00:00Nasusunog pa rin ang tambakan ng basura sa Navotas na nagsimulang magliyab nitong biyernes ng gabi.
00:06Tuloy rin ang pagkalat ng usok nito na umabot hanggang ibang bahagi ng Metro Manila at Katabing Bulacan.
00:14Nakatutok si Jonathan Andal.
00:19Tatlong araw na pero hindi pa rin tuluyang naaapula ang apoy sa nasusunog na sarado ng sanitary landfill sa Navotas.
00:25Ang usok mula sa sunog sa landfill hanggang kanina nagdulot ng smog at pulusyon sa malaking bahagi ng Maynila pati
00:32na sa Quezon City at Bulacan.
00:34Hindi pa matukoy ang pinagmula ng apoy dahil nagpapatuloy pa ang investigasyon.
00:38Pero isa sa iniimbestigahang rason ng Bureau of Fire Protection, ang init ng panahon.
00:42Pagalitong mga organic waste decomposed ay nagregenerate ito ng methane gas kaya sa init ng panahon.
00:51So pwede nga spontaneous combustion, isang kadahilanan yun.
00:55Ibig sabihin walang other source of ignition, kundi yung mismong spontaneous combustion ng chemical reaction.
01:01Isa yan sa pwedeng kinukonsider natin sa dahilan ng sunog.
01:05Pero again, nasconclusive pa dahil magsasagawa pa tayo ng extensive fire investigations.
01:13Hindi raw iiwan ng BFP ang 41 hektaryang landfill hanggat hindi tuluyang naaapula ang apoy roon.
01:20Kahit pa ang ilan sa kanila, lumulubog at nalulusaw na raw ang mga bota sa tindi ng init ng mga
01:25basura.
01:26Hinahalupay yung mga deep-seated fire dahil basura yun at sinususugan ng mga fire hoses natin coming from the six
01:37fire trucks at iba pa yung mga portable pump na direct na nagpa-pump from seawater.
01:43Sabi ni Navotas Mayor John Ray Tiyanko na iwasan sana ang sunog na ito kung hindi ito basta inabandonan ang
01:49dating operator ng Navotas landfill na Fileco o Philippine Ecology Systems Corporation na nagtapos ang kontrata roon nitong December 2025.
01:57Iiwan niya yung basura po niyan, magaya niyan, lalo na pag summer sobrang init, may mga maraming plastic po dyan,
02:08makakaroon ng rubbish fire, pero kung sana nagawa yung closure baka hindi ganyan.
02:16Sa ilalim ng batas, inuobliga ang mga operator ng sanitary landfill na bago tuluyang umalis, gumawa muna ng safe closure
02:23and rehabilitation plan kung saan kailangan muna nilang tabunan ng lupa ang mga basura, taniman ng halaman at lagyan ng
02:30gas ventilation gaya ng tubo ang ilalim ng mga basura para hindi matrap ang mga gas gaya ng methane na
02:36posibleng pagmula ng sunog o pagsabog.
02:38Sabi ng ENBO, Environmental Management Bureau ng National Capital Region, nagtabo naman ng lupa roon ang Fileco, pero hindi nila
02:47tinapos.
02:49Nag-start lang ng soil cover pero hindi nga tinapos. Nag-back out and stand abandon sila. Kasi nag-pull
02:56out sila ng mga equipment doon sa site.
02:59Under RA 9003 at under din po doon sa kanilang ECC conditions, dapat six months prior to the cessation ng
03:08operation ng landfill, nakapag-submit na sila ng safe closure plan.
03:13Sinitaraw yan noon ng EMBNCR pero nagmatigas raw ang Fileco. Matapos ang sunog sa landfill, pinag-iisipan na ng gobyerno
03:20na sampahan ang Fileco ng mga reklamong administratibo, kriminal at sibil.
03:24Kanina naglabas ng pahayagang Fileco, sinisisi nila ang San Miguel Aero City Incorporation, ang kumpanyang gumagawa ngayon ng New Manila
03:32International Airport sa Bulacan.
03:34Pinaalis daw kasi ng San Miguel ang mga tauhan at mga gamit ng Fileco sa Navotas landfill noong Pebrero sa
03:40visa ng writ of possession at notice to vacate, nadala noon ng sheriff.
03:44Nag-ugat daw ito sa expropriation order na inilabas ng korte mula sa condemnation case na isinampan ng San Miguel
03:51Aero City laban sa Fileco.
03:52Pero bago daw sila pinaalis, nasimulan naman na raw ng Fileco ang safe closure and rehabilitation plan doon na alam
03:59naman daw ng San Miguel at ng Navotas LGU.
04:02Sinubukan naming hinga ng komento rito ang San Miguel pero wala pa silang tugon.
04:05Kanina may binuon ng task force ang iba't ibang ahensya ng gobyerno na tututok sa Navotas landfill para hindi na
04:11maulit ang sunog doon.
04:12Sabi ng EMB, tatapusin na ang safe closure and rehabilitation plan sa landfill pero kung sino ang magpupondo niyan, hindi
04:19pa alam sa ngayon.
04:20Jonathan Nandala, Nakatutok, 24 Horas.
Comments