00:00Ginawaran si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng Grand Cordon of the Supreme Order of the Chrysanthemum,
00:07na isa sa pinakamataas na pagkilala sa Japan.
00:10Kasunod ito ng pagharap ng Pangulong Marcos Jr. at First Lady Lisa Radneta Marcos sa Japan Imperial Couple sa Tokyo.
00:19May report si Kenneth Pasyende.
00:23Sa pag-arangkada ng unang araw ng state visit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Japan,
00:29nakipagkita siya at si First Lady Lisa Marcos kina Emperor Naruhito at Empress Masako.
00:35Mainit silang tinanggap ng Japan Imperial Couple sa Imperial Palace sa Tokyo.
00:39Nagkaroon ng pagkakataon ng mga ito na makapag-usap sa Imperial Palace Audience Room
00:43kung saan nagpalitan ng pagbati at pleasantries ang mga lider.
00:47Ayon sa Department of Foreign Affairs, nakabilang sa opisyal na delegasyon ng Pangulo sa biyahe,
00:52kabilang sa mga natalakay sa state call ang usaping pangkapaligiran,
00:55partikular ang mga isyo sa tubig at climate change.
00:58They will be discussing issues on how to discuss environmental issues that pertains also to water
01:06and at the same time, mga vulnerabilities natin kagaya ng mga sakuna na makukuha natin on a yearly basis
01:16and how to mitigate the climate change issues na ating pinagdadaanan.
01:25Sa naturang state call, iginawad sa Pangulo ang Grand Cordon of the Supreme Order of the Chrysanthemum,
01:31isa sa pinakamataas at prestigyosong pagkilala ng Japan.
01:34Grand Cordon of the Order of the Precious Crown naman ang iginawad kay First Lady Lisa Marcos,
01:39na karaniwang ipinagkakaloob sa mga babaeng miyembro ng maharlikang pamilya
01:43at matataas na babaeng dignitaryo tuwing state visit.
01:46Bilang kapalit ng pagkilala, iginawad ng Pilipinas kay Emperor Naruhito
01:51ang Order of Lakandula na may ranggong supremo o grand collar,
01:55habang tinanggap naman ni Empress Masako ang Order of Gabriela Silang.
01:59Ayon sa Embahada ng Pilipinas,
02:01labing isang taon na mula ng mabigyan ang pagkakataon ng isang Philippine leader
02:04na magkaroon ng state call sa Japan Imperial Couple.
02:08Nagpapakita lamang anya ito ng maayos na ugnayan ng dalawang bansa.
02:11It also highlights the relationship that has been building between our two countries
02:17that such a rare, I suppose, opportunity has been bestowed on our President and First Lady.
02:26Kenneth, pasyente para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments