00:00Bukod sa cash assistance, iniaahanda na rin ng DOTR ang fuel subsidy para sa PUV drivers.
00:06Sinabi yan ng DOTR sa cash aid distribution sa San Juan City kung saan naging mabilis din
00:12ang proseso ng pagkuhan ng ayuda ng tricycle drivers.
00:17Si Denise Osorio sa Sentro ng Balita.
00:21Maaga sinimulan ang pamamahagi ng tiglimang libong pisong ayuda
00:25para sa mga driver ng public utility vehicles sa San Juan City.
00:30Unang nabigyan ng ayuda ang mga tricycle drivers sa Metro Manila
00:34dahil mabilis lang ang proseso ng pagbibigay ng cash assistance para sa kanila.
00:39Bukod sa simpleng requirement na valid driver's license at photocopy nito,
00:44may master list na rin kasi ang LGU.
00:47Isa si Mang Romeo sa tinatayang 622 mga tricycle driver na nakatanggap ng ayuda ngayong umaga.
00:54Malaking pasasalamat niya sa pamahalaan para sa agarang ginhawa na mabibigay nito
01:00sa harap ng napakalaki ng itinaas na presyo ng petrolyo,
01:04lalo't may dalawa siyang anak sa kolehyo.
01:06Medyo, nabawasan din kunting hanap buwan namin sa sobrang taas ng garsolina o krodo.
01:14So ang ano lang namin, tsaga na lang sa pagbabiyahe,
01:17yun na lang para makatulong sa pamilya po namin.
01:21Para naman kay Mang Elmer na halos dalawang dekada ng tricycle driver,
01:25hindi lang para sa gasolina ang ayudang natanggap,
01:28kundi para sa iba pang araw-araw na pangangailangan.
01:31Malaking efekto kasi kulang-kulang 80 na yata ang ano ngayon.
01:38Dati 50 plus lang ngayon.
01:41Kaya malaking efekto sa mga driver.
01:45Ito, malaking tulong na rin ito ngayon.
01:48Nagpapasalamat kami sa goberno ngayon.
01:50Target ng pamahalaan na makumpleto ang pagpapamahagi
01:53sa mahigit isang daan at tatlumput siyam na libong tricycle driver sa buong NCR
01:58sa loob ng dalawang linggo.
02:00Pagkatapos nito, ayon kay DSWD Sekretary Rex Gatchalian,
02:04isusunod naman ang mga jeepney driver,
02:07TNVs, motorcycle taxi,
02:09at mga nasa delivery sector bago sumapit ang Holy Week.
02:13Pagtapos sa Metro Manila,
02:15palalawigin ang implementasyon sa iba't ibang bahagi ng bansa.
02:18Palala ni Sekretary Gatchalian,
02:20pag hindi nakikita ang pangalan sa master list.
02:23Magpungo lang sila sa kanilang munisipyo,
02:26i-check nila sa city hall kasi maaaring inadvertently na delete lang.
02:29Inihahanda na rin ng Department of Transportation
02:32ang fuel subsidy para sa public transport sector.
02:35Pinag-aaralan na rin ng pamahalaan
02:37ang posibleng pagbabawas ng ilang singil sa mga pantalan,
02:41paliparan at toll para makatulong sa shipping,
02:45aviation at delivery ng mga pangunahing bilihin.
02:48Samantala, sinabi na rin ni DOTR Secretary Banoy Lopez
02:52na dadagdagan na ang presyo ng pamasahe
02:55para sa traditional at modern jeepneys.
02:57Pagdating po sa traditional jeepney,
03:00meron po silang provisional increase already of 1 peso.
03:03Gagawin na po natin yan na permanent
03:04at magdadagdag pa tayo ng 1 piso.
03:08So magiging 14 na po
03:09at yan ay magiging the fare for the first 4 kilometers.
03:14Ganun din po naman pagdating sa modern jeepney,
03:17ngayon po ay 15 pesos ang kanilang first 4 kilometers,
03:21ang base fare,
03:22at dadagdag din po tayo ng 2 piso
03:25so magiging 17 na po.
03:26Denise Osorio para sa Pambansang TV
03:29sa Bagong Pilipinas.
Comments