Skip to playerSkip to main content
Aired (April 11, 2026): Labing walong taon matapos niyang makilala ang palaboy na si Tagpi sa lansangan sa Maynila, binalikan ni Kara David ang mga libreng pakain sa lungsod upang hanapin siya at alamin kung ano na ang nangyari sa kaniyang buhay.

Sa kaniyang paghahanap, sinundan ni Kara ang araw-araw na pakikipagsapalaran ng mga taong lansangan, nakausap ang mga umaasa sa libreng pakain para mabuhay, at tinuklas kung may nagbago ba sa kanilang kalagayan sa paglipas ng panahon.


Panoorin ang video. #iWitness

Category

😹
Fun
Transcript
00:00AMBASSIC
00:00AMBASSIC
00:04AMBASSIC
00:09SM breed
00:09Swerte ka na raw kung kumakain ka ng tatlong beses sa isang araw.
00:14Eh kung gano'n ang usapan,
00:16amay napakaswerte pala ng mga taong lansangan?
00:20Sabi nga nila,
00:21kung marunong kang dumiskarte,
00:23hindi ka raw magugutom sa kalye.
00:30Alas-a-is pa lang ng umaga, mahaba na ang pila sa isang feeding center sa Pasay.
00:36Itong building na ito, dati itong Pogo Hub, pero nung nagsimulang nagkaroon ng crackdown,
00:44tapos ni-raid ng gobyerno itong Pogo, pinasara na.
00:48Ngayon, itong building na ito ay pag-aari na ngayon ng DSWD.
00:55Ito siya, walang gutom kitchen.
00:58Saan yung huli na pila?
01:01Saan yung huli na pila?
01:04Dito, dito ba?
01:06Saan ang dulo?
01:07Ikaw dulo?
01:09Okay, okay, okay.
01:11Paano pa ganun siya?
01:13Ano daw ulam ngayon?
01:15Libre ang almusan at tanghalian dito.
01:18Eat all you can, open until supplies last.
01:21Araw-araw ito dito?
01:23Araw-araw ito.
01:25Oh, umaga tanghali, hindi ka pala magugutom dito, no?
01:29Hindi na bago sa akin ang ganitong pilahan.
01:32Noong 2008, labing walong taon na ang nakararaan, nakipamuhay ako sa mga taong lansangan.
01:41Nalaman ko na may mahigit sampung feeding missions sa Metro Manila noon.
01:46Ang nagpapakain, iba't ibang NGO at mga grupo ng simbahan.
01:51Kung hindi ka mapili sa reliyon, libre mong maitatawid ang iyong gutom.
01:59Sumama ako sa lahat ng feeding sessions mula almusal,
02:04tanghalian,
02:07merienda,
02:10hapunan,
02:12hanggang midnight snack, may libreng pakain pa rin.
02:17Sa lahat ng feeding sessions sa Maynila, may isang muka na di nawawala.
02:24Nakita ko siya sa hapunan sa San Sebastian,
02:27sa agahan sa St. Paul,
02:29merienda sa Loton,
02:31tanghalian sa JR,
02:33merienda sa City Hall,
02:35at pagdating ng hapunan sa Moret,
02:38para siyang imahing paulit-ulit.
02:40May trademark siya sa akin eh, si Tagpe.
02:42Isang lase, walang cutting.
02:44Presid lagi sa mga PD.
02:46Tagpe kung tawagin siya ng mga yagit.
02:49Ano ba talaga pangalan nun?
02:50Ang pangalasaan talaga ito ng Jerry Craval.
02:53Jerry Craval?
02:54Oo, Jerry Craval.
02:56Ang alam, Jerry Craval.
02:57Walang ayaw.
02:58Ayaw.
02:59Ayaw.
03:00Ayaw.
03:00Ayaw.
03:00Ayaw.
03:01Ayaw.
03:02Ayaw rin yun.
03:03Ayaw.
03:03Ayaw.
03:04Ayaw.
03:06Ayaw rin yun.
03:07Ayaw rin.
03:07Ayaw rin.
03:08Ayaw rin.
03:08Ayaw rin.
03:09Ayaw rin.
03:10Lakad lang, lakad lang.
03:11Malapit lang.
03:12Malapit lang dito.
03:13Isang araw kong nakasama sa kalye si Tagpe.
03:16Malayo pa dito yun.
03:17Pero dahil palagi siyang nagmamadali,
03:19Ayaw, ayaw.
03:19Hindi ko siya lubusang nakilala.
03:22Hindi ko nga alam ang tunay na pangalan niya.
03:28Makalipas ang labing walong taon,
03:32Nagbago na ba ang buhay sa kalye?
03:39Nasa na kaya si Tagpe?
03:42Move.
03:48Ay, move na daw.
03:49Move na.
03:49Patas na lang.
03:51Atak ka na lang.
03:57Meron kayo, sa inyong may kilala kay Tagpe?
04:00Si Tagpe.
04:02Yung parang yung isa yung matang, ganun.
04:05Hindi nyo kilala.
04:08Ito, ito, ito, ito, ito, ito, ito, ito.
04:12Ay, hindi mo pala kilala.
04:15Hindi mo pala kita.
04:17Sino ang mga tagal na dito?
04:19Matagal na.
04:21Ilang years na kayo?
04:23Iyan, mag-iisap daw pa lang.
04:25Ay, hindi.
04:25Kasi matagal na to eh.
04:28Oo.
04:28Yung mga tipong 20 years na dito.
04:342024, nang buksan ng DSWD ang walang gutom kitchen.
04:39Noona, para lang ito sa mga taong nakatira sa kalye.
04:43Pero ngayon, kahit sinong gustong makalibre, pwedeng-pwede.
04:51Alaki nitong facility na to.
04:53So, sa bawat isang araw,
04:56nakakapagpakain sila ng mga 200 to 250 na mga staff.
05:00Nitric dwellers.
05:02Almusal pa lang yun.
05:04Tapos, pagdating ng tanghalian,
05:05aabot ng mga 300.
05:08Kumpara sa mga feeding sessions na napuntahan ko noon,
05:11mas maayos ang sistema ngayon.
05:13Nakaupo ang lahat,
05:15may plato,
05:16kubyertos,
05:16at hindi nakastayro ang pagkain.
05:20Narinig nyo na po yung comment na yun na parang
05:22that's not the way to help the poor
05:25kasi nagiging dependent
05:27at nagiging tamad.
05:29Tinuturoan daw maging tamad.
05:31Dito po sa Walang Gutom Kitchen,
05:32hindi po kami nag-initiate ng dependency.
05:36Bagkos may mga,
05:37makikita ko nyo na,
05:38may mga social worker po dito.
05:40And karamihan po dito sa kumakain sa atin
05:42ay from the disadvantaged group.
05:44Maaring mayroong may trabaho,
05:45pero hindi sapat.
05:47Wala po kayong trabaho?
05:49Marap pa.
05:50Ayat ako,
05:51pagkapasaya po,
05:52trabaho ko sa PCC,
05:53kasi masunak ko eh.
05:54Oo.
05:54Kaya pag may worth ako doon.
05:56Para pang titipid?
05:58Ah!
05:59Kasi nandang isang araw ko,
06:006.95.
06:04Madalas pansagang tamad
06:05ang mga taong namamalimos sa kalye.
06:08Pero sa pakikipag-usap ko sa ilan sa kanila,
06:11nalaman kong may iba't-ibang dahilan
06:13kung bakit sila napadpad sa lansangan.
06:17May mga nakapagtapos ng pag-aaral
06:19pero walang nakuhang trabaho.
06:21May nasunugan.
06:23May tumakas sa pangangamuhan.
06:25At merong OFW na mag-aabroad na sana,
06:28pero minalas ang tadhana.
06:31Ah!
06:31Saan po kayo sa Mindanao?
06:33Ah!
06:35Saan po kayo nakatira ngayon?
06:37Kung hanggang abupin ng
06:40bilip.
06:42Halos tatlong dekada na sa kalye
06:44si Tatay Edgar.
06:46Tulad ni Tagpe,
06:47kabisado na rin niya
06:48ang mga libring pakain sa Maynila.
06:51Ito po,
06:52nakita niyo na po ba ito?
06:56Tamba miya.
06:57Yun minsan ang tawag nila Tagpe.
07:00Minsan one face ang tawag.
07:02Kilala mo ito?
07:03Tagpe.
07:04Si Tagpe, kilala mo?
07:05Nasa rin yung city yan.
07:07Ano po?
07:08Eh, yung city.
07:09Ngayon, nasa Quezon City.
07:12Maniniwala na sana ako,
07:13pero biglang may sumingit sa aming usapan.
07:16Pa, si Nongi!
07:18Sino?
07:19Nongi!
07:21Nongi!
07:22Saga Maynila!
07:24Ah, kilala ko po yan.
07:25Kilala mo ito?
07:25Opo, kilala po namin yan.
07:27Saga Maynila po yan, ma'am.
07:28Saan niyo ito nakilala?
07:29Sa Maritina Boystown.
07:32Nahuli po yan, nahuli.
07:34Nahuli?
07:36Dahil di ko alam kung sino ang paniniwalaan,
07:39nagdesisyon na lang akong sumama
07:41sa biyahing sikmura ni Tatay Edgar.
07:44Baka sakaling makita ko ulit si Tagpe
07:47sa mga feeding center.
07:50Taong 1998 daw nang magpunta sa Maynila si Tatay Edgar.
07:55Bumiyahi siya rito mula pa Mindanao.
07:59Bit-bit ang kanyang diploma at mga dokumento,
08:02matyaga siyang pumila sa mga ahensya.
08:06Siyempre, ito, paalos na ako niyan.
08:09Hindi ako,
08:10dyan kasi ako natulog noon,
08:13idaladala ko po ang aking bag.
08:16Nandun lahat ng mga
08:18timasbook ko,
08:19artwork ko,
08:21pati lahat ng mga
08:23details ko nandun na rin.
08:25Nawala yun.
08:26Ha?
08:27O.
08:27Parang nawala?
08:29Ninakaw.
08:33Walang pera,
08:35walang ID,
08:36walang kakilala,
08:38sinubukan niyang maghanap ng trabaho sa Maynila.
08:42Hanggang kalaunan,
08:44napadpad sa lansangan.
08:47Eh, wala na po akong mauwian eh.
08:50Hindi mo na po pwedeng umuwi doon.
08:52And then,
08:53wala na rin,
08:54wala na rin ang pera,
08:55wala na rin ang,
08:55lahat-lahat,
08:56wala na rin yung time.
08:57Kaya,
08:58ang inisip ko na lang,
09:00na,
09:01tahanap ako ng trabaho
09:03para makapagkain.
09:09Isa lamang si Tatay Edgar
09:11sa mahigit apat na milyong Pilipinong
09:13walang tahanan.
09:15Marami sa kanila,
09:17sabay nila,
09:18matatagpuan.
09:20Sa kanto ng Rojas Boulevard
09:22at Quirino,
09:22pansamantalang naninirahan
09:24si Tatay Edgar.
09:27Pansamantala,
09:28dahil madalas,
09:30hinuhuli
09:30o pinaaalis sila.
09:34Sa kanyang maliit na sulok,
09:36nalaman kong,
09:37may itinatago pala siyang talento.
09:40Ano po itong mga drawing to?
09:41O, mga gawa-gawa po po.
09:44Ikaw gumawa nito?
09:45Opo, ito pa po.
09:47Ala, ang galing mo naman
09:48mag-drawing, kuya.
09:51Dahil ayaw na niyang mamalimos
09:53sa paghuhit siya kumukuha
09:55ng panggastos.
09:57Pero sa mga araw na walang kita,
09:59sa feeding program pa rin
10:01ang kanyang bagsa.
10:03So, yung mga feeding po,
10:04kabisado nyo na po yan?
10:06Opo.
10:06Lot ng feeding.
10:07Kasi, kaya ako natutunan yan
10:10kasi wala akong pangbiling pagkain eh.
10:14Pagsapit ng alas-diyos ng umaga,
10:16larga na naman kami.
10:18Dalawang oras daw kasi
10:19ang lakad papunta sa tanghalian.
10:25Mainit at nakakapagod ang lakad,
10:27pero walang mahirap na daan
10:29sa sikmurang kumakalam.
10:31Ayan na, tayo man na!
10:34Ay, kakain.
10:37Ito po yung kanyang pasilo po.
10:39Kain, aral, ligo.
10:41Ay, ang dami ng tao.
10:44Akala ko ba alas 12 pa?
10:46Ang kainan.
10:48Sana dulo na pila.
10:50Dito, ito mga pila.
10:52Dito sila pipila.
10:54Pipila.
10:55Pipila tayo.
10:57Number 91 na ako sa pila.
11:00Dapat pala inagahan namin ang paglalakad
11:03dahil daig ng maaga ang masipag.
11:06So, dito sa Arnold Jansen Kalinga Center,
11:10hindi lang sila nagpapakain,
11:13pwede rin magpaligo.
11:16Paano may banyo dun sa loob?
11:17Ah, tapos bibigyan kayo ng sabon?
11:21Bawal sabon.
11:22Ha?
11:22Meron na sila.
11:23May libring kupit at libring damit din daw na ipinamimigay.
11:28Kaya naman pala dinudumog ang feeding na ito.
11:31Hindi lang naman kasi pagkain ang kailangan ng tao.
11:34Ilan ba yung feeding dito sa Maynila?
11:37At atorce tresne.
11:39Ano yun mga yun?
11:41Alay sa puso, binondo, yapo, kalinga, shrimp.
11:51Anong shrimp?
11:52Shrimp, Anthony, churps.
11:54Shrimp.
11:55Anong shrimp?
11:57Shrimp, Anthony.
11:58Ah, Anthony.
11:59St. Anthony Shrine.
12:00Hindi ka palang magugutom sa kalye dito.
12:04Mula sa labas, sinilip ko ang masikip na silid ng Kalinga Center.
12:08Umaasa na sa mahabang pila, baka matagpuan kong muli si Tagpe.
12:14Okay.
12:15Thank you po.
12:17Makalipas ang isang oras na pagtsatsaga sa pila, nakapasok din ako sa loob ng Kalinga.
12:22So, pagkapasok mo dito sa Kalinga Center,
12:27ang unang gagawin ng mga tao ay maliligo.
12:30Pero meron kasing pila dun sa liguan.
12:33Kaya dito muna sila naghihintay.
12:36Tama po, manunod muna kayo ng mga palabas.
12:41Tapos, kapag katapos na nilang maligo,
12:44pwede na ngayon silang pumunta dito sa pantry area.
12:50Dito na ngayon sila pwedeng kumain.
12:55Bago magsalo sa hapagkainan, kailangan munang magdasal.
13:02Sampung taong na malagi sa kalye si Zengki Dasilio.
13:06Tulad ni Tatay Edgar, naranasan din niya ang matulog sa kalsada at mang limos.
13:12Pero sa tulong ng St. Arnold Jansen Kalinga Center, may trabaho na ngayon si Zengki
13:17at tumutulong akayin ang iba pang palaboy sa lansangan.
13:21Is malaking tiyas na parang paguhing yung buhay namin at pakita sa mga tao na ikarapag na magbago ang bawasaw.
13:30Na huli lang porges na sakali at di nakapagtapos na pag-aaral.
13:34Ito po yung mission na Kalinga.
13:37Sumagi sa aking isipan si Tagpe.
13:40Sana, tulad ni Zengki, nakahanap na rin siya ng trabaho.
13:45Ito nga kaya ang dahilan kung bakit hindi na siya nakikita sa mga feeding centers?
13:53Araw-araw, mahigit tatlong daang katao ang pinakakain ng St. Arnold Jansen Kalinga Center.
14:00Alas dos na ng hapon noon, pero marami pang nakapila.
14:06Nang gawin ko ang Dok yung Biyaheng Sigmura noong 2008, mahigit tatlong milyong pamilyang Pilipino ang gutom.
14:15Makalipas ang halos dalawang dekada, lalo pang lumala ang problema.
14:21Ngayon, mahigit limang milyong pamilya na ang nagugutom.
14:27Kaya naman hindi na nakapagtataka kung bakit pirmeng blockbuster ang mga feeding center tulad ng Kalinga.
14:41Habang naglalakad pabalik ng Rojas Boulevard, isang malungkot na balita ang sumalubong sa amin.
15:15Matagal na raw nilang kasama sa mga feeding ang biktima.
15:18PWD raw si Venus at hirap nang gumalaw.
15:22Ano nangyari?
15:24Ha?
15:26Ano nangyari?
15:30Ay, hala!
15:32Ano pong gagawin dyan, sir?
15:35DSWD kailangan?
15:37Homicide po.
15:38Ah, sa homicide? Okay.
15:40Ay, hindi po kailangan ng DSWD?
15:42Kailangan pa rin po.
15:43Tawagan mo kaya yung DSWD.
15:47Makalipas ang isang oras, nahanap ang kaanak ng biktima.
15:51Kayo po yung kapatid.
