00:00Nagsagawa ng special rollout ang Department of Social Welfare and Development
00:04para sa mga driver na hindi nakatanggap ng cash aid noong inununsad ang programa.
00:09Ramdam naman ang mga jeepney drivers ang ginhawa ng sabay na rollback sa presyo ng produktong petrolyo
00:15at 10 piso kada litro na fuel subsidy.
00:18Kinangulat ni J.M. Thompson.
00:23Nagsimula na ngayong araw, April 14,
00:25ang special payout ng mga tricycle at jeepney drivers sa iba't ibang lungsod sa Metro Manila.
00:30Ramdam ni Marvin Pusho ang pagpreno ng presyo ng gasolina
00:34kasabay ng tulong pinansyal na makukuha niya ngayong araw.
00:38May paglalaan na na ang ayuda at kahit papano'y malaking tulong ito
00:42sa pagpapagamot sa asawa niyang nagdadialisis.
00:45Yun nga, sa gasolina, sa pangangailangan, pagkain.
00:50Yun, pero kahit papano, malaking bagay na rin.
00:53O, sa asawa ko po, kailangan ng gamot din dahil nagdadialisis sa ngayon.
00:58Kasabay nito, efektibo na rin ang big-time rollback sa produktong petrolyo ngayong araw.
01:03Aabot sa 20 pesos kada litro ang ibinaba ng diesel simula ngayong Martes.
01:08Habang 4.43 pesos naman ang ibinaba ng gasolina
01:12at ang kerosene ay bumaba na rin ng 8.50 pesos.
01:16Samantala, mayroon ding 10 pisong diskwento kada litro
01:20sa ilang gasolinahan sa Quezon City, Pasig City, Manila, Montenlupa at Malabon City.
01:27Si Virgilio Calma, mahigit dalawang dekada nang namamasada
01:31at dalawa na ang napagtapos na anak sa kabila ng kanyang mild stroke.
01:36Tuloy ang kanyang biyahe para sa kanyang isa pang anak na nasa kolehyo pa.
01:40Maaga siyang dumating sa payout site para maaga rin makakuha ng ayuda
01:44upang makabiyahe pa pagkatapos.
01:46Dagdag pa niya, ang mga diskwento, ayuda at pagbaba ng presyo ng gasolina
01:51ay malaking tulong para sa kanyang pamilya.
01:54Malaking tulong sa amin, lalo na siyempre nahihirapan di kami sa panggasolina.
01:59Arawan, tuloy na niya.
02:00Kung baga, i-dry sa amin sa amin, malaking bagay di sa mga kabukha namin sa drivers.
02:06Noong mga nakaraang linggo, nakatanggap na ng cash relief assistance
02:10ang unang batch ng mga drivers sa loob at labas ng Metro Manila.
02:14Matatandaang may ilang mga driver ang hindi nakatanggap ng tulong penansyal
02:18dahil sa problema sa kanilang pangalan, birthday, o kaya naman hindi naisama sa unang listahan.
02:24Kaya naman tiniyak ng Department of Social Welfare and Development o DSWD
02:29katuwang ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB
02:34na makakakuha ang lahat ng kwalifikadong driver sa mga special payout na ito.
02:40Para sa mga tricycle drivers sa NCR,
02:43ang petsa ng kanilang special payout ay simula ngayong April 14, April 15, April 17 at April 22.
02:51Upang masiguro nakasama ang inyong pangalan sa listahan sa mga araw ng payout,
02:56makipag-ugnayan sa inyong local government unit para malaman kung anong petsa kayo nakaschedule.
03:02Kaugnay rito, ayon kay DSWD Sekretary Rex Gatchalian sa huling tala noong April 10,
03:09nakapagbahagi na ng 5,000 cash assistance sa mahigit 500,000 PUV drivers sa loob at labas ng NCR.
03:17Umaasa naman ang maraming motorista at mga namamasada na sana ay magtuloy-tuloy ang pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo
03:25upang kahit papano'y makaramdam sila ng kaginhawaan sa gitna ng nararanasang suliranin sa langis.
03:32Mabilis at maayos ang pamamahagi ng ayudang pinansyal dito sa Valenzuela City People's Park.
03:38Inaasahang mahigit sa isang libong tricycle drivers ang kukuha ng cash relief assistance na hindi nila nakuha noong unang payout.
03:46Paayon ng DSWD, siguraduhin na dala ang mga dokumento gaya ng driver's license at photocopy nito para sa mas mabilis
03:54na proseso.
03:56J.M. Thompson, para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments