00:00Dahil sa baha, kailangan pang tumulay sa mga nicho ang ilang dumadalaw sa isang sementeryo sa Hagonoy, Bulacan.
00:06At nakatutok nun live, si Jamie Santos.
00:11Jamie?
00:15Pia habang dagsa ang tao sa maraming sementeryo ngayong undas,
00:19kakaunti lamang yung nakadalaw sa ilang sementeryo dito nga sa Hagonoy, Bulacan.
00:23Dulot yan ang baha sa ilang sementeryo.
00:28Hanggang hita at bewang ang baha sa ilang bahagi ng Hagonoy Memorial Park sa barangay Santo Niño.
00:34Lubog ang mga puntod, ang mga musuleyo hindi mapuntahan.
00:39Sabi ng ilang residente, may mga nailipat ng labi sa ibang sementeryo,
00:44pero may mga nananatili pa roon, kaya ang mga kaanak nila sa labas na ng sementeryo nagtulos ng kandila.
00:51Bahari ng problema sa Peralta Public Cemetery sa barangay Sebastian.
00:55Hirap tuloy sa pagtawid ang mga dadalaw sa mga puntod.
00:59Nakasuot ng waiter ang iba para makaiwas sa sakit na nakukuha sa baha.
01:03Kahit po ganito pa rin yung sitwasyon, wala pa rin pagbabago last year. Mahirap baka madulas.
01:09Ang iba, umiwas sa baha.
01:11Sa pader at sa mga nicho umakyat imbes na sa entrada ng sementeryo.
01:15Kailangan pa namin tumaluntalon sa mga nicho para lang makapunta.
01:18Yung tatay ko medyo matampuhin yan.
01:20Pag di namin nadalaw, baka kami yung dalawin sa bahay.
01:27Pia, may ilang hindi na tumuloy sa pagbisita sa kanilang mga namayapang mahal sa buhay dahil sa baha.
01:32At yan ang latest mula rito sa Hagonay, Bulacan. Balik sa'yo, Pia.
01:36Maraming salamat, Jamie Santos.
01:44Spooky but make it classy ang peg ng ilang kapuso at sparkle stars sa isang Halloween party.
01:51Literal backstabbing ang white couture ni Heart Evangelista.
01:55Sa likod kasi ng kanyang flawless o OTD ay may criminally studded bloody red crystals at plastic knives.
02:03God gave us an angel sa charming at angelic costume ni Alden Richards.
02:09Malaglam scare este jam scare din ang looks ng kapuso artists who ditched the simplicity of Halloween.
02:18Nag-ala cyclopes naman ang host ng event na si Tim Yap.
02:23Sa Hollywood, supermodel Heidi Klum delivered as usual sa kanyang 25th Halloween party.
02:30Let's give a big hand to her spooky wear, ang higanting versyon ng putol na kamay.