- 19 minutes ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Hindi raw 24 oras na natiri sa kulungan ang personal assistant ni Congressman Martin Romualdez ayon sa warden ng New
00:08Quezon City Jail.
00:10Kahapon, kabilang sa mga ininspeksyoan ng mga mahistrado ng Sandigan Bayan, ang kulungan ni Romualdez.
00:16Balitang hatid ni Maki Polino.
00:21Para matiyak kung nasusunod ang initial commitment order ng Sandigan Bayan na hindi maaaring ilabas ng kulungan si dating Speaker
00:28Martin Romualdez nang wala nitong utos,
00:31mismo ang mga mahistrado ng graft court ang nag-inspeksyon sa New Quezon City Jail.
00:36Gusto rin nilang matiyak kung nasusunod ang mga regulasyon sa nasabing detention facility ng Bureau of Jail Management and Penology
00:43o BJMP.
00:44Selda ni Romualdez ang isa sa mga ininspeksyon ng mga mahistrado, pero di na ito pinakuhanan sa media.
00:51Tinignan rin nila ang CCTV recording system.
00:54Nang muling humarap sa korte si Jail Superintendent Maria Lourdes Passion,
00:59inamin niyang hindi kumpleto ang recording ng movement ni Romualdez dahil napatungan na umano ang ibang bahagi.
01:06Nataranta rin lang daw siya nang sabihin itong Huwebes sa korte na may personal assistant o PA ang dating speaker
01:12sa loob ng kulungan.
01:14Nakalistang bisita raw ang nabanggit niyang PA.
01:17Nasa visitor's area lang at umaalis-umano pag tapos na ang oras ng bisita.
01:21Sumasalang din daw ito sa security screening.
01:24Paglilinaw pa niya, hindi ito 24 oras sa kulungan pero 24-7 na on-call.
01:30Nagihintay lang umano ito sa labas ng kulungan kung tapos na ang visiting hours.
01:34Gingit ng jail warden, wala siyang nilabag na regulasyon ng BJMP.
01:38Inaprobahan niya ang request ng mga abogado ni Romualdez na ilistang bisita si De Guzman
01:43dahil sa epekto ng mga iniinom na gamot ng kongresista.
01:48Matagal ng personal assistant ni speaker.
01:51So, siya nakakaalam talaga ng mga medicines and all of that.
01:55Kaya, and of course, yung diet ni speaker, siya rin nakakaalam.
02:00Matagal na niyang katulong yan.
02:02So, yun ang logical sa amin, sa akin, na pasamahan si speaker at that time.
02:10Sa pahayag ng korte na binasa ni Atty. Dennis Pulma, Executive Clerk of Court,
02:15sinabi nitong wala pang kontlusyon ang korte.
02:18At this stage, we would like to clarify that it's premature to announce any findings or conclusions.
02:25Makipuli doon nagbabalita para sa GMA News.
02:34Bagong career high ranking para kay Pinay tennis star Alex Iyala.
02:37Mula sa rank 17, umakyat ng dalawang spot si Alex at ngayong world number 15 na sa Women's Tennis Association
02:43Rankings.
02:44Kasunod yan na naging laban niya sa Hong Kong Tennis Open kung saan nakakuha siya ng 163 ranking points.
02:50Nagsimula ngayong taon si Alex sa world number 53 bago makapasok sa top 20 at umabot sa world number 15.
03:02May health update sa Miss Universe Philippines 2023, Michelle D.
03:07Sumailalim siya sa emergency surgery matapos niyang makaramdam ng severe abdominal discomfort habang papunta sa isang photoshoot.
03:16Ayon sa report ng GMA Entertainment,
03:18Nang dalhin sa ospital, nakitaan siya ng multiple stones na nakabara sa kanyang appendix kaya isinailalim siya sa appendectomy.
03:27Tagumpay ang naging procedure at patuloy na nagpapagaling si Michelle.
03:31Sa Instagram, nagshare siya ng photos habang nasa ospital at nagpasalamat sa well wishes sa kanyang operation.
03:39Get well soon, MMD!
03:45Saku-sakong agricultural products na walang kaukulang dokumento ang nasabat sa Valenzuela.
03:50May ulat on the spot si Oscar Oida.
03:53Oscar?
03:54Yes, Tony, may gitnamang daang milyong pisong halaga ng pinaniniwala ang smuggled agricultural products.
04:00Ang nasabat ng Bureau of Customs at NBI sa isang warehouse dito sa Valenzuela.
04:05May mga munggo, mani, luya, pero ang pinakamarami ay pulang sibuyas na aabot umano sa 99,000 na sako.
04:14Natunto ng nasabing warehouse base informasyong nakalap ng NBI na may hinukord na mga produkto sa nasabing imbakan.
04:21At nang siya sa atin ay wala umanong may pakitang kaukulang dokumento at permits.
04:25Hindi pa malinaw kung paano at kung kailan na ipasok sa bansa ang mga nasabing produkto na galing umanong China,
04:32Argentina, Australia, Indonesia, Myanmar, at Egypt.
04:37Hindi pa tinatukoy ang mga personel na nasa likod dito, pero ayon sa BOC ay naharap sila sa kasong paglabag
04:43sa Anti-Agricultural Economic Stabotage Act.
04:46Connie?
04:47Maraming salamat, Oscar Oida.
04:53Umaasa ang Department of Economy Planning and Development na magpapatuloy ang pagbaba ng presyo ng petrolyo,
04:59pati ang pagsigla ng ekonomiya ngayong magpapasko dahil sa mataas na consumer spending at remittances ng mga OFW.
05:06Balita nga tindi, Ivan Mayrina.
05:11Sa monitoring ng Department of Agriculture o DA, nagmahal na ng 20% ang mga lowland vegetables o yung mga
05:18hindi galing sa kordilyera.
05:19Nagmahal din ang karat sa tripolyo.
05:22Pero normal lang daw yan, ayon sa DA.
05:24Seasonal po, usually historically po talaga, medyo ang ating mga presyo talaga ng gulay, medyo may mga ganyan po talagang
05:34alahon na medyo may pagtaas, may pagbaba.
05:38Depende po kasi kung pahon po niya o hindi.
05:41At the same time po, of course, yan, papalapit na po ang Pasko, may mga talagang minomonitor po talaga tayo
05:47dahil mga ingredients usual yan ng Noche Buena.
05:49So nakakamonitor po tayo ng medyo pagtaas dyan. Ngunit sinasabi po namin na ito ay normal po ito.
05:57Dito Oktobre pa lang, bumalis na sa 7.8% ang pagmahal ng mga bilihin at serbisyo sa pinakahuring datos
06:03ang Philippine Statistics Authority o PSA.
06:06Ang pangunahing dahilan, ayon sa Department of Economy, Planning and Development o Dep-Dev, ang mga pangyayari sa labasang bansa
06:12at hindi lang Pilipinas ang apektado.
06:14Ang pinakamataas po na contributor to this inflation is really yung transport cost, tapos itong Oktobre kasi pumalo na rin
06:25po yung mga fair hike natin.
06:27This is also related to yung sa fuel prices dyan, tapos yun sa electricity.
06:33Sa lahat po ng mga bansa na tawag natin yung oil-importing countries, nandun po talaga yung negative na effect.
06:42Kasabay ng paglobo ng inflation ang pagbagal sa gross domestic product o GDP sa 2.1%.
06:50Yan po ang kabuan ng halaga ng mga produkto at serbisyo sa bansa noong third quarter ng 2026 at mas
06:57mabagal yan sa 2.4% na naitala noong second quarter.
07:02Pero bumagal man, positive pa rin naman daw yan, ayon sa Dep-Dev.
07:06Ang halaga ng piso noong 2018, katumbas na lang ng 75 centavos ngayon ayon sa Dep-Dev.
07:13Pero bumilis din naman umano ang kita ng mga Pilipino.
07:16Ang isa po kasing titinan din natin is kung nagkaroon ng pagtaas naman sa income ng mga tao.
07:24Kasi kung dapat kasi mas mataas yung pagtaas, mas mabilis yung pagtaas ng income, kesa isa yung pagbilis ng pagangat
07:35ng mga presyuhan.
07:37Nakita nga natin 2.1% at slowdown tayo.
07:40So it's still positive. And ito po, in real terms po ito eh. Kasi ibig sabihin nun, kinonsider na natin
07:48yung pagtaas ng mga presyuhan doon.
07:52So nagkakaroon pa rin naman po ng real.
07:56Umaasa ang Dep-Dev na magpapatuloy ang trend na pababa ang presyo ng produktong petrolyo sa world market at masundan
08:02ang mga rollback.
08:03Inaasahan ding mabubuhayan na ekonomiya ngayong magpapasko sa pagdating ng mga padala ng mga OFW
08:09at mas mataas sa consumer spending o paggasa sa mga Pilipino dahil sa Pasko.
08:14Ivan Mayre na nagbabalita para sa GMA News.
08:18Sa November 14 na ang Coronation Night ng Ginang Filipinas International 2026
08:24naggagawin sa Las Vegas, Nevada sa Amerika.
08:28Maglalaban-laban ang Pinay na ina, missys, solo parent at caregivers
08:33mula sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas at Amerika.
08:37Isa sa mga lalahok si Ray Jinta ng Cebu City,
08:40ang grand winner ng Ginang Filipinas Philippines 2026 nitong Oktubre.
08:45Big winners din ng Ginang Filipinas Philippines Pageant,
08:49si Jodeline Damaso na tubong San Marcelino Zambales bilang Ginang Filipinas World.
08:54Si Roseanne Caneda Dumlao mula Olongapo City,
08:58ang Ginang Filipinas Globe.
09:00Si Andrea Gutierrez mula Zambales na Ginang Filipinas Tourism.
09:05Si Caroline Seco mula Abra ang Ginang Filipinas Supranational.
09:09Si Mylene Felfernig ng Quezon City,
09:13ang Ginang Filipinas Transcontinental.
09:16Si R. Marie Abrigo mula Bulacan,
09:18ang Ginang Filipinas Elite.
09:20At si Jacqueline Pascual Jensen mula Ilocos Norte,
09:23ang Ginang Filipinas Philippines Ambassador 2026.
09:26Kabilang sa judges ng Ginang Filipinas Philippines,
09:30si na GMA Vice President for Corporate Affairs
09:32and Communications Angela Javier Cruz.
09:35At Miss Universe Philippines 2019 at Red Crown star,
09:39Gazzini Ganados.
09:40Official media partner ng Ginang Filipinas,
09:43ang GMA Pinoy TV, GMA Live TV,
09:46at GMA News TV.
09:50Wrong one, Duterte.
09:55Kiniling ng defense team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
09:58sa International Criminal Court,
09:59natanggalin ang dalawang witness laban kay Sen. Ronald Bato de la Rosa.
10:04Ayon sa depensa, walang direct knowledge
10:06ang dalawang testigo sa pag-indesisyon tungkol sa drug war
10:10maging isa kung papaano ginawa ang mga desisyon.
10:13Nakaangkla lang daw ang ilang alam ng dalawang testigo sa hearsay,
10:17press articles at esbekulasyon.
10:19Nito ang October 26,
10:21hiniling ng prosekusyon na isama ang mga testimonya
10:24ng dalawa laban kay de la Rosa.
10:27Lamang daw ng kanilang testimonya tungkol sa listahan
10:29kumanon ng drug personalities
10:31at killing quotas at financial rewards.
10:35November 30, nakatakdang simula ng ICC
10:38ang pagliliti sa kasong crimes against humanity
10:41laban sa dating Pangulo.
10:50Sa day 41 ng impeachment trial
10:52ni Vice President Sara Duterte,
10:54iniharap na ng defense team
10:55ang ikalawang witness nila ngayong umaga.
10:57May ulat on the spot si Ian Cruz.
11:00Ian?
11:04Yes, Rafi, bago nga sumalang
11:06yung ikalawang witness ng defense team,
11:09ay nagmanifest muna si Sen. Judge Tito Soto
11:12na maaaring magkaroon ng penalties at sanctions
11:15ang mga tao na magsisinungaling sa impeachment court.
11:20At ayon nga kay Presiding Officer Jesus Scudero,
11:24maaaring masubject to contempt
11:26ng impeachment court ang magsisinungaling
11:28dahil ang testimonya na mga witness ay under oath.
11:32Tinawag naman na nataguday ni Sen. Judge Ping Lakson
11:36ang day 40 ng impeachment trial.
11:38Kaisa raw siya sa manifestation ni Sen. Judge Soto.
11:41Sabi ni Lakson, sana raw ay hindi na maulit
11:43ang klase ng testimonya ni Engineer Jaime Adalin
11:46ang Davao City Assessor sa office kahapon.
11:49Mumisi at tumama daw kasi si Adalin
11:51at tila kinut siya pa nga ang impeachment trial
11:54matapos nga ang ilang tanong sa kanya.
11:57Sabi ni Lakson, dapat hindi maulit
11:59ang mga ganitong demeanor ng testigo.
12:02Sabi rin niyang presiding officer
12:03na wala pang naisusumite na list of property
12:06sa pag-aari.
12:07Hina-attorney man na si Scarpe
12:08at VP Sara Duterte si Engineer Adalin.
12:10Batay ito sa request kahapon
12:12ni Sen. Judge Bam Aquino
12:14at Sen. Judge Risa Ontiveros.
12:16Hindi pa rin na ibigay ni Adalin
12:18ang travel agency na binabanggit niya
12:19patungkol sa biyahe sa China
12:21na nirequest naman ni Sen. Judge Rafi Tulfo.
12:24Inatasan ni Escudero
12:26na makapag-ugnayan ang cleric court
12:28kay Engineer Adalin
12:30at kapag hanggang bukas
12:31ay hindi pa ito nakumplay,
12:32makakaroon na raw ng karampatang aksyon
12:34ang impeachment court.
12:36Ang ikalawang witness ng depensa
12:38ay si Engineer John Kenneth Enumerables
12:40ng Samal Island sa Davao.
12:42Dala niya ang mga transfer certificate of title
12:45sa lupa ni Atty. Manas Escarpio
12:46sa Matanos, Samal
12:47na mahigit P270,000
12:49ang assessed value
12:51at nasa P2.7 million
12:52ang market value.
12:54Pati na ang property
12:55ng Mr. Nambise
12:56sa barangay sa Nisidro, Kaputian,
12:58Samal
12:58na mahigit P346,000
13:00ang assessed value
13:02at market value
13:03na P4.9 million.
13:04Sinabi naman ni Atty. Benjamin Tolosa
13:07ng prosecution
13:07na handa nga sila magstipulate
13:09na nasa Sal Nang Bise
13:11noong 2019
13:12ang property
13:12sa Matanos, Kaputian, District Samal
13:14sa ilalim ng pangalan
13:15ni Atty. Manas Escarpio
13:17at ang assessed value nga nito
13:18ay mahigit P270,000
13:19magigit P4 million
13:21ang acquisition cost
13:22at may P2.7 million
13:24na fair market value.
13:26Nasa 2020, 2021
13:28at 2022
13:29Sal N din daw ito
13:30ng Bise Presidente
13:32nagstipulate din
13:33ang prosecution
13:34na nasa 2023, 2024
13:36at 2025
13:37Sal Nang Bise
13:37ang property
13:39sa barangay
13:39Matanos
13:40ng assessed value
13:41ay mahigit P349,000
13:43acquisition cost
13:44na P4 million
13:45mahigit
13:46at mahigit P4.9 million
13:48ang market value.
13:50Nang tanongin
13:50ni Atty. Lindon
13:51bakwel ng depensa
13:53sinabi ni Inumerables
13:54na basis sa assess
13:55at market value
13:56ay tumutugma naman daw
13:57ang mga property
13:58na nakalista
13:58sa Sal Nang Bise
14:00pero sa cross-examination
14:01ni Tulosa
14:02sinabi naman ni Inumerables
14:03na hindi siya certain
14:05kung ang mga property
14:06nga na nabanggit
14:07ay ang nakalagay
14:08sa Sal Nang Bise
14:09Presidente.
14:11Isa pa
14:11sa mahabang ang pinag-usapan
14:12ay ang address
14:13ng isa sa mga property
14:15sa barangay Matanos
14:15gayong wala naman daw
14:16ganong barangay
14:17sa Samal Island.
14:18Sa isang ambush interview
14:19naman bago ang day 41
14:21ng impeachment trial
14:22inihayag ni
14:22Presiding Officer
14:23Cheese Escudero
14:24na hindi pa niya
14:25masabi kung kailan
14:26eksakto matatapos
14:28ang impeachment trial
14:28laban kay VP Sara Duterte.
14:30Depende daw ito
14:31sa ibedensya
14:32na iaharap
14:33ng kampo ng Bise
14:35at sa magiging
14:37haba ng mga pagdinig.
14:39Kung si Presiding Officer
14:40Escudero raw ang tatanungin
14:41mas nais nga niya
14:43na matapos na
14:44ang impeachment trial
14:46bago ang Pasko
14:48o bago nga
14:48ang New Year
14:49para makatawid na raw
14:51sa bagong yugto
14:52ang bansa
14:53bago ang bagong taon.
14:56Yan ang latest
14:56mula rito
14:57sa gumugulong pa rin
14:59na impeachment trial
15:00ni Vice President
15:01Sara Duterte.
15:02Balik sa iyo, Rafi.
15:04Maraming salamat,
15:05Ian Cruz.
15:10Nasa Pilipinas ang Hollywood
15:12actress at director
15:14na si Angelina Jolie.
15:16Kabilang siya sa mga
15:17pagsasalita
15:18sa 2026 ASEAN
15:20Inclusive Growth Summit
15:22na gaganapin bukas.
15:24Kilala si Angelina
15:25sa pagsusulong
15:26ng mga karapatang pantao
15:27kabilang ang proteksyon
15:29sa kababaihan
15:30at kabataan.
15:31Nagsilbe rin siyang
15:32Goodwill Ambassador
15:33ng United Nations
15:34High Commissioner
15:35for Refugees
15:37mula 2001
15:37hanggang 2012
15:39bago maging
15:40Special Envoy
15:41nito
15:42hanggang taong 2022.
15:52LSS na ba
15:53ang lahat
15:53sa bagong
15:54Christmas Station ID
15:55ng GMA?
15:56Star Studded!
15:58Present ang inyong
15:59favorite kapuso stars
16:00and personalities.
16:11Spotted dyan
16:13si Marian Rivera
16:14at Ding Dong Dantes,
16:16Jessica Soho,
16:19Michael V.,
16:20Alden Richards,
16:22Mel Chanko,
16:23Art Evangelista,
16:24Dennis Trillo,
16:26Jenlin Mercado,
16:28Barbie Forteza,
16:29Miguel Tan Felix,
16:30Gabby Garcia,
16:32at Julian San Jose.
16:33Present din sa
16:34Christmas Station ID
16:35ang personalities
16:36ng GMA News,
16:38pati ang mga host
16:39ng GMA Public Affairs
16:40programs.
16:41Spotted din
16:42ang It's Showtime
16:44family sa Station ID,
16:46pati ang GMA
16:47regional TV anchors
16:48at reporters.
16:49Tampok din sa
16:50Christmas Station ID
16:51ang iba pang
16:52Sparkle Stars,
16:53bida ng ibat-ibang
16:54series at hosts
16:55ng ibat-ibang
16:57entertainment shows.
17:00Mga kapuso,
17:0245 days na lang,
17:03Pasko na.
17:04May Christmas trees
17:05at ang may result
17:06na hindi lang higante,
17:08nakakatakam pa.
17:09Ang disenyo kasi nito,
17:11staple na handan
17:12mga Pinoy
17:13sa Pasko.
17:18Saging-saging
17:19mangga, papaya,
17:21at 40-foot
17:22Christmas tree.
17:24Pagsamasamahin
17:24at ayusin
17:25ang resulta,
17:27fruit salad
17:27na Christmas tree.
17:29Delicated ang disenyo
17:30nito sa mga magsasaka
17:32ng tanay
17:32sa kanilang
17:33sipag at syaga
17:33para sa masaga
17:35ng alin ng mga
17:35pruta
17:36sa kanilang bayan.
17:37Ang dessert-inspired
17:38na Christmas tree na yan,
17:40mas yummy pa
17:40dahil sa pagiging
17:41environmental-friendly.
17:43Gawa po ang
17:44giant fruit ornaments
17:45mula sa recycled materials
17:47gaya ng mga gulong,
17:48plastic bottles,
17:49at lumang tarpaulines.
17:52Ang galing.
17:53Cute.
17:54Nakakaguto.
17:54Ang ganda.
17:55At sya,
17:55galing talaga.
17:56Very artistic.