00:00Posibleng muling magpatupad ng price ceiling sa imported rice ang Agriculture Department
00:05matapos mapansin ang pagtaas ng presyo sa ilang pamilihan.
00:08Yan ang ulat ni Elijah Canlan.
00:12Kumikilos na ang Department of Agriculture upang magtakda ng limitasyon sa presyo ng bigas
00:17para hindi na ito higit pang lumobos sa mga susunod na linggo.
00:21Batay sa kasalukuyang presyo ng mga pamilihan sa Metro Manila,
00:25pumapalo sa P55-P63 kada kilo ang premium imported rice.
00:31Nasa P45-P49 naman ang presyo ng imported well-milled rice,
00:35habang nasa P42-P43 ang imported regular milled rice.
00:40Para sa mga namimili, malaking pasanin ito sa kanilang pang-araw-araw na budget.
00:44Dahil dito, nakahanda na ang DA na magpatupad ng price cap
00:48o limitasyon sa presyo ng imported na bigas sa pagtatapos ng kasalukuyang buwan.
00:53Ito ay matapos magkasundo ang National Price Coordinating Council o NPCC
00:57na isumite ang rekomendasyong gawing P50 ang pinakamataas na presyo ng kada kilo ng imported rice
01:03sa tanggapan ng Pangulo.
01:05Ayon kay DA Sekretary Francisco Chulaurel Jr.,
01:09si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. pa rin ang magbibigay ng pinal na desisyon ukol dito.
01:14Hinimok naman ang kagawaran ng publiko na tangkilikin ng mga murang bigas na ibinibenta ng pamahalaan.
01:19Layunin ang nasabing hakbang na mapigilan ang anumang uri ng profiteering
01:23o iligal na pagtaas ng presyo sa gitna ng nagpapatuloy na tensyon sa Middle East.
01:28Gayunpaman, nilinaw ng kalihim na hindi na kailangang panglagyan ng price cap ang lokal na bigas
01:33dahil nasa kasagsagan ngayon ng dry harvest season ang bansa.
01:37Sa kasalukuyan, ang local premium rice ay naglalaro sa P51 hanggang P60
01:41habang nananatiling matatag sa P45 at P40 ang well-milled at regular milled rice.
01:46Binigyang diin naman ng kalihim ang patuloy na pagbebenta ng mas murang bigas
01:51sa halagang P45 hanggang P48 kasabay ng pagpapalawak ng benteng bigas meron o BBM program
01:57kung saan mabibili ito sa P20 kada kilo.
02:01Para sa mga mamimili, malaking tulong ang mga inisyatibo ng pamahalaan
02:04para makabawas sa pang-araw-araw na gastos.
02:07Pag merong ganito talaga bumibili ako kasi nasubukan ko na noon pa, diba ganyan din dati.
02:12Sa budget kasi kahit ba ilan lang kami, siyempre yung budget mo eh,
02:16kaya ano mo eh, kahit dalawa lang kami sa bahay pero nauubos agad yung budget.
02:22Ayon sa ilang mamimili, sulit at maayos ang kalidad ng mga ibinibentang bigas
02:26ng nasabing programa.
02:28Mibili kami ng tech bain din na bigas kasi subukan na namin na bumili
02:32kasi kahirap ng buhay po ngayon, kailangan namin na magtipid.
02:37Okay naman po siya eh, masarap naman.
02:39Tiniyak naman ng DA ang sapat na supply ng mga pangunahing bilihin ngayong tag-init
02:43kabilang na ang karne ng manok, baboy at mga isda.
02:47Patuloy na minomonitor ng mga otoridad ang galaw ng presyo sa mga palengke
02:51upang masigurong hindi nagagamit na dahilan ang krisis sa ibayong dagat
02:55para sa hindi makatarungang pagtaas ng singil.
02:58Elijah Ganlas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments