Skip to playerSkip to main content
Halos P20/L ang taas-presyo na nakaambang ipatupad sa diesel sa panibagong mega oil price hike ngayong linggo. Nagkakasa na ang isang grupo ng mga driver at operator ng transport holiday.


Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Halos 20 piso kada litro ang tas presyo ng nakaambang ipatupad sa diesel sa panibagong Mega Oil Price Hike ngayong
00:06linggo.
00:07Nagkakasanah ang isang grupo ng mga driver and operator ng transport holiday.
00:11Saksi, si Salim Arefna.
00:16Sa ikalimang sunod na round ng Mega Oil Price Hike, hanggang 19 pesos and 80 centavos kada litro ang itataas
00:23sa presyo ng diesel bukas.
00:24Hanggang 5 pesos and 90 centavos kada litro naman para sa gasolina.
00:28Ang kerosene hanggang 9 pesos and 10 centavos kada litro ang itataas.
00:34Oras na maipatupad yan, ang presyo ng pinakamahal na diesel sa NCR papalo na sa mahigit 170 pesos per liter.
00:42Ang pinakamahal na gasolina sa NCR aabot na sa halos 120 pesos kada litro.
00:48Ang pinakamahal na kerosene aabot na sa 178 pesos per liter.
00:53Kaya maraming tsupera nangangamba sa patuloy na paglobo ng mga presyo ng petrolyo.
00:57Ngayon lang ang mahirap eh.
01:00Ano na yung anak buhay namin, di na kami makapag-bounderin yan.
01:05Ito, pang-diesel lang ito talaga isang ikot.
01:07So ang mangyayari sa amin bilang isang jeepney driver, kung babiyahe kami or hindi, ganoon na lang ang mangyayari.
01:15Nagbabalak naman ang isang samahan ng mga transport driver at operator sa bansa na magpatupad ng malawakang transport holiday.
01:22Yung holiday po dahil wala na pong kinikita, titigil na po, wala nang bibiyahe dahil nga wala na pong ang
01:28kinikita.
01:29Maaari raw umabot sa milyong-milyong pampublikong sasakyan sa buong bansa ang lumahok dito.
01:35Kabilang dyan ang mga jeep, bus, UV express, tricycle truck at motorcycle taxi.
01:41Kaya kami ngayon, maghahanap ng trabaho kahit kalpintero, magtulak ng kariton, magtinda ng gulay, isda, papasukin na namin.
01:52Dahil hirap na hirap na po lahat ng public transport sa buong Pilipinas.
01:56Ang driver-operator na si Artemio, ngayon pa lang hindi na bumabiyahe.
02:01Kaya sana, ang solusyon siguro tatasan po natin na pumasahe.
02:05Kasi kung magtataas ang diesel, ang aming kinikita, mapunta lang sa gasolinahan.
02:11Sa Tuguegaraw City, may isang gasolinahan na limitado sa 3,000 pesos ang pwedeng ipangarga kada sasakyan.
02:17Ayon sa namamahala rito, ito'y para maiwasan ang pag-uhoard ng mga petrolyo.
02:22Ayon sa Malacanang, nakipagpulong na si Pangulong Bongbong Marcos sa Development Budget Coordination Committee.
02:28Kasama na po rito ang measures on fuel excise taxes.
02:32Nito po nakaraang huliwig.
02:34At nag-formulate na po sila ng kanyang rekomendasyon.
02:38Bukas, nakadakda ulit makipagpulong ang DBCC kasama ang Pangulo para isumiti ang kanilang mga rekomendasyon.
02:45Sa ilalim ng RA 12316, may kapangyarihan ng Pangulo na pansamantalang bawasan o tanggalin ang excise tax.
02:53Pero posibleng sa susunod na linggo pa ito maipatopad dahil labing limang araw ang kailangang lumipas bago ito maging ganap
03:00na batas.
03:01Ano pa bang hinihintay ng Malacanang?
03:03Ang hinihintay lang naman natin is a temporary relief.
03:06Ang nais lang ng taong bahay, simple.
03:07Kung nagmamahal ang kabuhayan namin dahil sa petrole, yung kababain niya yan.
03:12And the best step is, tanggalin muna, temporarily, yung buis.
03:17Ayon kay Senate President Pro Tempore Sen. Ping Lakson, matagal pa bago maramdaman niya ng mga Pilipino.
03:23April 12 magiging effective yung batas.
03:26So starting April 12, imamonitor nila.
03:29Dahil lang nasa batas one month, May 12 pa lang sila pwede mag-mip yung DBCC para gumawa ng rekomendasyon.
03:36So baka hunyo na ito, maramdaman ng ating mga kababayan.
03:41Inaasahan makakadulot ng kontinggenhawa ang hinihintay na pagtatanggal o suspensyon ng excise tax.
03:486 na piso maaring mawala sa diesel at 10 piso naman sa gasolina.
03:53Bukod sa petrolyo, may taas presyo rin sa LPG.
03:56Ang Regasco nag-anunsyo ng dagdag na 16 peso sa kada kilo ng LPG o kaya 176 peso sa kada
04:0311 kilo tank.
04:04Sa ngayon, nasa 1,488 pesos hanggang 1,600 pesos ang kada 11 kilo LPG ng Regasco sa Luzon.
04:14Pinangangambahan naman ni Sen. Wyn Gansalian na magkaroon ang kakulangan sa LPG supply sa bansa.
04:20For LPG nga, in 33 days wala ka ng LPG. So it's very hard for businesses.
04:24Nababahala ko dahil until now, hand-to-mouth pa rin ang supply natin.
04:29Para sa kanya, pwede nang gamitin ng Pangulo ang kapangyarihan niyang mag-price freeze kung sakaling mas tumaas pa ang
04:35presyo ng LPG.
04:37Ang LPG is a basic commodity.
04:40Lahat ng restaurants, lahat ng mga karindiria, small businesses, gumagamit ng LPG.
04:46Pati laundromat pala, gumagamit ng LPG rin.
04:49So maraming negosyo. In other words, maapektuhan kung biglang tumaas ang presyo ng LPG.
04:54Ako si Salima Refraha ng inyong sexy.
Comments

Recommended