00:00Posible ng gawing permanent transport option sa bansa ang mga motorcycle taxi.
00:05Yan ang ulat ni Bernard Ferrer.
00:08Madalas sumakay ng motorcycle taxi si Zinch tuwing may lakad o papasok sa eskwelahan
00:14mula Commonwealth Avenue sa Quezon City patungo ang España, Manila.
00:19Ayon sa kanya, mahalaga ang bawat minuto kaya't mas pinipili niya ang motorcycle taxi
00:24para sa mas mabilis at komportabling biyahe, lalo na't hindi maiwasan ang trapiko sa Metro Manila.
00:30Kaya naman welcome development para kay Zinch, akbang ng Department of Transportation o DOTR
00:35na pag-aralan ang posibilidad na gawing permanenteng transport option ang mga motorcycle taxi.
00:41Ngayon pa man, may mungkahi siya sa ahensya.
00:44Kailangan po siguro natin lagyan ng mga safety measures,
00:48talagang pandiinan po ng mga training para sa ating mga motorcycle drivers.
00:53Yun po, tsaka may mga seminars po dapat.
00:57Malaking bagay rin para sa mga rider tulad ni Kim.
01:00Kung tuloy ang gagawing legal ang mga motorcycle taxi,
01:03anya lalo ito makatutulong sa kanyang kabuhayan.
01:06Extra income lang po ito, malaking tulong din po sa...
01:09Maganda bakita.
01:10Maganda naman po.
01:11Naniniwala rin ang grupo ng mga motorcycle taxi na panahon na para sa formal na regulasyon sa kanilang sektor.
01:17Isa ito sa mahakbang upang matiyak ang kaligtasan ng mga commuter
01:20at maitaas ang ang tasang servisyo sa publiko.
01:23Hanggang ngayon, 99.997% pa rin yung aming safety record.
01:28Inu-audit yan kada taon ng third party.
01:31Insurance has improved as well in terms of the coordination.
01:34Meron tayong emergency response team.
01:37Pati yung overall training at ongoing training ng mga bikers.
01:40Aabot na sa 30,000 ang mga rider ng angkas na kasalukuyang nakatatanggap na mga binipisyo tulad ng PhilHealth, SSS at Pag-ibig Fund.
01:48Inaasahan ang desisyon ng DOTR ay magdudulot ng positibok epekto,
01:52hindi lamang sa mga commuter, kundi maging sa mga Pilipinong gumagamit ng motosiklo bilang pangunayang hanap buhay.
01:58Matatandang taong 2019 nang sinimulan ang pilot study para sa mga motorcycle taxi,
02:03na in-extend ang kongreso upang higit na papag-aralan operasyon at epekto nito.
02:07Ayon kay DOTR Secretary Vince Dizon, patuloy ang kanilang konsultasyon sa mga motorcycle taxi operators at stakeholders
02:15upang mabuo ang mas maayos at komprensibong regulatory structure.
02:19Inaasang maglalabas ng Department Order ang ahensya sa lalong madaling panahon.
02:23Bernard Ferrer, para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.