Skip to playerSkip to main content
  • 10 minutes ago
Pamamahagi ng cash relief assistance sa tricycle drivers sa labas ng Metro Manila, umarangkada na; higit 300K tricycle drivers sa iba't ibang rehiyon, target | ulat ni JM Thompson

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Una po sa ating mga balita, pinalawak pa ng pamahalaan ng pamahagi ng cash relief assistance
00:06sa mga PUV drivers sa harap ng walang preno na taas presyo sa petrolyo.
00:12Sa katunayan, umarangkada na ang distribution ng tulong pinansyal sa tricycle drivers sa labas ng Metro Manila,
00:20si JM Thompson sa sentro ng balita.
00:25Tuloy-tuloy ang pamahagi ng 5,000 cash assistance sa Mekawayan Bulacan Sports Complex para sa mga tricycle drivers.
00:33Kaninang umaga, nauna nang nakakuha ang first batch ng mga driver at ngayong tanghali na magtatagal hanggang hapon,
00:40hindi pa rin tumitigil ang DSWD katuwang ang local government unit para sa pamahagi ng ayuda.
00:46Si Edgardo Gata Jr. may tatlong anak at nangungupahan.
00:51Pasasalamat niya na mayroon siyang makukuhang ayuda ngayong araw.
00:55Malaking tulong daw ito.
00:56Pangrinta ng bahay, tapos pambili ng bigas, mga pangkasulina rin.
01:03Ngayong araw, April 8, sinimula ng cash relief assistance sa iba't ibang rehyon para sa mga tricycle drivers
01:10na bahagi ng Cash Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS ng Department of Social Welfare and Development o
01:18DSWD.
01:20Makatatanggap ng ayuda ang mahigit sa 300,000 verifikadong tricycle driver mula sa iba't ibang rehyon alinsunod sa ibinabang listahan
01:29ng lokal na pamahalaan.
01:30Ang senior citizen na si Mario Castrens, gustong makasiguro na maagas siyang makapila at makakuha ng ayuda kaya pasado alas
01:395 pa lang ay nandito na siya sa sports complex.
01:42Wagka ako, pagkatapos kong makukuha yung subsidy, e, bala kong mamasada ulit. Meron na akong panggas.
01:54Si Jeffrey Arado naman, hindi nakakuha ng ayuda ngayong araw dahil may problema sa verification process.
02:02May paglalaanan na sana ang kanyang makukuhang 5,000 pisong tulong pinansyal.
02:07Bayarin na ano, kuryente, tubig, gasolina, e, wala, e, hindi makukuha, reschedule pa raw.
02:15E, mali yung birthday, 1980 sa payroll, e, 1981 ako. E, reschedule, hintayin na lang daw itawag ng barangay.
02:24Payo ng DSWD. Bago pumunta sa mga payout sites, siguraduhin na daladala ang mga kinakailangang dokumento gaya ng valid driver's
02:33license at photocopy nito.
02:35Kung sakali naman na magkaproblema ang iyong pangalan, bukas ang help desk para tugunan nito.
02:40Dumating din si Mecawayan Bulacan Mayor Henry Villarica para personal na tingnan ang kasalukuyang sitwasyon ng payout.
02:48Sabi niya, bago pa ang pamamahagi na paghandaan na nila at nasalang mabuti ang isinumiting listahan.
02:55Yung mga problemang yan, pangkaraniwan na talaga nangyayari, pero yan ay maaga pa natin, inaayos natin ang ating listahan at
03:04kung may pagkukulang man, kung merong mali,
03:06mga spelling o kaya yung tinatawag na middle name o kaya minsan may junior, minsan naman walang junior, lahat yan,
03:15tutugunan natin.
03:16Samantala, matatandaang wala pa rin preno sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, lalo na sa diesel sa ilang gasolinahan.
03:25Ngayong linggo, pumalo na sa 5.40 pesos ang itinaas ng presyo ng gasolina kada litro,
03:31habang ang kerosene ay tumaas ng 8.10 pesos ang kada litro, at ang diesel na aabot sa 18.60
03:37pesos ang itinaas kada litro.
03:39Patuloy namang pinaiigting ng pamahalaan ng pagbabantay sa mga nag-go-hoarding at profiteering upang masiguro ang patas na pagbili
03:48ng produktong petrolyo.
03:49Ayon sa DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, magkakaroon ng special payout para sa mga PUV drivers na hindi nakakuha ng
03:58ayudang pinansyal sa NCR dahil hindi nakasama sa unang listahan.
04:02Para sa mga tricycle drivers dito po sa Kamaynilaan, ang special payout ay gagawin sa April 13.
04:11Para naman sa mga jeepney drivers, ang special payout po nila ay April 14.
04:17Para naman sa mga TNVS drivers, April 15.
04:21Para naman sa mga MC taxi at service delivery riders, ang special payout po nila dito sa National Capital Region
04:27ay gagawin naman from April 17 to 19.
04:30JM Thompson para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended