00:00May oil price rollback na may diskwento pa.
00:03Yan ang sumalubong sa transport sector ngayong Martes
00:06na makatutulong para maibsan ang pasanin
00:09sa harap ng mataas na presyo ng petrolyo.
00:12Pero hindi lang yan.
00:13Dahil ang iba pang jeepney at tricycle driver sa Metro Manila,
00:17abay natanggap na rin ang hinihintay na cash relief assistance.
00:21Si JM Thompson sa Sentro ng Balita.
00:27Nagsimula na ngayong araw, April 14,
00:29ang special payout ng mga tricycle at jeepney driver
00:32sa iba't ibang lungsod sa Metro Manila.
00:35Ramdam ni Marvin Pusho ang pagpreno ng presyo ng gasolina
00:38kasabay ng tulong pinansyal na makukuha niya ngayong araw.
00:42May paglalaan na na ang ayuda
00:44at kahit papano'y malaking tulong ito
00:46sa pagpapagamot sa asawa niyang nagdadialisis.
00:49Yun nga, sa gasolina, sa pangangailangan pagkain.
00:54Yun, pero kahit papano, malaking bagay na rin.
00:57Sa asawa ko po, kailangan ng gamot din
01:00dahil nagdadialisis sa ngayon.
01:02Kasabay nito, efektibo na rin ang big-time rollback
01:05sa produktong petrolyo ngayong araw.
01:07Aabot sa 20 pesos kada litro
01:10ang ibinaba ng diesel simula ngayong Martes.
01:12Habang 4.43 pesos naman ang ibinaba ng gasolina
01:16at ang kerosin ay bumaba na rin ng 8.50 pesos.
01:20Samantala, mayroon ding 10 pisong diskwento kada litro
01:24sa ilang gasolinahan sa Quezon City,
01:27Pasig City, Manila, Montenlupa at Malabon City.
01:31Si Virgilio Calma,
01:33mahigit dalawang dekada nang namamasada
01:35at dalawa na ang napagtapos na anak
01:38sa kabila ng kanyang mild stroke.
01:40Tuloy ang kanyang biyahe para sa kanyang isa pang anak
01:42na nasa kolehyo pa.
01:44Maaga siyang dumating sa payout site
01:46para maaga rin makakuha ng ayuda
01:48upang makabiyahe pa pagkatapos.
01:50Dagdag pa niya,
01:51ang mga diskwento,
01:53ayuda at pagbaba ng presyo ng gasolina
01:55ay malaking tulong para sa kanyang pamilya.
01:58Malaking tulong sa amin,
01:59lalo na nairapan ni kami sa pang gasolina.
02:10Noong mga nakaraang linggo,
02:12nakatanggap na ng cash relief assistance
02:14ang unang batch ng mga driver
02:16sa loob at labas ng Metro Manila.
02:18Matatandaang may ilang mga driver
02:20ang hindi nakatanggap ng tulong penansyal
02:22dahil sa problema sa kanilang pangalan,
02:24birthday,
02:25o kaya naman hindi naisama sa unang listahan.
02:28Kaya naman tiniyak ng Department of Social Welfare
02:31and Development o DSWD
02:33katuwang ang Land Transportation Franchising
02:35and Regulatory Board o LTFRB
02:38na makakakuha ang lahat ng kwalipikadong driver
02:41sa mga special payout na ito.
02:44Para sa mga tricycle drivers sa NCR,
02:47ang petsa ng kanilang special payout
02:49ay simula ngayong April 14,
02:51April 15,
02:52April 17,
02:54at April 22.
02:55Upang masiguro nakasama ang inyong pangalan,
02:58sa listahan sa mga araw ng payout,
03:00makipag-ugnayan sa inyong local government unit
03:03para malaman kung anong petsa kayo nakaschedule.
03:06Kaugnay rito,
03:08ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian,
03:11sa huling tala noong April 10,
03:13nakapagbahagi na ng 5,000 cash assistance
03:15sa mahigit 500,000 PUV drivers
03:18sa loob at labas ng NCR.
03:21Umaasa naman ang maraming motorista
03:23at mga namamasada
03:24na sana ay magtuloy-tuloy ang pagbaba ng presyo
03:28ng produktong petrolyo
03:29upang kahit papano'y makaramdam sila
03:31ng kaginhawaan sa gitna ng nararanasang suliranin sa langis.
03:36Mabilis at maayos
03:38ang pamamahagi ng ayudang pinansyal
03:39dito sa Valenzuela City People's Park.
03:42Inaasahang mahigit sa isang libong tricycle drivers
03:45ang kukuha ng cash relief assistance
03:48na hindi nila nakuha noong unang payout.
03:51Payo ng DSWD,
03:52siguraduhin na dala ang mga dokumento
03:54gaya ng driver's license at photocopy nito
03:57para sa mas mabilis na proseso.
04:00J.M. Thompson
04:01para sa Pambansang TV
04:03sa Bagong Pilipinas.
Comments