15:56Iniwan namin si Venus ng may bigat sa tib-tib.
16:00Alungkot ano tay?
16:01Yun nga eh.
16:02Takali yan. Mag-wing 2 o'clock.
16:05Diyan.
16:06E pag kayo po, ilang beses na po kayo nakakita ng ganyan?
16:10Marami beses.
16:10Ang kasamahan niyo?
16:11Marami na po.
16:13Na ano po?
16:14Marami na po yung namatay dyan mismo sa katabi mo.
16:18Natulog lang.
16:20Tapos kinabukasan, wala na. Hindi na nagising.
16:22Ganun po talaga dito sa kali?
16:24O, baka sakali ka.
16:25Buhay mo ay nandito sa lansangan.
16:28Ganyan talaga ang mangyayari.
16:29Mahirap ang buhay sa lansangan, pero lalong mahirap sa oras ng kamatayan.
16:37Sana, hindi mauwi sa ganito ang buhay ni Tante.
16:43Alas 4 ng hapon, naglakad na naman kami papunta sa susunod na kainan.
16:51Dito ang pag nagsusulat muna ng pangalan.
16:57May ipinamimigay raw na libreng hapunan sa simbahang ito.
17:07Pero kailangan mo munang makinig sa dalawang oras na misa at dasal.
17:14Habang hinanap ko si Tagpe sa grupong ito,
17:20taimtim namang nanalangin si Tatay Edgar.
17:24Pero hindi naman ako sumusuko.
17:26Alam kong meron din panahon, hindi ko palang alam kung kailan.
17:32Pero alam ko, sinusubukan ko man lahat ng kung anong pagkakatawang ibigay sa akin.
17:41Kinabukasan, nagtungo ako sa Boys Town Marikina,
17:45kung saan daw huling nakita si Tagpe.
17:53Afternoon kuya, ito po yung Boys Town.
17:57May tatanong po ako kasi may hinahanap po akong tao.
18:00Ito po, may picture po ako.
18:02Na-interview ko yan dati, ito sinahanap namin.
18:0540 plus na po siya, no?
18:0740 plus, oo.
18:09Ano, homeless ito eh, homeless.
18:13Pero yung sinabi niyo, kuya, yung mga ibang homeless, nagtambay sila, Marikina Sports Center.
18:18O, Marikina Sports Center.
18:19Minsan po makakakita po kayo doon.
18:21Mga tambay-tambay.
18:23O baka sa kalinan doon.
18:24Malapit sa palengke.
18:25Opo.
18:26Sige, sige, hanapin ko doon. Thank you, thank you.
18:30Dahil hindi namin nahanap sa Boys Town si Tagpe,
18:33Bossing, nakita mo na to?
18:35Nagpakasakali kami sa plaza ng Marikina.
18:37Kaya na po kasi ako na nakatira daw sa kalye, ganito itsura.
18:42Hello?
18:43Boys Town, opo.
18:45Ah, nakalabas na.
18:47So yung tumawag sa akin, yun yung security guard na kausap ko kanina sa Boys Town.
18:52Tapos ang sabi sa akin, wala na raw sa kanila.
18:58Hindi ako nawala ng pag-asa.
19:00Ay, kuya.
19:02Patuloy akong nagtanong-tanong.
19:03Inala po kayong ano?
19:05Hanggang sa...
19:06Ayyan po, ba ayan?
19:07Hindi to lang?
19:08Ay, oto.
19:09Ay, ano?
19:09Ay, si ano nga, ito?
19:13Kuya!
19:15Kuya!
19:18Nalala mo pa ako?
19:19O, si Karidabi.
19:22Kamusta?
19:23Amabi na naman po.
19:24Ha?
19:25Kamusta na? Tagal na natin, hindi nakita.
19:292008.
19:302008.
19:302008, natatandaan mo pa, ha?
19:32Ha?
19:33Ba't na dito ka na?
19:33Yan ako sa loob.
19:35Yan ako sa loob.
19:37Anong ginagawa mo dyan?
19:38Saan?
19:39Saan?
19:39Saan loob?
19:39Loob ng alin?
19:40Saan palito.
19:41Anong trabaho mo dyan?
19:42Hindi, misang...
19:43Ano?
19:44Misang ilagbutos lang sa akin.
19:47Misang...
19:47Wala.
19:49Kaya pala wala siya sa mga feeding center sa Maynila, lumipat na pala siya ng marikina.
19:55At hindi na siya sumasali sa mga feeding.
19:59Dahil kumikita na siya ng kaunting pera.
20:02Noong 2008, nagkakilala tayo sa feeding.
20:04Oh.
20:05Hindi ko alam kung anong pangalan mo.
20:07Kasi ang pangalan na bigay sa akin noon,
20:09Tagpe.
20:10Tagpe.
20:10Oh.
20:10Pero ang tunay mo yung pangalan?
20:12Francisco Ballionico.
20:13Ikinagagala kitang makilala, Kuya Francisco.
20:16Para hindi naman Tagpe ang tawag sa'yo.
20:2312 anyos lang si Francisco nang mapadpad siya sa kalsada.
20:29Nasanay na siya sa bansag na Tagpe.
20:31Dahil apat na dekada niya itong naririnig.
20:35Ba't ka napunta sa kalye?
20:37Eh, namatay mga magulang ko.
20:39Nag-ano, nag-asaan ko.
20:43Uli lang lubos, kinupkop siya ng kanyang mga tiya.
20:48Pero...
20:49Siya, pinabatukan ba ako ang mga kapatid ng asawa na siya ko?
20:56Bakit ka binabatukan?
20:57Hindi daw ko nagbibigay sa kanila.
21:00Hinaano ako.
21:02Kaya anong ginawa mo?
21:03Umalis na lang din ako.
21:05Lumayas ka sa tiyahin mo.
21:06Kasi, ayun naman ako bibigyan sa kanila.
21:10Pabigat lang po ako din.
21:16Nahanap niya ang tahanan sa kalsada.
21:19Sa piling ng mga yagit.
21:23Paano mo nalaman yung mga feeding?
21:25Yung feeding, yung feeding po. May kasama ako.
21:29Isang babae.
21:30Ayun yung nani-lino.
21:32Hindi na akong kumakanta.
21:33Sobra, sobrang pagpapala.
21:38Bumalik sa aking alaala ang mga taong aking nakasama noon.
21:43Gaano man sila kasalat sa buhay, marunong silang magbigay.
21:48At gaano man kahirap ang araw-araw, huwag na huwag kang magnanakaw.
21:58Pero noong 2016, naglunsad ang pamahalaan ng operasyon laban sa mga taong lansangan.
22:07Hinuli silang parang mga kriminal.
22:10Gayo ang tangi lang naman nilang kasalanan ay ang kawalan ng matitirahan.
22:16Paano ka napunta dito sa Marikina?
22:18Kasi sa May Lila, puro huli.
22:20Misang hindi ka makakatip. Puro huli.
22:23Gigisingin ka ng mga polis.
22:24Ah, hinukuli kayo.
22:30Magsasampung taon na ngayon si Francisco sa Marikina.
22:38Magkano bang kinikita mo sa isang linggo?
22:41Isang linggo po. Ano lang, maliit lang. Mga 500 lang.
22:49Baryama ng kanyang kinikita, nagsisikap siyang mag-ipon araw-araw.
22:57Wow, ang dami.
22:59Puro peso lang yan, man.
23:00Ito yung mga binibigay-bigay sa'yo.
23:02Dos peso.
23:03Iniipon-ipon mo.
23:05Ito pa ang mata ko. Papagamot ko pa.
23:08Ay, papagamot mo yung mata mo.
23:09Wala ka bukas yun.
23:10Ah, wala ka lang nakikita sa kabilang mata mo?
23:13Ito. Kakatapos lang po.
23:20Pagdating ng hapon, nakita kong muli sa palengke si Francisco.
23:27Pero nagulat ako sa kanyang sunod na ginawa.
23:33Gamit ang kanyang maliit na kita, bumili siya ng sampung kilo ng bigas.
23:42Para kanino ang bigas na ito?
23:46Saan kaya niya ito dadalhin?
24:00Saan ba natin dadalhin ito, kuya?
24:02Sa bahay ng tiyahin ko.
24:03Sa bahay ng tiyahin mo?
24:05Wala silang bigas doon?
24:06Meron din.
24:07O, e bakit tayo magdadala ng bigas sa kanila?
24:09Sa sabat yun, nagdadala po ang bigas sa kanila.
24:12Sa barangay Holy Spirit sa Quezon City, lumaki si Francisco.
24:17Nang mangyari ang pandemia, napilitan siyang bumalik dito para hanapin ang natitira pa niyang pamilya.
24:26Ito yung bahay ng tiyahin mo?
24:32Saan po ang bahay?
24:33Ah, ito?
24:34O, malaki pala ang bahay nila.
24:37Kayo po yung pinsan ni...
24:39Ah, po.
24:40Sige po.
24:41Masa kayo?
24:42Ikaw po, masok ka muna.
24:43Masok ka muna dito.
24:44Masa!
24:46Masa!
24:49Masa!
24:50Ah, ito pa po yung isa pa po.
24:52Sampung kilo po eh.
24:54Thank you, salamat.
24:56Binili niya yan sa inyo?
24:58Opo, pag bumikita kasi siya, kahit konti, nagbibigay siya, bumi siyang bigas.
25:04Bakit daw po?
25:05Kaya mo ko sa kanya, basta magating niya, talagang obligado.
25:08Ano na siya, bibili na siya ng bigas.
25:10Katuwa-tuwa lang mga siya kasi siyempre may bigas eh.
25:13Magpinsang buo si Najuvie at Francisco.
25:1712 anyos lang si Francisco, nang huli silang nagkita.
25:20Noong gabi sa eyewitness, susubukan kong makipamuhay sa mga...
25:24Nang umere ang dokumentaryo ng eyewitness noong 2008, nagulat si Najuvie nang makita nila ang kinahinat na ni Francisco.
25:32Yung mga kapinsan ko, hinanap namin talaga siya. Sabi niya, ano niyo, si Kiko nasa kalsada.
25:37Parang naman, parang mandiliit ka dahil ka mag-anak namin eh.
25:42Hinaanap namin talaga siya, talaga namin makita ma'am.
25:46Noong 2018, si Francisco na ang kusang umuwi.
25:51Tinanggap naman siya ng maluwag ni Najuvie.
25:53Pero tila hindi siya mapakali sa bahay na ito.
25:58Kaya tuwing Sabado lang siya nakikitulog dito.
26:01Mula lunes hanggang biyernes, sakalye pa rin siya natutulog.
26:07Eh ba't hindi ka na lang dun mamalagi?
26:09Eh walang magtiskat kasi dun.
26:12Patapos, o, pabigat ka pa sa kanila.
26:15Eh ba't hindi na lang po siya dito sa bahay na?
26:17Ayun, hindi ko alam sa mindset niya.
26:19Sinasabi namin sa kanya na umuwi siya dito.
26:21Kasi wala siyang kamag-anak na iba, kami na lang.
26:24Ayaw niya, mag-ahanap buhay daw siya.
26:26Noong una, hindi ko rin maintindihan kung bakit mas pinipili niyang mabuhay sa lansangan.
26:34Pero kung maaga kang naulila sa magulang at kalsada na ang itinuring mong tahanan,
26:41marahil sa pakiramdam nila, lansangan na lang ang tatanggap sa kanila.
26:49Sa kabila ng lahat ng hirap, patuloy siyang kumakapit sa pangarap.
26:55Umaasa na sana dumating ang araw na hindi na niya mararamdamang pabigat siya sa lipunan.
27:04Pangarap ko, isang makatayo akong magandang buhay.
27:09Ayaw ko na, pura sakali.
27:11Isa ko magkaroon ng magandang negosyo, makaipon.
27:21Sabi nila, maswerte ka na raw kung nakakakain ka ng tatlong beses sa isang araw.
27:28Pero ang katotohanan ng mundo, hindi lang pagkain ang kailangan ng tao.
27:34Higit sa lamang tiyan, trabaho, dignidad at pagtanggap ang kanilang hinahanap.
27:46Ang gutom ay sintomas lamang ng mas malalim na sakit ng lipunan.
27:52Hindi sangkaterbang feeling sesyon ang solusyon sa problemang ito.
27:59Sa totoo lang, hindi naman sila tamad at pabigat.
28:04Tulad natin, naghahanap lang din sila ng pagtanggap at pantay na oportunidad.
28:14Ako po si Cara David, at ito po ang Eyewitness.
28:38Maraming salamat sa pagtutok ninyo sa Eyewitness, mga kapuso.
28:41Anong masasabi ninyo sa dokumentaryong ito?
28:44I-comment nyo na yan, tapos mag-subscribe na rin kayo sa GMA Public Affairs YouTube channel.
Comments

Recommended