Skip to playerSkip to main content
Isasalang na sa paglilitis ng International Criminal Court (ICC) si dating Pangulong Rodrigo Duterte.


Kasunod 'yan ng pagkumpirma ng ICC Pre-trial chamber I sa lahat ng charges laban kay Duterte para sa kasong crimes against humanity of murder and attempted murder.


Inaasahan na ito ng kampo ng dating pangulo.


Ipinagpapasalamat naman ng pamilya ng mga biktima ng extrajudicial killings ang desisyon ng ICC.


Naghahanda na rin ang mga magkakaroon ng partisipasyon sa paglilitis.


Panoorin ang report.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Isasalang na sa paglilitis ng International Criminal Court si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
00:06Pasunod yan ang pagkumpirma ng Pre-Trial Chamber 1 ng ICC sa lahat ng charges laban kay Duterte
00:12para po sa kasong crimes against humanity of murder and attempted murder.
00:17Batay sa mga iniharap na ebedensya,
00:19organisado ang pagpaslang na nagsimula sa Davao City at pinalawig nationwide
00:24at itinuturing na mastermind si Duterte.
00:28Okay, nakatutok live sa JP Soriano.
00:31JP!
00:34At Vicky, Emil, at Mel, at sa laman nga o laman nga ng mahigit 50-page na dokumento
00:40ang paliwanag ng ICC Chamber kung bakit nila pinayagan na ituloy sa isang full trial
00:46ang kaso na kinakaharap ni dating Pangulong Duterte
00:50at dahil nga dito tuloy na ang kaso at tuloy na ang trial para sa dating Pangulo.
00:59Isang araw, matapos sabi ng Appeals Chamber ng International Criminal Court
01:03na may jurisdiction sila kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
01:07Today, the judges of Pre-Trial Chamber 1 of the International Criminal Court
01:11unanimously confirmed all the charges against Rodrigo Roa Duterte
01:17and committed him to trial before a trial chamber.
01:21Kinumpirma ng Pre-Trial Chamber 1 na may basihan para isa lang sa trial proper si Duterte
01:26para sa crimes against humanity of murder and attempted murder na kinakaharap niya.
01:31There are substantial grounds to believe that Mr. Duterte is responsible
01:35for the crimes against humanity of murder and attempted murder.
01:40These crimes were allegedly committed as part of a widespread and systematic attack
01:45against a civilian population on the territory of the Republic of the Philippines
01:50between the 1st of November 2011 and the 16th of March 2019
01:56in the context of the War on Drugs campaign.
02:01Tatlong counts ng crimes against humanity ng murder at attempted murder
02:05ang haharapin ng dating presidente.
02:08Ang unang count ay nung mayor pa siya nung Davao City mula taong 2013 at June 2016.
02:14Mga umano'y pagpatay ito ng grupong Davao Death Squad,
02:17isang grupo ng mga polis at sibilyan,
02:19ng mga kilalang hitman ni Duterte nung mayor pa siya.
02:22Ang ikalawang count ay mga pagpatay sa mga high value target mula July 2016 and July 2017.
02:29Mga panahong presidente na si Duterte.
02:31Ang ikatlong count ay yung mga umano'y pagpaslang sa mga local barangay clearance operations
02:36o Oplan Tukhang mula July 2016 hanggang September 2018.
02:42Sabi ng Korte, organisado ang pagpaslang na nagsimula sa Davao City
02:45at pinalawik sa buong bansa nung maupo sa Malacan niyang si Duterte.
02:49Si Duterte raw mismo ang mastermind.
02:53The judges made their decision on the evidence and arguments presented by the prosecutor
02:59and the defense during the confirmation of charges which took place in February 2026.
03:05The judges also considered the submissions of the parties and participants,
03:09including participating victims.
03:13The defense and the prosecution are not automatically entitled to appeal to this decision,
03:18but they can request authorization from the pre-trial chamber to do so.
03:23Haharap si Duterte sa paglilitis sa ilalim ng iba't ibang uri ng pananagutan
03:27bilang indirect co-perpetrator dahil sa pagutos, pag-udyo at pagsabwatan sa mga krimen.
03:34Sa ilalim ng Rome Statute, kailangang humarap si Duterte sa mga pagdinig.
03:37Kung sa Korte mismo o via videoconference, malamang pag-usapan niyan sa ICC.
03:43539 na biktima pa rin ang magpa-participate sa pagdinig.
03:47Sina-Attorney Joel Butuyan at Gilbert Andres at Paulina Masida
03:51ng Courts Office of PBIC Council for Victims ang magiging kinatawan nila.
03:55The case will be transferred to a trial chamber composed of three different judges
04:01who will decide on the next steps leading up to the trial.
04:06Trials at the ICC are fair and impartial and the defense will have sufficient time
04:11to prepare its case while respecting the rights of victims.
04:21At sa isang pahayag, natutuwa raw ang Office of the Prosecutor
04:24sa naging desisyon ng pre-trial chamber.
04:26Pinapakita raw nito ang lalim ng investigasyon at malakas na ebidensyang iniharap nila.
04:30Mahalagang yugturaw ito sa pagsisikap nila na isulong ang pananagutan
04:34para sa mga biktima ng umanoy extrajudicial killings sa Pilipinas
04:37noong panahon ng panunungkulan ng dating presidente.
04:41At yan muna ang latest. Balik muna sa inyo.
04:43JP, kasunod ng pagkumpirma ng pre-trial chamber 1
04:48dun sa lahat ng charges laban kay Duterte,
04:51kaila kaya posibleng simula ng pagliliti sa kanya?
04:57Oo, Vicky. Wala, hindi yan nakasaad dun sa mismong desisyon.
05:00Pero ayon kaya ICC Accredited Counsel Gilbert Andres,
05:03isa sa mga common legal counsel na mga biktima o complainant,
05:08meron doon preparation stage na pwedeng abuti ng 6 na buwan
05:12at pwede rin abuti na nga mahigit ng isa't kalahating taon.
05:15Kung matutupad daw yan o kung matutuloy daw yan,
05:17kung 6 na buwan, pwede mag-upisa ang mismong trial
05:21ng October ngayong taon o kaya October ng 2027.
05:25Vicky.
05:26Pwede pa rin bang i-waive ni Duterte ang karapatan niyang humarap sa mga pagdinig?
05:36Walang nakasaad na hindi niya pwedeng i-waive yung kanyang pag-arap
05:39pero nakasaad dun sa desisyon na talagang gusto ng pre-trial chamber
05:43na humarap ang dating Pangulo sa pagdinig na ito.
05:47So, kailangan daw na humarap siya.
05:49Yun yung kanilang exacto nga pag-describe dun sa kanilang desisyon.
05:54Pero kung ito ay i-waive ng dating Pangulo,
05:56ayan ay that remains to be seen pa, Vicky.
05:58JP, ano naman na mangyayari dun sa tinawag na co-perpetrators ni Duterte?
06:03Posible bang maglabas ng arrest warrant ang ICC sa kanila?
06:13Pwede pa rin.
06:37Ayan ay magbibigay o maglalabas ng arrest warrant sa mga umano yung co-perpetrators
06:42o kasabuat, umano ng dating Pangulo, Vicky.
06:45Alright, maraming salamat sa iyo, JP Soriano.
06:49Inasahan na ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
06:52ang kumpirmasyon ng ICC Pre-Trial Chamber 1
06:56sa lahat ng charges laban sa dating Pangulo.
06:59Nakatutok live, si Bon Aquino.
07:02Bon.
07:05Vicky, hindi na raw nagulat ang mga abogado
07:08ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
07:10sa desisyon ng ICC Pre-Trial Chamber 1
07:13na ituloy na ang paglilitis sa mga kasong crimes
07:16against humanity of murder and attempted murder.
07:19Ito raw ay inaasahan ng mangyari.
07:22Sabi ng dating Chief Legal Counsel ni Duterte
07:25na si Atty. Salvador Panelo sa GMA News
07:28kung ebidensya raw ang pag-uusapan,
07:30dismiss na dapat ang kaso.
07:32Pero may ibang konsiderasyon ang nangyari.
07:34Tulad daw ng ipinagpatuloy ng Pre-Trial Chamber 1
07:37ang pagdinig kahit na nakabinbin ang apila
07:39kung may jurisdiction sila.
07:41Ito raw ang dahilan kung bakit inaasahan na niyang
07:44magtutuloy na talaga sa trial proper
07:46ang kaso ng dating presidente.
07:48Halos ganito rin ang tono ng abogado ni Duterte
07:50sa ICC na si Nicholas Kaufman.
07:53Sabi ni Kaufman sa isang text message sa GMA News,
07:57hindi na raw nakakapagtaka ang desisyon
07:59ng Pre-Trial Chamber na base raw sa mga
08:01hindi na patunayang pahayag ng mga
08:03self-confessed murderers na ginawang
08:05cooperating witness, ni hindi raw na suri
08:08ang kredibilidad ng mga witness na ito
08:10sa mga confirmation hearing.
08:12Dahil sa desisyon, magkakaroon na raw
08:14ng ibang katauhan ng mga witness,
08:16gagastusan mula sa International Community Funding,
08:19mula sa Office of the Prosecutor.
08:21Sa paglilitis, patutunayan ng depensa
08:23na ang tinutukoy na patakaran ng Estado
08:26na pagpaslang ay isang ganap na kathang isip.
08:29Ipapakita rin ang depensa na ang ebidensyang
08:31nagmula sa mga testigo ay walang anumang bigat o halaga.
08:36Vicky, patuloy na kinokontakt ng GMA News
08:38ang mga abogado ni dating Pangulong Duterte.
08:41Samantala, ayon naman sa Office of the Vice President,
08:44pagdating sa ICC Matters, si Atty. Kaufman ang sasagot.
08:47Vicky?
08:49Maraming salamat sa iyo, Von Aquino.
08:52Ipinagpapasalamat ng pamilya ng mga biktima
08:55ng extrajudicial killings
08:57ang kumpirmasyon sa lahat ng charges
08:59laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ICC.
09:03Naghahanda na rin ang mga magkakaroon
09:05ng partisipasyon sa paglilitis.
09:07Nakatutok live,
09:08Vicky Santos.
09:10Jamie?
09:14Vicky, walang pagsidla ng tuwa
09:16at pasasalamat ng ilang grupo
09:18matapos ang desisyon ng International Criminal Court
09:21o ICC Pre-Trial Chamber 1
09:24na magtuloy ang paglilitis
09:27kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
09:29Sagot daw ito sa dasal ng libo-libong biktima
09:32ng extrajudicial killings
09:34mula noong mayor ng Davao si Rodrigo Duterte
09:36hanggang maging presidente ito.
09:39Sa isang pahayag
09:40ni na Atty. Joe Butuyan
09:42at Atty. Gilbert Andres
09:43ang mga ICC-appointed councils
09:46ng mga biktima,
09:47sinabi nilang isang malakas na mensahe
09:50sa international community
09:51na ang international justice system
09:53ay gumagana
09:54para panagutin kahit pa
09:56ang isang dating presidente tulad ni Duterte.
09:58Isang pag-asa raw para sa mga biktima
10:01ang desisyon ng Pre-Trial Chamber 1
10:03ng ICC
10:04na nagsabing may substantial grounds
10:06para harapin ni Duterte
10:08ang mga kaso niya
10:09sa isang trial proper.
10:10Sabi naman ni Assistant to Council
10:12Attorney Christina Conti,
10:14ang magkakasunod na desisyon
10:16ng ICC
10:16hinggil sa jurisdiction
10:18at confirmation of charges
10:19ay mahalagang hakbang
10:21na nagbubukas ng daan
10:22para sa paglilitis
10:24sa kasong crimes against humanity.
10:26Tama umano
10:27ang naging hakbang
10:28ng pagdulog
10:28at pagre-reklamo sa ICC.
10:31Ngayong lilitisi na si Duterte,
10:33dapat daw maghanda na
10:34ang mga biktima
10:35para sa kanilang
10:36magiging partisipasyon
10:37sa proseso
10:38at iginiit
10:39ang pangangailangan
10:40ng mabilis na paglilitis
10:41upang mabunyag
10:42ang buong katotohanan
10:43sa mga malaging
10:44na pangyayaring na ganap
10:46noong panahon
10:46ng pamumuno ni Duterte
10:47sa Davao
10:48at sa Kalaunin
10:49sa Malacanang.
10:50Iginagalang naman
10:51ang Malacanang
10:52ang desisyon ng ICC
10:54na kumukumpirma
10:55sa lahat ng kasong
10:56crimes against humanity
10:57laban sa dating Pangulo.
10:59Ayon kay Yuse Claire Castro,
11:01justisya ang kailangang
11:03makamit sa mga kasong ito
11:04at parehong panig
11:06ang makikinabang
11:06sa proseso.
11:07Anya,
11:08justisya para sa akusado
11:10kung mapapatunayang
11:11walang sala
11:12at justisya rin
11:13para sa mga biktima
11:14kung mapapatunayang
11:15nalabag
11:16ang kanilang mga karapatana.
11:18Vicky sabi naman
11:19ang tiyuhin
11:19ni Kian De Los Santos
11:20na isa sa mga biktima
11:22ng Duterte Drag War
11:23na bigla sila
11:24sa desisyon
11:25dahil akala nilang
11:26sa katapusan
11:27pa ito
11:27ng buwan ilalabas.
11:29Natutuwa naman daw sila
11:31at umaasang
11:31magtutuloy-tuloy na
11:32ang paglilitis.
11:34At yan ang latest
11:35mula rito sa Quezon City.
11:36Balik sa'yo Vicky.
11:37Maraming salamat sa'yo
11:38Jamie Santos.
11:39Maraming salamat sa'yo
11:39Maraming salamat sa'yo
11:39Maraming salamat sa'yo
11:40maraming salamat sa'yo
11:41Maraming salamat sa'yo
11:41Goón ma từ
11:42Maraming salamat sa'yo
11:43Maraming salamat sa'yo
11:43So con mi
11:43sub indo
11:43To
11:43Per
11:43In
11:45IIvs
Comments

Recommended