00:00Mas pinalawag pa ng pamahalaan ang pamamahagi ng cash relief assistance sa mga PUD driver sa harap ng walang preno
00:07na taas presyo sa petrolyo.
00:09Sa katunayan, umarangkada na ang distribusyon ng tulong pinansyal sa tricycle driver sa labas ng Metro Manila.
00:15Yan ang report ng JM Thompson.
00:20Tuloy-tuloy ang pamamahagi ng 5,000 cash assistance sa Megkawayan Bulacan Sports Complex para sa mga tricycle drivers.
00:28Nauna nang nakakuha ang first batch ng mga driver.
00:31Hindi pa rin tumitigil ang DSWD katuwang ang local government unit para sa pamamahagi ng ayuda.
00:38Si Edgardo Gata Jr. may tatlong anak at nangungupahan.
00:42Pasasalamat niya na mayroon siyang makukuhang ayuda.
00:45Malaking tulong daw ito.
00:46Pangrinta ng bahay, tapos pangbili ng bigas, mga pangkasulina ka.
00:52Sinimula ng cash relief assistance sa iba't ibang rehyon para sa mga tricycle drivers na bahagi ng Cash Assistance to
01:01Individuals in Crisis Situation o AICS ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.
01:08Makatatanggap ng ayuda ang mahigit sa 300,000 verifikadong tricycle driver mula sa iba't ibang rehyon alinsunod sa ibinabang listahan
01:17ng lokal na pamahalaan.
01:18Ang senior citizen na si Mario Castrens, gustong makasiguro na maagas siyang makapila at makakuha ng ayuda kaya pasado alas
01:275 pa lang ay nandito na siya sa sports complex.
01:30Wag kakakok, pagkatapos kong makuha yung subsidy, e, bala kong mamasada ulit. Meron na akong panggas.
01:42Si Jeffrey Arado naman, hindi nakakuha ng ayudang dahil may problema sa verification process. May paglalaanan na sana ang kanyang
01:51makukuhang 5,000 pisong tulong pinansyal.
01:54Bayarin na ano, kuryente, tubig, kasulina, e, wala, e, hindi makakuha, reschedule pa raw.
02:02E, mali yung birthday, 1980 sa payroll, e, 1981 ako. E, reschedule, nintayin na lang daw itawag ng barangay.
02:11Payo ng DSWD. Bago pumunta sa mga payout sites, siguraduhin na daladala ang mga kinakailangang dokumento gaya ng valid driver's
02:20license at photocopy nito.
02:22Kung sakali naman na magkaproblema ang iyong pangalan, bukas ang helpdesk para turunan nito.
02:28Dumating din si May Kawayan Bulacan Mayor Henry Villariga para personal na tingnan ang kasalukuyang sitwasyon ng payout.
02:35Sabi niya, bago pa ang pamamahagi, napaghandaan na nila at nasalang mabuti ang isinumiting listahan.
02:42Yung mga problema niyan, pangkaraniwan na talaga nangyayari, pero iyan ay maaga pa natin.
02:49Inaayos natin ang ating listahan at kung may pagkukulang man, kung mayroong mali, ma-spelling o kaya yung tinatawag na
02:56middle name, o kaya minsan may junior, minsan naman walang junior, lahat yan, tutugunan natin.
03:04Samantala, matatandaang wala pa rin preno sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, lalo na sa diesel sa ilang gasolinahan.
03:12Ngayong linggo, pumalo na sa 5.40 pesos ang itinaas ng presyo ng gasolina kada litro,
03:18habang ang kerosene na itumaas ng 8.10 pesos ang kada litro,
03:22at ang diesel na aabot sa 18.60 pesos ang itinaas kada litro.
03:26Patuloy namang pinayigting ng pamahalaan ng pagbabantay sa mga nag-go-hoarding at profiteering upang masiguro ang patas na pagbili
03:35ng produktong petrolyo.
03:37Ayon sa DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, magkakaroon ng special payout para sa mga PUV drivers na hindi nakakuha ng
03:45ayudang pinansyal sa NCR,
03:47dahil hindi nakasama sa unang listahan.
03:50Para sa mga tricycle drivers dito po sa Kamaynilaan, ang special payout ay gagawin sa April 13.
03:58Para naman sa mga jeepney drivers, ang special payout po nila ay April 14.
04:04Para naman sa mga TNVS drivers, April 15.
04:08Para naman sa mga MC taxi at service delivery riders,
04:11ang special payout po nila dito sa National Capital Region ay gagawin naman from April 17 to 19.
04:17J.M. Thompson para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments