00:00Sa ibang balita, muling tumaas ang remittances ng overseas Filipino workers nitong Pebrero.
00:06Ayon sa Banko Sentral ng Pilipinas, naitala ito sa 2.79 billion US dollars.
00:13Dahil dito, mula sa 5.63 billion US dollars sa unang dalawang buwan noong 2025,
00:19higit 5.81 billion dollars ang naitalang remittances ng overseas Filipinos nitong Enero at Pebrero ng kasalukuyang taon.
00:29Nananatili namang pangunahing source ng remittances ang Estados Unidos na sinunda ng Singapore at Saudi Arabia.
00:36Mahalaga ang remittances sa ekonomiya ng bansa, lalo't malaki din ang bahagi nito sa ating gross domestic product.
00:44Nakatutulong din ito para sa paglakas pa ng piso kontra dolyar at sa pagpapabilis pa ng household spending.
Comments