00:00Mas maraming imported na karne ng baboy na ang papayagang makapasok sa bansa
00:04matapos itaas ang minimum access volume o dami ng pwedeng angkatin.
00:08Agriculture Department mahigpit ang pagbabantay sa pagpapatupad ng price cap sa imported na bigas.
00:13Yan ang report ni Sheila Natividad.
00:18Araw-araw na pagbabantay ang gagawin ng Department of Agriculture
00:22katuwang ang Philippine National Police para matiyak na nasusunod ang itinakdang price cap sa imported na bigas.
00:29Sa nakalipas na mga linggo, sunod-sunod ang surpresang pagbisita ng kagawaran sa ilang palengke sa Metro Manila.
00:36Kailangan ma-maintain nila yung 50% at yun ang gagawin natin na pakiusap sa ating mga kapulisan
00:44since everyday din naman po silang nandito.
00:47Kung meron po silang makita at magbago po yan within the day or bukas or sa mga susunod na araw,
00:53yun po yung kailangan natin bantayan.
00:55Babala ng DA, sa susunod na linggo ay maglalabas na sila ng notice of violation laban sa mga hindi nagpapatupad
01:02ng price cap.
01:03Base sa Price Act, maaaring humarap sa administrative at criminal case ang sino mang retailers o traders na lalabag sa
01:11mandato.
01:12Maaari nilang kaharapin ang pagkakansela ng permit hanggang sa pagkakakulong kung hindi maipaliliwanag ang paglabag sa loob ng 48 oras.
01:22Ipinaliwanag naman ang kagawaran na ang 53 peso suggested retail price o SRP sa lokal na bigas ay gabay lamang
01:29at maaari pa rin magbenta ng mas naaayon sa kanilang kuha.
01:34Kaiba ito sa price cap ng bigas na laman ng isang executive order na inilabas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos
01:40Jr.
01:41Dagdag ng kagawaran, nagpahayag naman ang pagsuporta mga traders matapos ang isinagawang dayalogo ukol sa ipinatutupad na polisiya.
01:49Balak din po namin puntahan yung ating mga wholesalers, mga traders po natin, pati po yung importance.
01:55Pero definitely nagkaroon na po tayo ng pag-uusap at sabi naman nila sinusuportahan nila yung ating price cap.
02:01Para naman mapatatagang supply ng lokal na bigas, itinaas ng National Food Authority sa 25 hanggang 30 pesos ang kada
02:09kilo ng palay.
02:10Dahil sa magandang presyo ng NFA sa palay, umaabot na sa 25,000 metric tons ng palay ang nabili ng
02:18pamahalaan.
02:18Ito ay hindi lang para sa sapat na supply, kundi para sa protection din ng kita ng mga magsasaka.
02:24Yung ating magsasaka, kung nagbenta sila sa mga traders, ang fresh palay ay umabot ng 16, 17.
02:33Kami, binili namin yung pagtinuyo yan, usually plus 4 yan.
02:38So kung 16 or 17, 20 to 21 yan.
02:41Kami naman namili 25 hanggang 30.
02:44So kaya meron silang extra 4 hanggang 4 na piso, hanggang 7 na piso sa ibang lugar kung saan na
02:54pag nagbenta sila sa National Food Authority,
02:57din yung tuyo at malinis na palay, eh nakukuha nila yung premium price.
03:00Kasama rin sa iniinspeksyon ng DA ang presyo ng karne ng baboy.
03:05Nakikipag-usap pa ang kagawaran sa mga stakeholders ukol sa rekomendasyong price cap sa presyo ng karne ng baboy
03:11dahil ayon daw sa ilang traders ay lugi sila sa P380 pesos per kilo.
03:16Samantala, mula sa mahigit 52,000 metric tons, itinaas ni Pangulong Marcos Jr. sa mahigit 204,000 metric tons
03:25ang minimum access volume o dami ng iniimport na karne ng baboy.
03:30Nilagdaan ng Pangulo ang Executive Order 116 sa layuning matugunan ang posibleng kakulangan ng supply
03:36at gawing stable ang presyo ng karne ng baboy.
03:40Shilan Natividad para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments