00:00Inaasahang lalagdaan ngayon ng Pilipinas at Japan ng ilang kasunduan na may kinalaman sa defense at maritime security, pati na
00:07sa energy security.
00:09At live mula sa Tokyo, Japan, may ulot on the spot si Ivan Mayrina. Ivan?
00:19Konnichiwa, Connie, mula dito sa Tokyo, Japan, kung saan ang katlong araw na ng state visit ni Pangulong Bongbong Marcos
00:26dito.
00:28Puno ang schedule ng Pangulo ngayong araw. Ngayong umaga lang, apat na business meetings na nakaschedule sa mga pribadong kumpanya.
00:35Pamilyar itong isang kumpanya sa listahan, ang Sumitomo Corporation, na siyang maintenance provider ng ating MRT-3.
00:41Pero patuloy tayong kumakalap na iba pang detalye kung anong paksa ng nasabing pulong.
00:45May meeting din siya kay dating Japanese Prime Minister Kishida Fumio, na ngayon Supreme Advisor sa Parliamentary Association of the
00:53Asia Zero Emission Community.
00:54Makaarap din ang Pangulong ngayong araw, ang Presidente ng Japan International Cooperation Agency o JICA,
01:01na isa sa pinakamalaking pinagkukunan ng pautang ng Pilipinas sa mga malalaking proyekto sa bansa.
01:05Tulad nalang halimbawa ng Metro Manila Subway Project.
01:09May isa pang pulong sa chairman ng Nippon Foundation bago ang kanyang nakatakad ng talumpati sa joint session ng National
01:15Diet o ang Kongreso ng Japan.
01:17Matapos niyan ay ang panghuling meeting kay Japan Prime Minister Takeichi Sanai, na agad susundan ang joint press conference kung
01:24saan ia-anunsyo ang mga nalagdaang mga kasunduan.
01:28Naasahan dito may kinalaman sa Defense at Maritime Security at Energy Security.
01:33At gayon din sa ekonomiya, mga bagay na malapit sa Sikmura ay kanga ng Pilipinas sa gitna ng tensyon sa
01:38West Philippine Sea.
01:39At gayon din sa nagpapatuloy ng krisis sa langis na kinakaharap ng mundo.
01:43Patuloy natin inaantabayanan na magiging resulta ng mga pulong lalo na sa mga pribadong kumpanya.
01:48Pero nauna rito, Connie, 3.4 billion dollars katumbas ng 210 billion pesos na kabuang investment commitment
01:55ang ibinungan na roundtable meeting ni Pangulong Bongbong Marcos kasama mga nangungunang business leaders ng Japan.
02:02Kahapon din, pumirma sa isang Memorandum of Understanding ang Ayala Corporation, Globe Telecom, Mitsubishi Corporation at KDDI
02:09para sa pagsusulong ng konsepto ng smart city sa Makati City.
02:13Sa pamagitan niya ng artificial intelligence o AI at modernong teknolohiya ng mga telco
02:18para sa transportasyon, retail at commercial services, energy management at digital service.
02:24May hiwalay pang kasunduan nilagdaan ng Ayala Corporation at Mitsubishi Corporation
02:28para sa digital services para naman sa ticketing, online payment at digital marketing.
02:33May katlo pa, yung kilalang e-wallet platform sa bansa, may kasunduan din sa Mitsubishi Corporation
02:39para palawakin ang servisyon nito sa Pilipinas at maging sa ibang bansa.
02:43Ang layon niyan, ang pag-integrate sa e-wallet platform sa mga negosyo ng Ayala at Mitsubishi sa retail,
02:49real estate, energy, mobility at digital services.
02:52Ang pakinabang na dyan, ang mga mamayan ayon sa DTI,
02:55mas mabilis at mas maginhawang transaksyon para sa mga negosyante at consumer.
03:00Tulad ng kanyang karaniwa, mga biyahe abroad, may mga business meetings sa Pangulo
03:04para manghikaya't na mga mamumuhunan sa bansa.
03:06Sa gitna ng kasalukuyang hamon ng global economy, ayon sa Pangulo,
03:10partikularang krisis sa enerhiya at pagkadiskarid ng mga supply chain,
03:14lubhang mahalaga na lalong palakasin ang ugnayang pang-ekonomiya ng Pilipinas at ng Japan.
03:21At live mula sa Tokyo, Japan, Ivan Mayrina, GMA News. Balik sa iyo, Connie.
03:26Arigato kusay mas. Maraming salamat, Ivan Mayrina.
Comments