Skip to playerSkip to main content
  • 17 hours ago
KADIWA ng Pangulo store sa Quezon City, patuloy na pinipilahan ng mga mamimili | ulat ni JM Thompson

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa puntong ito, alamin muna natin kung tumaas ba ang presyo ng mga panindas sa Kadiwa Store.
00:04Ngayon tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo.
00:06Si J.M. Thompson sa Detalye Live. J.M.
00:12Joshua, simula gabi, adagsana ang mga tao dito sa Quezon City para makabili ng 20 pesos na bigas dito sa
00:20Kadiwa Center.
00:21Karamihan sa kanila ay senior citizen na umaasang makabili at makaabot sa supply ngayong araw.
00:30Tuloy-tuloy ang pagpapalawig ng Kadiwa ng Pangulo Program na may 627 centers na sa kasalukuyan.
00:36Layo nitong agarang masolusyonan ang tumataas na presyo ng ilang bilihin sa merkado.
00:42Dito sa Kadiwa Center sa Bureau of Animal Industry, Visayas Avenue de Liman, Quezon City,
00:47tuloy-tuloy ang pagpunta ng ilan nating mga kababayan para bumili sa Kadiwa Store.
00:52Bukas ang Kadiwa Store dito simula alas 7 ng umaga hanggang alas 4 ng hapon.
00:57Alas 6 pa lang ay nagpapapasok na para mas mabilis ang pagbili ng mga mamimili.
01:03Hindi pinapalagpas ng marami nating kababayan na pumila at bumili dito sa Kadiwa Store
01:08dahil ito ay nakatutulong sa kanilang pamilya para makabawas sa mga gastusin sa pang-araw-araw.
01:16Malaking bagay po yung 20 pesos na bigas ng Kadiwa.
01:20Unang-una po, napakamahal na po ang bigas sa mga palingki, sa mga nagbibinta ng bigas.
01:27So, times 3, almost times 3 yung presyo rito.
01:31Kasi 60 pesos na every 1 kilo sa labas and then dito is 20 pesos per kilo.
01:38So, makakabili ka ng 3 kilo dito sa labas sa 1 kilo lang.
01:43So, napakalaking diferensya, diba?
01:47Napibili ng mas mura ang mga produkto dito sa Kadiwa Store.
01:51Diretso kasi itong ibinibenta mula sa mga bukid at sakahan
01:54at hindi na nadadagdaga ng malaking patong mula sa mga middleman.
01:59Available ang ilang produkto dito gaya na lang ng mga gulay,
02:02prutas, itlog, isda at higit sa lahat, ang murang bigas.
02:08Karamihan sa mga nakapila dito ay senior citizen at PWD
02:11na kinukuha ang oportunidad para makatipid.
02:14Maaari ding ipasuyo sa iyong mga kamag-anak ang pagbili dito sa Kadiwa Store
02:19kung hindi na kaya ng senior or PWD,
02:21basta magdadala lang ng authorization letter at ID.
02:24Pagdating sa loob, maayos naman ang proseso.
02:28I-encode ang bawat isa kung ilan pa ang available na kilo ng bigas kada tao.
02:32Ayon dito sa mga namimili,
02:34pinapayagan sila na makabili ng 5 hanggang 10 kilong bigas kada araw.
02:39Pero limitado ito sa 30 kilos kada buwan
02:42ang isang tao para lahat ay makabili.
02:45Nagpapasalamat naman si Flory sa programang ito
02:48pero meron siyang isang hiling.
02:54Sobrang saya po namin, sobrang tulong na ginawa sa atin ng ating gobyerno
02:59na makabili kami ng murang bigas na halagang 20 pesos.
03:03Sana naman sa susunod na pagkakataon na meron pa ito,
03:09sana naman po higit niyo panggandahan
03:12para yung aming proseso, paano kami makabili at maging maayos po ang aming pila.
03:21Nananatiling naman sapat ang supply ng bigas na ibinibenta
03:24na nagkakahalaga ng 20 pesos kada kilo.
03:27Pagsisiguro yan ang National Food Authority o NFA.
03:30Tiniyak naman ang pamahalaan na patuloy pa rin ang kanilang tulong
03:33sa pagbibigay ng fuel at fertilizer subsidies
03:36para sa ating mga kababayang magsasaka at manging isda
03:39na lubusang naapektuhan ng tumataas na presyo ng langis
03:43dahil pa rin sa kaguluhan sa gitnang silangan.
03:47Joshua, tuloy-tuloy rin sa ngayon
03:49ang Kadiwa Store sa iba't-ibang lugar sa Las Piñas City,
03:53Paranaque City, City of Manila at Valenzuela City.
03:56Yan muna ang update dito sa Kadiwa Store sa Quezon City.
04:00Balik sa inyo sa studio.
04:02Maraming salamat, J.M. Thompson.
Comments

Recommended