkasintahang John Michael at Cara Angela.
06:30Abang iniilawan namin yung motor niya.
06:33Then mamaya-maya, paglingon ko, may mabilis na motor.
06:38Then ayun na, ako, pati yung mga ka-friend ko, ayun lumipad.
06:41Lalo yung girlfriend ko, ang layo din talaga ng linipad niya.
06:44Para talaga kami binuling na parang billiard na sinargo.
06:48Iniinda ko na lang yung likod ko.
06:51Hindi rin ako makapagtrabaho.
06:53Hindi rin namin expect kasi nasa tabi naman po kami.
06:57Tapos ganun yung mayayari sa amin.
07:01Kinailangang tahiin ang sugat sa binti ni John Michael.
07:04Habang ang isa pa niyang kaibigan, nakabenda ang bukong-bukong.
07:08Ang sabi raw ng rider, naharangan ng helmet ang kanyang paningin.
07:12Pero kalaunay napaamin daw nilang lasing siyang nagmaneho.
07:16Sabi niya po, nakainom daw po siya konti, kakagaling lang daw po nilang binyagan po.
07:22Matapos ang insidente, nag-arap ang mga biktima at rider sa police station.
07:27Binigyan po namin siya ng one week para mabayaran yung mga danios na ginawa niya sa amin.
07:32If possible naman po na hindi siya tumupad sa usapan, pwede po namin siyang kasuhan.
07:39Sabi din po ng mga pulis.
07:42Tumangging magbigay ng pahayag ang nakabanggang rider.
07:44Pag lasing, pag nakainom, hanggat maaari po sana, huwag nang magmaniho.
07:49Palipas muna, mahirap po ang magmaniho ng lasing.
07:53Gabriel Gonzalez, nagbabalita para sa GMA News.
08:01Patay ang isang lalaki matapos matabunan ang gumuhong lupa sa Labrador, Pangasinan.
08:06Sa investigasyon ng pulis siya, pauwi na sana galing trabaho ang 26 anyos na biktima at kanyang apat na kasamahan
08:13nang mangyari ang insidente.
08:15Ligtas ang apat niyang katrabaho. Nakasabay niya sana ang umuwi-uuwi noon.
08:20Naniniwala ang pamilya ng biktima na aksidente ang nangyari.
08:23Wala rin nakikitang foul play ang pulis siya.
08:26Nagbigay na ng tulong pinansyal sa mga naulila ang pinagtatarabauhang kumpanya ng biktima.
08:34Nagkaroon din ng landslide sa barangay Gisad-surong sa Baguio City dahil sa tuloy-tuloy na pagulan.
08:41Ayon sa Baguio City Public Information Office, bahagyang nasira ang isang bahay roon.
08:47Inilikas na ang 6 na apektadong residente.
08:50Patuloy naman ang clearing operation sa natabunang kalsada sa barangay Ampukaw, Itogon, Benguet.
08:55May naitalaring slope erosions sa barangay Ukab at Tinongdan.
09:00Sa Atok, nagpapatuloy ang clearing operation sa landslide sa Tulodan-Kanatingan Provincial Road na one-lane passable na.
09:07Pansamantala namang isinara ang Sabangan-Bauco Road sa Mountain Province dahil sa pagguho ng bahagi ng bundok.
09:16Patay ang isang lalaking 35 anyos matapos anurin sa ilog sa Botolan Zambales.
09:23Ayon sa Philippine Coast Guard, pauwi na sana ang biktima at kanyang anak na nakasakay.
09:27Sakalitong hinihila ng kalabaw ng tangayin ng malakas na agos ng tubig mula sa bundok.
09:34Agad nagsagawa ng search and rescue operations ang mga otoridad pero hindi agad nakita ang mag-ama.
09:40Sa bahagi ng isang baybayin natagpuan po ang bangkay ng nakatatandang biktima.
09:45Patuloy na hinahanap ang 7 taong gulang niyang anak.
09:54Napag-usapan ulit ng Sen. Judges na ibaba ang bilang ng boto na kailangan para sa hatol kay Vice President
10:01Sara Duterte ayon kay Sen. Mig Zubiri.
10:04Ayon sa konstitusyon, two-thirds o labing-ani mula sa 24 na senador ang kailangan para ma-convict ang bise.
10:11Yan din ang sinabi ni Impeachment Court Presiding Officer Chisis Codero sa unang araw ng impeachment trial noong July 6.
10:18Pero dahil kulang ang mga senator-judge na nakakadalo sa impeachment trial, maaaring mas kaunti rin ang boto na kailangan
10:24para sa hatol.
10:26Nakakulong si na Sen. Jingo Estrada at Sen. Rodante Marcoleta.
10:30Nagtatago naman si Sen. Bato de la Rosa na wanted ang International Criminal Court.
10:35Naka-medical leave naman si Sen. Loren de Garda simula pa August 3.
10:40Sabi ni Zubiri, posibleng tapos na sa Desyembre ang impeachment trial.
10:45Buong araw ay niya ang trial sa October 1 at 2, October 5 hanggang 9 at October 12 hanggang 15.
10:52Bukod sa impeachment trial, nagsimula na rin ang mga pagdinig para sa 2027 national budget
10:58at iba pang pagdinig at pulong para pag-usapan ng mga panukalang batas.
11:03Sa dami ng dapat gawin, nilinaw ni Zubiri ang kanyang naunang pahayag na pagod na pagod na siya.
11:11Sa totoo lang, Mr. President, Mr. Presiding Officer, pagod na pagod na ako.
11:1512-hour days po tayo dito. From 9 to 9, nandito po tayo.
11:19So you're not complaining, sir? You're just being honest?
11:22I'm being honest. It doesn't matter kung pagod na pagod ako.
11:25Gagawin namin ang aming tungkulin bilang senador at impeachment court judges.
11:29If we have to work 24-7, gagawin namin 24-7.
11:37Gagawin namin.

Recommended