00:00Na yung painit ng painit ang panahon, siguradong marami sa atin ang hindi matitiis
00:05ang mas madalas na pagligo at pagtampisaw sa malamig na tubig.
00:11Pero ra la, dahil kapag sumobra, baka maiwi sa sakit ng ulo ang target na Ginhawa.
00:18Kung paano magiging disiplinado sa paggamit ng tubig ngayong tag init,
00:22alamin natin sa Sentro ng Balita ni Sheila Natividad.
00:28Babad na babad ka na ba? Hep, hep, hep, teka lang muna, baka naman apaw na rin ang konsumo mo
00:34sa tubig ngayong tag-init.
00:35Si Inday, aminadong maalinsangan ang pakiramdam ngayong summer pero kahit gaano kainit.
00:40Once a day lang kami naliligo. Kung talagang init na init, talagang twice.
00:46Pagdating naman sa paglalaba, tipid pa rin siya sa pagkonsumo ng tubig.
00:51Sa isang linggo, dalawang beses lang naglalaba para makatipid.
00:56Sa gitna ng matinding init, may palagi ang paalala ang Department of Trade and Industry sa mga consumer tungkol sa
01:02responsabling paggamit at pagtitipid ng tubig.
01:06Narito ang ilang consumer tips para makatipid sa konsumo ng tubig.
01:10Una, ayusin agad ang mga tumutulo o sirang gripo at tubo.
01:14Kahit kasi patak-patak lang yan, pwedeng umabot sa daan-daang litro ang nasasayang sa loob ng isang linggo.
01:20Pangalawa, i-reuse ang tubig sa bahay.
01:23Ang pinagbanlawan ng gulay o bigas ay maaari pang gamitin sa pagdidilig ng halaman o di naman kaya ay panlinis.
01:30Pangatlo, siguraduhin full load bago gamitin ang washing machine para mas efficient ang paggamit ng tubig.
01:37Pang-apat, patayin ang gripo sa lababo kapag hindi ginagamit, lalo na habang nagsisipilyo o naghuhugas.
01:43At panghuli, iwasan ang tuloy-tuloy na agos ng tubig at sa halip ay gumamit ng timba o planggana kung
01:51maaari.
01:51Paalala ng DTI sa publiko, make every drop count.
01:55Kaya naman kahit babad na babad ka na, maging wais pa rin sa pagkonsumo ng tubig.
02:01Shilan Natividad para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
02:06Shilan Natividad para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments