Skip to playerSkip to main content
  • 9 minutes ago
P12/liter discount sa mga PUV, nagpapatuloy; ilang motorista, pabor sa paggamit ng electric vehicle | Ulat ni JM Thompson

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Naniniwala ang ilang motorista na panahon na para paramihin ang electric vehicles sa bansa
00:04kapalit ng mga digasulinang sasakyan.
00:07Samantala, bumigat ang daloy ng trapiko sa bahagi ng Mindanao Avenue
00:10kaninang alas 6 ng umaga dahil sa git-gitan ng bus at ng isang truck.
00:15Si GM Thompson sa Detalye Live, GM.
00:21Joshua tinitiyak ng LTFRB at Department of Energy na tuloy-tuloy yung kanilang ipinatutupad
00:27na 12 pisong diskwento kada litro sa mga gasulinahan para yan sa mga pampublikong sasakyan
00:33yan ay sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
00:39Kinokonsidera ng pamahalaan ang parehong pangangahilangan ng mga driver at commuter
00:43kaya humihingi ng pangunawa at pasensya ang Department of Transportation at iba pang ahensya ng pamahalaan
00:50habang kanilang pinag-aaralan ng rekomendasyon na taas pasahe.
00:54Ayon naman sa ilang motorista na apektado ng mataas sa presyo ng langis,
00:58dahil hindi kontrolado ang pabago-bagong presyo ng petrolyo,
01:02posible anilang isa sa paraan para mabawasan ang problema dito
01:06ay ang pagpaparami ng mga electric vehicle kapalit ng mga degasulinang sasakyan.
01:11Anila, bukod sa hindi nagagamit ng krudo o gasolina,
01:15makatutulong pa sa kalikasan na mabawasan ang polusyon.
01:18Patuloy naman ang pamahalaan sa pagpapatupad ng mga programa at inisiyatibo
01:23para kahit papano'y maibsan ang suliranin sa langis ng mga tsuper.
01:29Samantala, nagkaroon naman ang mabigat na daloy ng trapiko sa ilang bahagi ng Mindanao Avenue
01:33kaninang alas 6 ng umaga dahil sa git-gitan ng truck at bus.
01:38Agad namang umaksyon ng Valenzuela City Police at ang mga traffic enforcer
01:42para ayusin ang epekto ng trapiko sa insidente.
01:47Lumipat naman ang mga pasahero ng bus sa ibang bus para makarating sa kanilang pupuntahan.
01:53Initingnan pa ng mga otoridad ang dahilan ng git-gitan ng dalawang sasakyan.
02:01Joshua, dahil nga sa patuloy na pagtasang presyo ng produktong petrolyo,
02:05magkakaroon ng nationwide transport strike ang grupong manibela na ikakasa sa susunod na linggo.
02:13Para naman sa traffic update dito sa Mayfilcoa sa Quezon City,
02:17tuloy-tuloy naman yung mga dalawang sasakyan na nagmumula sa Fairview papuntang Quezon Memorial Circle.
02:24At paalala naman para sa ating mga motorista,
02:27ngayong araw ng Webes, bawal po ang mga plaka nagtatapos sa numero 7 at 8,
02:32simula alas 7 ng umaga hanggang alas 10 ng umaga at alas 5 ng hapon hanggang alas 8 ng gabi.
02:38Yan muna ang latest mula rito sa Quezon City.
02:40Balik sa inyo sa studio, Joshua.
02:43Maraming salamat, J.M. Thompson.
Comments

Recommended