Skip to playerSkip to main content
Sinampahan ng reklamong plunder at indirect bribery si Sen. Rodante Marcoleta sa Ombudsman dahil sa pagtanggap umano ng regalong P75 milyon.


Ang sabi ng mga imbestigador ng Ombudsman, masyadong malaki ang halagang tinanggap ng noo’y kongresistang si Marcoleta para isiping walang hinihintay na kapalit ang mga nagbigay.


Hinihingan ng GMA News ng pahayag sina Marcoleta, Espiritu at Baluyut.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sinampahan ang reklamong plunder at indirect bribery si Sen. Rodante Marcoleta sa Ombudsman
00:08dahil sa pagtanggap umano ng regalong 75 million pesos.
00:14Ang sabi ng mga investigador ng Ombudsman,
00:16masyadong malaki ang halagang tinanggap ng nooy kongresistang si Marcoleta
00:21para isipin walang hinihintay na kapalit ang mga nagbigay.
00:26Nakatutok si Joseph Moro.
00:32Dati ng isyo kay Sen. Rodante Marcoleta ang pagtanggap niya ng pera mula sa tatlong donor
00:37noong isang taon na hindi niya idineklara sa kanyang Statement of Contributions and Expenses.
00:42Lusot siya sa Commission on Elections dahil na bago na raw ang batas at hindi na raw ito isang election
00:47offense.
00:47Ang katwilan pa ni Marcoleta natanggap niya ang pera bago pa ang simula ng campaign period
00:52pero ngayon basihan na ito ng isang criminal complaint.
00:56Ang isyong yan ang pagtanggap ni Sen. Marcoleta ng milyong-milyong pera
01:00ang nakitang basehan ng Ombudsman para sa reklamong plunder.
01:05Sa order na eksklusibong nakuha ng GMA News mula sa isang source,
01:10pinasasagot ng Ombudsman si Marcoleta sa reklamong inihain ng Field Investigation Bureau ng Ombudsman.
01:16Sa investigasyon kasi nito nakitang habang nakaupo bilang kongresista,
01:20tumanggap si Marcoleta ng 75 milyon pesos noong January 2025.
01:25Batay ito sa pag-amin mismo ni Marcoleta sa investigasyon noon ng COMELEC.
01:29Lumabas din ito sa donor's tax returns na isinimite ni Marcoleta sa COMELEC.
01:34Batay sa investigasyon, hindi niya umuno idineklara ang cash sa kanyang Statement of Assets,
01:39Liabilities and Net Worth para sa taong 2025.
01:42Ayon sa mga investigador ng Ombudsman, kahit daw hindi election offense,
01:46ang pagtanggap niya ng pera maaaring mauwi pa rin sa pananagutang kriminal at administratibo.
01:51Plunder daw na may tuturing ang sunod-sunod na pagtanggap ng pera ni Nooy Congressman Marcoleta
01:56na umabot sa 75 milyon pesos sa ilalim ng Republic Act No. 7080.
02:02Sa laki daw ng halagang 75 milyon pesos, hindi na raw ito may tuturing
02:06na ordinaryong kagandahang loob kundi korupsyo na para makakuha ng power mula kay Marcoleta.
02:11Hindi rin daw dapat ito itinuturing na normal para sa mga pampublikong opisyal
02:16porket walang sinabing hinihinging kapalit.
02:18Tatlong tao ang pinanggalingan ng pera, 30 milyon mula kay dating Congressman Mike Defensor,
02:2325 milyon pesos mula sa isang Joseph Espiritu,
02:26at 20 milyon pesos naman galing sa isang Aristotle Baluyut.
02:30Dawit din ang tatlo sa reklamo.
02:31Sabi sa reklamo, sila ay mga co-conspirator o kasabuat
02:35dahil nagkonsyabahan sila sa paglilihim ng tunay na dahilan para sa cash gift.
02:39Bukod sa reklamong plunder, pinakakasuhan din ang apat ng paglabag
02:43ng Presidential Decree No. 46 na nagbabawal sa mga opisyal ng gobyerno
02:47na tumanggap ng regalo.
02:49Si Marcoleta, pinakakasuhan din ang indirect bribery.
02:52Hinihingan pa namin ang pahayag si Marcoleta, Espiritu at Baluyut.
02:56Tingin naman ni Defensor, pilit ang kaso.
02:58Doon naman sa amin, hindi ko rin alam kung ano yung basis.
03:02Kasi how can it be plunder when there was no government funds involved.
03:08Wala akong, walang government transaction on anything.
03:12So hindi ko talaga makita.
03:14Joseph Morong, nakatutok 24 oras.
03:16.
03:17Papanik.
Comments

Recommended