00:00Dinepensahan ni Congressman Toby Tianko ang ehekutibo matapos itong banggiti ni dating Speaker Martin Romualdez bilang mas may responsibilidad sa
00:10budget na nakitaan umano ng anomalya.
00:13Ang sabi ni Tianko, sa Kongreso nagsimula ang bentahan ng proyekto noon. Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
00:23I will not go quietly and I will not go alone. I will not be the fall guy for other
00:29people's corruption.
00:30Sa mga palabang pahayag ni dating House Speaker Martin Romualdez kahapon para pabulaanan ng aligasyong siya ang mastermind sa budget
00:38insertions at anomalya sa flood control projects, meron daw na amoy si Navotas Representative Toby Tianko.
00:45Hindi naman siguro coincidence na biglang nahuli si Saldico at tapos nagkataon doon siya nagsalita.
00:57Sabi ni Romualdez kahapon hindi siya kundi si na dating Senate President Cheez Escudero at dating House Appropriations Committee Chairman
01:05Saldico ang gumawa ng mga desisyon noon hinggil sa budget.
01:09Binanggit din Romualdez na mas may responsibilidad sa budget ang ehekutibo na pinamumunuan naman ng kanyang pinsang buo na si
01:18Pangulong Bongbong Marcos.
01:20Wala pang tugon dyan si na Escudero at ang palasyo. Pero sabi ni Tianko,
01:25Yung corruption nagsimula doon sa bentahan ng projects. At ang nagbebenta ng proyekto noon is si Saldico.
01:36Hindi pa umaabot yung budget sa executive. Binabayaran na sila basa't napasok nila yung item na yun.
01:47So doon nagsisimula yung corruption. Hindi po doon sa executive.
01:52Makakapagbenta ba si Saldico ng proyekto nang hindi niya nalalaman?
01:57Diba yun yung number one question eh. Ibig sabihin, sa laki-laki ng mga binenta ni Saldico mga proyekto,
02:04siya lang ang gumawa noon at hindi alam ni Speaker yun.
02:09May patama si Romualdez kay Tianko na Vice Chairman Aniya ng Appropriations Committee sa Kamara noon na karaang Kongreso.
02:16So I have to ask, if there were real concerns about irregularities in the budget process,
02:22why were these not formally raised during the deliberations or even during the plenary?
02:27Sagotit Tianko, pinagbawalan o manong magtanong ang mga miyembro ng majority noon.
02:32Pinuna naman daw niya ang pagbuo ng small committee sa ilalim ng liderato ni Romualdez,
02:37ang small committee na kinabibilangan ni Ko, ang sumasala sa individual amendments o mga naisbaguhin ng mga mambabatas sa budget
02:46matapos itong pumasa sa second reading.
02:49Ang nakakapagtaka kasi doon sa small committee nung may practice, walang minutes of meeting yan.
02:55Walang committee report. Diba yun yung tinatanong ko this budget, diba?
03:00Wala. So bilang speaker, bakit hindi niya sinigurado na may committee report yun at may minutes of the meeting?
03:10Kung tutuusin, ehektotibo lang ang binanggit ni Romualdez at hindi ang mismong Pangulo.
03:15Pero ayon kay dating Integrated Bar of the Philippines President,
03:19Atty. Domingo Cayosa, hindi ganap na makaiiwas ang Pangulo.
03:24Sa dokumento, pinirmahan niya. Ang presumption, dahil presidente siya at ang dami niya mga sekretary, mga abogado, e dapat bago
03:36niya pinirmahan, sinuri niya.
03:37Sabi naman ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Panfilo Lacson,
03:41hindi pa baba sa dalawang pagkakataon na ang ibinigay nila kay Romualdez para under oath niyang maitangging mastermind siya
03:49sa malaking pagbabago sa 2025 national budget.
03:53Hindi raw niya ito ginawa noon.
03:56Sinusubukan namin kunid ang panig ni Romualdez.
03:59Sandra Aguinaldo na Katutok, 24 Horas.
Comments