00:00Nasa mahigit 2,000 pamilya ang apektado ng malawakang sunog nitong Sabado sa Parola Compound sa Binondo, Maynila.
00:07Agad naman nagpaabot ng tulong ang DSWD at Lokal na Pamahalaan ng Maynila.
00:12Ang detalye sa report ni Sheila Natividad.
00:18Mula sa Himpapawid, tanaw ang maladagat na apoy sa Parola Compound sa Binondo, Maynila.
00:25Sumiklab ang sunog dakong alas 3.30 ng hapon nitong Sabado, May 23.
00:30sa Delpan Area, Barangay 275, Zone 25.
00:33Makikita ang malawakang pagkasira sa ilang bahagi ng Parola.
00:38Ito yung bahagi ng Parola sa Maynila kung saan sumiklab ang sunog.
00:43Kung may kita ninyo sa aking likuran, ay ito na sa lukuyang sitwasyon dito sa Parola
00:47kung saan may makikita pang usok mula doon sa mga bagay na natupok ng apoy.
00:53At ayon sa mga residente, dahil sa malawakang sunog na kanilang naranasan,
00:57e back to zero na naman muli ang kanilang kabuhayan.
01:00Ilang beses nang nakaranas ng sunog ang mga nakatira sa compound,
01:04kabilang Sina Ramsey at Joy.
01:13Itinaas ang alarma hanggang Task Force Charlie at naideklarang fire out.
01:18Mahigit dalawang libong pamilya o aabot sa pitong libong individual ang apektado ng malawakang sunog.
01:24Kasama rin sa tinamaan ang humigit kumulang 1,266 na istruktura na naitala bilang tuluyang nasira dahil sa sunog.
01:32Sa kasalukuyan, nasa limandaang pamilya ang lumikas sa Delpan Evacuation Center.
01:38Agad namang rumesponde ang lokal na pamahalaan ng Maynila
01:41at ang Department of Social Welfare and Development kung saan na mahagi ng ready-to-eat food boxes
01:47para sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog.
01:50Ngayon, namigil tayo ng ready-to-eat food. May parating din tayo ng mga non-food items
01:56na tulad ng kitchen kit at sleeping kits para tingkuyan para sa ating mga 2,134
02:05ng mga affected families ng sunog kahapon.
02:08Samantala, naghahanda rin ang lokal na pamahalaan ng Maynila
02:12ng pinansyal na tulong para sa mga apektado ng sunog.
02:16Shilan Natividad para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments