00:00Nananatiling on schedule ang pamamahagi ng cash assistance ng DSWD sa Tricycle Drivers sa Metro Manila.
00:07Ayon pa sa kagawaran, kumpleto na rin ang listahan ng mga driver ng motorcycle taxi at TNBS
00:12na kabilang sa mga susunod na makatatanggap ng ayuda.
00:16Yan ang ulat ni Gab Villegas.
00:20Lapis ang pasasalamat ng mga Tricycle Drivers na sina Jose at Ariel
00:24sa natanggap nilang 5,000 pisong cash relief assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS
00:31ng Department of Social Welfare and Development.
00:34Malaking tulong na to sa mga bayarin namin.
00:37Lala sa kuryente, tubig, tsaka sa bahay kasi nang umupahan.
00:41Gagamitin ko sa panggas ko araw-araw.
00:45Ngayon, pupunuhin ko na yung tanki ko para hindi maabala yung biyahe ko tuloy-tuloy kahit mahalang gas.
00:50Ilan lang sila sa mga nabenefisyohan sa ikalawang araw ng payout sa Ryzen Garden sa Quezon City Hall
00:56na isa sa anim na payout sites ng DSWD sa lungsod.
01:00Aabot sa 23,000 tricycle drivers sa QC ang target na mabigyan ng tulong.
01:05Personal na tinignan ni DSWD Secretary Rex Gatchelian ang distribusyon ng tulong.
01:10Ayon sa DSWD, aabot sa higit 40,000 mga taang nakatanggap na CRA mula sa AICS ng DSWD.
01:18Sinabi ng kalihim na on schedule ang kanilang pamimigay ng ayuda sa mga total driver.
01:23Tinatayang 30,000 tricycle driver naman ang target na mabigyan ngayong araw.
01:27Yung mga nagkakunting issue dahil wala sila yung mga pangalan nila sa listahan,
01:32pinapasok na rin namin para tomorrow masama na sila.
01:35Ayon sa DSWD, kumpleto na rin ang listahan ng mga motorcycle taxi at TNVS drivers
01:40at tinaasahan na sila naman ang susunod na makatatanggap ng 5,000 piso ng tulong sa ilalim ng AICS ng
01:46kagawaran.
01:47Nakikipag-ugnay na rin ang DSWD sa Land Transportation, Franchising and Regulatory Bordo, LTFRB,
01:53pati rin sa mga lokalang pamahalaan para sa schedule ng payout.
01:57Isusunod naman sa mabibigyan ang mga jeepney driver at mga nasa delivery services.
02:02Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development na hindi ito ang una at huling beses
02:07na magbibigay ng tulong ang pamahalaan para sa mga tsuper na umaaray rin sa pagsipa ng presyo ng produktong petrolyo.
02:14Patuloy rin na babantayan ang pamahalaan ng paggalaw ng presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado
02:19at ang sitwasyon sa gitnang silangan.
02:22Gab Humilde Villegas para sa Pambansang TV sa Bago Pilipinas.
Comments