00:00Pina-i-imbestigahan sa Kamara ang mataas na singil sa kuryente ng Meralco.
00:05Pinare-repaso na rin ang pagpapatupad ng Lifeline Rate Subsidy.
00:09Ang detalye sa report ni Vell Custodio.
00:15Nananawagan ng Akbayan Party List katuwang ang mga Labor and Renewable Energy Advocates sa Kongreso
00:20para paimbestigahan ang Manila Electric Company o Meralco dahil sa mataas na singil sa electricity bills.
00:27Sa ilalim na House Resolution No. 995, nananawagan ang mga mababatas mula sa Akbayan sa House Committee on Energy
00:35na paimbestigahan ang pass-through at subsidy-related charges.
00:39Kabilang dito ang FIT-ALL, JIA-ALL, Missionary Electrification Charges, Taxes at Karagdagang Bayarin
00:47alinsunod sa ERIPA at Renewable Energy Act.
00:50Nananawagan din sila sa Kongreso para i-review ang pagpapatupad sa Lifeline Rate Subsidy Program.
00:55Ayon kay Tcheng Pagulayan na Akbayan Green Working Group na dapat pala kasi ng gobyerno
01:01ang pagpapatupad ng pulisiya sa renewable energy.
01:04Yung ating energy mix at yung plano nila for energy transition ay hindi talaga siya transition.
01:13Nagdadagdag lang sila ng renewable energy sa mix.
01:16Pero nandun pa rin yung reliance sa imported na fossil fuels.
01:20At ang nararanasan natin, energy addition, hindi siya transition.
01:25Iginiit din niya na posibleng magkaroon ng added cost ang pagtutulak ng Meralco para sa Solar Energy Regulation.
01:31Ayon naman si Department of Energy.
01:33Ang pinag-uusapan niya yun sa Kongres ay magkaroon talaga ng organized na accreditation na mga installation
01:43ng itong mga solar equipment or technology.
01:52Kasi ang trend ho ngayon ay hindi na lang ho yung malakihang mga buildings.
01:59In fact, marami na ho talaga ang gumagamit even to the residential level.
02:04Sa isang opisyal na pahayag, sinabi ng Meralco na suportado nito ang mga hakbang na pamahalaan at energy industry
02:12para makahanap ng pangmatagalang solusyon upang mapababa ang singil sa kuryente.
02:17Ayon sa Meralco, aktibo ito sa pagpapatupad ng mga hakbang
02:21para mapag-aanap pasanin ng mga consumer sa ilalim na pamumuno ng DOE at gabay ng ERC.
02:27Paglilinaw ng kumpanya na malaking bahagi ng bill ay napupunta sa generation charges
02:32na naaapektohan ang presyo ng langis, supply ng kuryente at galaw ng pamilihan.
02:38Sinabi rin ng Meralco na transparent ang kanilang billing system at karamihan ng mga singil ay pass-through costs.
02:45Bukas din a nila ang kumpanya sa pakikipagtulungan sa pamahalaan at ibabang stakeholders
02:50para sa makatarungan at pangmatagalang solusyon sa mataas na singil sa kuryente.
02:54Velco Studio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments