00:00Nangahanda ang National Irrigation Administration o NIA
00:03katuwang ang Comprehensive Agrarian Reform Program Irrigation Component
00:07sa posibleng epekto ng Super El Niño sa mga sakahan sa bansa.
00:13Kabilang sa mga hakbang ng ahensya ay ang pag-inspeksyon ng assessment
00:17sa mga irrigation facility, desilting o paglilinis ng mga kanal
00:22at maintenance activities.
00:24Ito ay para mapabuti ang daloy ng tubig
00:27at matiyak ang sapat na supply ng erigasyon
00:29para sa mga magsasaka ngayon tag-init.
00:32Pinalalakas din ng NIA ang koordinasyon sa Irrigators Associations,
00:37mga lokal na pamahalaan at iba pang partner agencies
00:40para sa mas maayos na water management
00:43at pagpapatupad ng water conservation measures.
Comments