Skip to playerSkip to main content
Naghain ng petisyon sa Korte Suprema ang kampo ni Vice President Sara Duterte para pigilan ang impeachment proceedings ng House Committee on Justice sa susunod na linggo.


Binatikos siya ng ilang miyembro ng Komite, sabay-giit na dapat itong ibasura ng Korte.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Naghain ng petisyon sa Korte Suprema ang kampo ni Vice President Sara Duterte
00:05para pigilan ng impeachment proceedings ng House Committee on Justice sa susunod na linggo.
00:12Binatiko siya ng ilang miembro ng komite, sabay giit na dapat itong ibasuran ng Korte.
00:18Nakatutok si Tina Panganiban Perez.
00:24Kinumpirma ng mga abogado ni Vice President Sara Duterte na naghain sila ng Petition for Certurary and Prohibition sa Korte
00:32Suprema
00:33para pigilan ang impeachment proceedings laban sa bise sa House Committee on Justice.
00:39Pero giit nila, hindi ito nangangahulugang umiiwas ang bise sa proseso, kundi nais lang daw nilang matiyak na naaayon ito
00:47sa konstitusyon.
00:48Natanggap na ng House Committee on Justice ang kopya ng petisyon.
00:52Dito, hiniling ng bise na maglabas ang Korte Suprema ng Temporary Restraining Order
00:58at kalaunan ng injunksyon para pigilang umusad ang dalawang impeachment complaints laban sa kanya.
01:07Unconstitutional daw kasi ang proceedings.
01:09Labag daw kasi ito sa one-year bar rule na nagbabawal sa pag-initiate
01:15ng mahigit isang impeachment complaint laban sa isang impeachable official sa loob ng isang taon.
01:21Ang una at pangalawang impeachment complaints daw ay inihain bago ang February 6, 2026
01:28na siya raw-pech ang sinabi ng Korte Suprema kung kailan pwede na ulit magsampan ang reklamo laban sa bise.
01:36Wala rin anilang tamang referral ng mga impeachment complaints sa komite.
01:42Nang isinantabi rin daw ng House Committee on Justice ang unang reklamo at inatras ng mga complainant
01:49ang pangalawang reklamo, sabi ng kampo ng bise, hindi na dapat inaksyonan ang House Committee on Justice
01:56ang ikatlot-ikaapat na reklamo dahil pasok na raw ito sa one-year bar rule.
02:02Wala rin daw kapangyarihan ng komite na magsagawa ng mini-trial o hearing proper.
02:07Hiling ng depensa, ideklara ng Korte Suprema na void o walang visa at unconstitutional
02:15ang Section 7 at 8 ng Rules on Impeachment ng Kamara.
02:20Sa Section 7, nakasaad na kapag natukoy ng House Committee on Justice
02:25na may sufficient grounds ang impeachment complaints laban sa isang impeachable official,
02:30magsasagawa ay ito ng hearing kung saan may kapangyarihan ng komiting magpatawag
02:36na mga testigo at mangalap na mga ebidensya.
02:40Sa Section 8, nakasaad na maaaring bigyan ng Kamara ng proteksyon
02:45ang isang complainant o testigo sa impeachment proceedings.
02:49Binatikos ng ilang miyembro ng House Committee on Justice ang petisyon.
02:54Dapat daw itong ibasura ng Korte Suprema.
02:57Kabalbalan yan dahil nasa konstitusyon mismo yun.
03:01Na sinasabi na pagkatapos ng finding ng sufficient grounds
03:07ay mag-i-hearing ang Committee on Justice.
03:12Nasa konstitusyon mismo yun.
03:14Paano'ng ke-questionin sa Korte Suprema ang konstitusyon mismo?
03:19So, kabalbalan talaga at dapat kagyat na ibasura.
03:23Hindi totoo na wala ho nga valid referral kasi nakita ho ng publiko,
03:28nakita ho ng bayan na ang plenaryo po mismo ng Kongreso
03:32ang nag-refer sa House Justice Committee noong pong apat na impeachment complaints.
03:36Yung one-year bar rule, hindi yun po?
03:40O yun, pangalawang panlilin lang na naman po sa mga kababayan po natin yun.
03:45Kasi una sa lahat, yung pong one-year bar rule, umira lang po yun pagkampo meron na po nga referral
03:51mula sa plenaryo papunta po sa House Committee on Justice.
03:56Ang House Committee on Justice tuloy lang sa trabaho.
03:59Hanggat walang temporary restraining order mula sa Korte Suprema,
04:03wala raw dahilan para hindi nila gawin ang kanilang mandato.
04:07Katunayan, nagpalabas ang House Committee on Justice ng subpina
04:12kay Securities and Exchange Commission Chair Atty. Francis Edrelin Lim
04:17na pinahaharap sa April 14 hearing ng komite.
04:21Pinagsusumite rin siya ng mga dokumento ng sampung kumpanyang konektado umano sa BICE
04:27at sa asawa nitong si Atty. Manassez Carpio.
04:30Sinabpina rin si Philippine Statistics Authority Undersecretary Claire Dennis Mapa
04:35at pinagsusumite ng original copies ng birth, marriage at death certificates
04:41ng mga inilista ng Office of the Vice President at ng DepEd na tumanggap ng confidential funds.
04:49Formal na rin sumulat ang komite kay Manila Regional Trial Court Presiding Judge Alma Crispina Colliado La Corte
04:57para payagang tumestigo sa hearing sa Kamara si Ramil Madriaga
05:02na nagpakilalang dating aid at umanibagma ng BICE.
05:06Si Madriaga ay kasalukuyang nakaditine dahil sa kasong kidnapping.
05:10Ang hiling ng komite pinagbigyan ng korte.
05:14Ramil Madriaga has been ordered to appear by the court itself on the 14th from 8am to 5pm.
05:22Ang Supreme Court, kinonsolidate ang mga petisyon ni Vice President Duterte
05:28at ni Atty. Israelito Torion at iba pang abogado.
05:32Inutusan din ng Korte Suprema ang House Justice Committee
05:36na sumagot sa mga petisyon sa loob ng sampung araw
05:40pero wala pang inilabas na TRO.
05:43Tina Panganiban Perez, Nakatutok, 24 Horas.
05:52Tina Panganiban Perez, Nakatutok, 24 Horas.
Comments

Recommended